I dedicate this chapter to _Nikki_Hatake_! Sana magustuhan mo ito. Enjoy reading :)
------------Inaantok pa ako pero nag iingay na ang alarm clock ko. Pilit kong inaabot ito at pinatay. Pikit matang inabot ko ang cellphone ko sa gilid ng kama ko. Tinatamad pa akong kumilos ngayon, tinignan ko ang oras sa phone ko. Alas siyete na pala. Sabay pikit ulit ng mata ko. Wait! Alas siyete!? Kinuha ko ulit ang phone ko at tinignang maigi ang oras! Shit! Alas siyete na nga!
Napamura akong napabangon sa higaan ko dahil sa pagkabigla nang makita ko ang oras. Nagmamadali akong kumilos, maligo, kumain at mag-ayos. Ni di na nga ako nakapagpaalam ng maayos kina Mama at Papa.
Habang nasa daan naalala kong medyo late na pala ako natulog kagabi sa sobrang dami ng nangyari at iniisip ko kaya ito ang napala ko. Idagdag pa yung message nung TF na yun na halos ikasakit ng ulo ko.
"I hate to see you with someone. It hurts me a lot :'(
Paulit-ulit lang yan nagp-play sa utak ko. Naiinis na ako sa kakaisip kung sino ba talaga siya at bakit ganoon ang sinabi niya. Bangag na kung bangag pero yun ang nararamdaman ko ngayon.
Alas-siyete y media na ng makarating ako kaya di na ako nakapasok sa first subject ko. Gustuhin ko man pero nahihiya na rin ako lalo na at nasa kalagitnaan na sila ng klase.
Naghintay na lang ako sa hallway at naupo sa malapit na bench. Nakakaboring naman maghintay dito ng wala man lang ginagawa kaya naisipan kong makinig na lang ng kanta. Kinuha ko ang headset ko at pinasak sa dalawang tenga ko. Di pa ako nakakatagal sa pakikinig nang may biglang humugot ng isang earpiece mula sa tenga ko.
I was about to shout pero napatigil din ako ng makita ko kung sinong pangahas na nagtanggal ng headset sa tenga ko ng walang paalam.
"K-Kent?"
"Ang pangit naman ng pinapakinggan mo!" nakangisi niyang sabi
I blink my eyes twice just to make sure I'm not hallucinating. Si Kent nga, siya nga! Sa pagkabigla ko biglang na lang akong napayakap sa kanya.
"Kent!!" mahigpit ang pagkakayakap ko sa leeg niya.
"Uhuh! D-di ka n-naman na-nanakal noh??" putol putol na sabi niya.
Agad agad akong napabitiw sa sakanya. Leche! Ano ba yung ginawa ko, nakakahiya! Pakiramdam ko pinapamulahan na ako ng pisngi buti na lang at walang katao-tao dito sa hallway. Inaamin ko namiss ko kasi siya sa tagal na di ko siya nakita kaya ayon di ko napigilan ang sarili ko.
Ilang minuto ang lumipas bago ko narealize ang ginawa ko. Napatapik na lang ako sa noo ko buti na lang at di nakatingin si Kent sakin. Ilang beses muna akong napabuntong hininga bago magsalita.
"Ahm!B-bakit ka p-pala nandito?" nauutal kong sabi. "Wa-wala ka bang klase ngayon?"
Napatingin siya sakin ng nakangiti. Pinisil niya ang ilong ko at ayon na naman ang puso ko, parang nakikipagkarera sa sobrang bilis tumibok.
"Di kasi ako pumasok sa first subject namin eh" sabay haplos sa buhok niya.
Nasabi ko na bang ang gwapo niya sa mannerism niyang yun?
"At tsaka sinadya kong di pumasok kasi hinihintay kita kanina." nakangiti niyang sabi. "Tsaka na-namiss kasi kita Andrea"
Totoo ba yung narinig ko o assuming lang ako?
"H-ha?? A-ano?? Anong sabi mo?"
Napapansin ko panay na lang ang pagkautal ko sa 'twing kausap ko siya. Leche! Nagkakaspeech problem na ako.
"Aha-ahahah sabi ko namiss kita. Yung pagsusungit mo." sabay pisil ulit sa ilong ko.
Dub! Dub! Dub! Dub! Para akong maaatake sa puso nito. Pansin ko lang din gustong gusto niyang pinipisil ang ilong ko. Shit! Ano ba itong pinag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...