[Drielle'sPOV]
Katatapos lang ng huling klase namin. Napagpasyahan kung dumaan na muna sa canteen para bumili ng makakain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura.
Papalabas na ako ng hallway ng lapitan ako ni Kesha at nagmamadaling hinila ako palabas.
"Teka saan mo ba ako dadalhin. Oy! Dahan dahan naman sa paglalakad natatapon na 'tong pagkain ko!"
"Ang bagal bagal mo kasing maglakad Drielle eh!"
Nakakaloka naman itong si Kesha! Siya pa 'tong galit. Ano ba kasing meron at kung makapagmadali 'to parang wala ng bukas na darating.
Nakapagtataka pero ang daming nagkukumpulan na tao sa harap ng flagpole. At di ko namalayan na dito niya ako dinala. Isa isa namang nagbigay ng daan ang mga tao samin ni Kesha.
"Teka, ano bang nangyayari? Ano bang ginagawa natin dito?" nalilito pa ring tanong ko sakanya.
"Just wait and watch" sabi niya sakin sabay kindat
Biglang pumailanglang ang tugtog. Doon ko lang napansin na may banda pala sa harapan ko. Pero, nakapagtataka bakit bumilis bigla ang pintig ng puso ko?
Maya-maya'y may isang lalaking umakyat at may hawak na mikropono. Awtomatikong napahigpit ang hawak ko sa softdrinks na iniinom ko nang makita ko kung sino ang may hawak ng mic.
Kinakabahan ako sa gagawin niya. Ano ba 'tong ginagawa niya. Napalingon ako sa gilid ko pero wala na si Kesha. Saan kaya napunta yun?Mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. I can see passion and love in his eyes. Naghuhumerantado na naman ang puso ko. Oh! heart will you stop beating for a while este puso magrelax ka naman!
I looked at him and mouthed "what is this?" pero sa halip ay nag umpisa na siyang mag strum ng gitara.
"This song is dedicated to you Andrea" sabay kindat at flying kiss pa.
Nagsihiyawan ang mga tao sa paligid ko dahil sa sinabi niya. Gustuhin ko mang mainis pero shit lang sinong niloloko ko. Dahil ang totoo, gusto kong mainis dahil ngayon palang kinikilig na ako.
♪♪♪♪
With you.. Everything seems so easy
With you.. My heartbeat has found its rhythm
With you.. I'm so close to finding my home
With you.. I don't care if I'm a liitle bit crazy
Cause with you nothing's wrongAng sarap pakinggan sa tenga ang boses niya. Amg lamig at nakakahalina. Ang gwapo talaga niya!
♪♪♪♪
I was broken, I was wasted
Then you came like an angel in the rain
Love used to slip through me like waters slips through hands
But with you it changed I know, I feel I'm closer to your heart...Akala ko dati wala na siyang alam gawin kundi ang mang-inis at mantrip lagi sakin. Pero, di ko inaasahan na may ganitong sweet side pala si Kent. And I admit, I love it.
♪♪♪
I am run run running to you
And I'll keep you safe forever
Through the tears, through the love and all the nights we share
I am run run running to you
And I'll keep you safe forever
Don't you know my love, don't you two hearts can beat as oneLove used to slip through me like water slips through hands but no more
No more lonely nights, no more, no more
So c'mon, c'mon, hold on, hold on, hold onI am run run running to you
And I'll keep you safe forever
Through the tears, through the love and all the nights we share
I am run run running to you
And I'll keep you safe forever
Don't you know my love, don't you know two hearts can beat as one ♪♪Natapos ang kanta ng di niya pinuputol ang tingin niya sakin. Halos malunod na ako sa lalim ng mga titig niya at halos lumuwa na ang puso ko palabas dahil sa sobrang lakas ng pintig nito. Akala ko ay bababa na siya pero di ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya.
"Andrea, gusto ko lang sabihin na lahat ng nararamdaman ko ay nasa kantang iyon.. ikaw at ikaw lang ang taong nakapagpatibok ng puso ko ng ganito." sabay turo sa kanyang puso. "Ikaw lang ang taong nakapagpagawa sakin ng mga kabaliwan na ito at di ko alam na may ganito pala akong side."
Gusto kong matawa sa sinabi niya pero sa halip ay di ko namalayan na lumuluha na pala ako. Nakakatouch kasi itong mokong na ito eh!
"I'm sorry if I made you feel mad last time. I'm sorry if I was a jerk. Akala ko tuluyan ka nang magagalit sakin Biee. Akala ko mawawala ka na sakin. I'm really sorry if all I ever know is to say sorry."
Kanina pa sorry ng sorry 'tong mokong na to! Di ba niya alam na matagal ko naman na siyang napatawad.
"Biee.. I can't promise not to make you cry anymore kasi alam ko may mga bagay na darating pa rin satin na magpapa-iyak at magsusubok sa katatagan natin. But one thing I can promise you is that no matter what happen, come what may, my love for you will never last."
Shit! Mas di ba niya alam na mas lalo lang niya akong pinapaiyak sa sinasabi niya.
"I will spend every second, every minute, every day of my life loving you. I love you so much Biee. And please forgive me, I'm sorry."
Narinig ko ang ilan sakanila sa mga taong nasa palagid ko na sinasabing patawarin ko na siya. Ang iba naman sumisigaw ng kiss!
Dahan dahan siyang lumapit sakin marahan na pinunasan ang pisngi ko.
"Sshh. Bakit ka umiiyak Biee. Tahan ka na. May nagawa na naman ba ako? Tell me! Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" naguguluhan niyang tanong.
" Ang baliw mo talaga! Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo!"
Biglang lumungkot ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"...dahil ang totoo niyan. Gustong gusto ko ang ginawa mo. Ang baliw mo talaga! Di mo ba alam na pina-iyak mo ko sa mga sinabi mo."
Tinitigan ko siyang mataman sa mga mata.
"Kent, ako dapat ang humingi ng sorry sayo. I'm sorry nagpadala ako sa nakita ko. I'm sorry kung sana nagtanong muna ako bago ako nagconclude. I'm sorry kasi-"
Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako. A simple kiss with so much care and love.
"You're forgiven. I love you so much Andrea. I love you!"
"I love you too Kent, and I will always be".
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romantik"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...