[Kesha's POV]
Ang bilis lumipas ng araw. Ilang araw na din akong walang gana. Seriously, dahil lang naman sa depressed ako nitong mga nakaraang linggo.
Nandito ako ngayon sa isang bakeshop naka upo at nakatunganga. Sa totoo lang di naman talaga pagtunganga ang pinunta ko dito. Naging regular customer na din nila ako dito dahil tuwing Miyerkules ay nandito ako. Kilala at naka-close ko na nga pati yung mga nagtatrabaho dito."Hoy! Hinihintay mo na naman siya?" sabi sakin ni Mae isa sa mga nagtatrabaho dito sa bakeshop.
"Ah.... oo eh. Nagbabakasali lang baka bumili siya dito. Alam mo na."
"Di ka ba talaga napapagod na maghintay? Naku!"
"Hehe. Di naman maya maya uuwi na din ako. Pasensiya na sa abala ha"
"Ano ba kasing nagustuhan mo dun? Tsaka lagi mo na lang hinihintay eh dadaan lang naman siya para bumili tapos aalis agad. Ni di mo nga magawang malapitan." sabi niya sakin.
"Alam mo Mae masaya na ako makita ko lang siya kahit sa malayo. Malalapitan ko din siya siguro..."
Di ko na natapos ang sinasabi ko dahil narinig kong umingay ang chime sa may pintuan. Sabay kaming napalingon sa taong dumating at halos huminto sa pagpintig ang puso ko ng makita ko siya.
Oo ganoon ang epekto niya sakin! Yun bang kakapusin ako ng hininga kapag makikita ko siya. Yung halos di ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil sakanya lang nakatuon ang atensyon ko. Ganon na ganon!
Iniwan na ako ni Mae para asikasuhin ang ibang customer. Naiwan ako na nakatulalang nakatingin sa kanya. Ang gwapo talaga niya!
Siya ang dahilan kung kaya lagi akong nandito. Isang buwan ko din siyang ini-stalk . Oo! Crush ko siya! Di ko alam paano at kailan basta naramdaman ko na lang.
Dahil nga sa pagsunod ko sakanya marami na din akong nalaman. Nalaman ko na twing umaga ng Sabado ay nasa park siya. Kaya twing Sabado din ng umaga ay pumupunta ako sa park kahit di naman usual sakin ang pagpunta dun.
Isang araw sinundan ko din siya at nalaman ko na twing Miyerkules ay pumupunta siya dito sa bakeshop na ito. Regular customer din siya dito.
Ang pagsunod sunod ko sakanya ang dahilan kung bakit halos di ko nakakasabay si Drielle at madami akong nararason sa kanya.
Masasabing isa akong stalker pero walang kwentang stalker. Paano kasi sa kaka-stalk ko sakanya di ko pa rin alam ang pangalan niya. Halos lahat na alam ko sakanya. Paborito niyang kulay, pagkain na binibili dito sa bakeshop. Mga lugar na palagi niyang pinupuntahan pero ni pangalan niya di ko man lang alam! .
Linggo ngayon at naka-ugalian na namin nila mama at papa na magsimba. Kahit na abala sila sa trabaho ay di nila nakakalimutan ang Sunday routine naming pamilya.
Medyo maaga kaming pumunta ng simbahan kaya kukunti pa ang tao. Nakaupo kami ngayon sa may bandang gitna. Sakto lang para makita ang pari at marinig siyang magsalita.
Habang tumatagal ay unti unti ng napupuno ang simbahan. Ilang sandali lang ay nag-umpisa na ang misa.
"May the peace of the Lord be with you"
"And with your spirit".
"Let's give peace to one another"
"Peace be with you ..." lingon ko sa harap, sa kanan ko, sa kaliwa ko sabay ngiti sa kanila mapabata man o matanda. Paglingon ko sa likod, halos mautal ako at di ko mabigkas ng maayos ang sasabihin ko.
"Pe..peace be...with...you" sabay tango ko sa kanya.
OhMyLord! Blessing agad! Nandito siya! Nandito si Crush! Pero nakakahiya nautal pa ako samantalang "peace be with you" lang naman ang sasabihin ko.
Natapos na ang misa. Time ko na ito para lapitan siya. Sana naman malaman ko na ang pangalan niya. Inayos ko muna ang buhok ko para siguraduhin na presentable akong haharap sakanya.
Kaya ko to! Kaya mo to Kesha!
Todo ngiti ako ng lumingon ako sa likuran ko. Pero agad ding nawala ang ngiti ko dahil wala na agad siya!
Gusto kong magmaktol! Kainis naman eh! Kanina lang nandito pa siya tapos ngayon wala na agad!
Akala ko pa naman makakausap ko siya pero di na naman. Umalis siya agad. Sayang!
Narinig ko nalang na tinatawag na ako ni mama para umalis na. Lumingon pa ako baka sakaling mahagilap ko pa siya pero wala na talaga siya. Nanlulumo akong humakbang paalis ng makaapak ako ng isang panyo.
Nasa tapat ng kinaupuan niya kanina yung panyo. Ibig sabihin sa kanya ito! Di ako pwedeng magkamali! Sa kanya ito! Hawak niya ito ng makipag peace be with you ako sakanya. Tama! Di man lang ba niya naramdamang nahulog ito?
"Kesha!!! Ano ba tara na. Naghihintay na ang papa mo" tawag sakin ni mama
"Opo Ma! "
Habang nasa sasakyan di ko mapigilan ang mapangiti. Tinignan ko yung panyo kung meron bang nakalagay na pangalan pero sa halip may nakaburda na letters AD. Ano kayang ibig sabihin nito? Baka initials ng name niya?
Bago kami umuwi sa bahay ay dumaan muna kami sa bakeshop. Bumili ako ng paborito kong tinapay.
"Mae... tatlong order nga nung paborito kong tinapay :)
"Oh buti naman napadaan ka dito. Dumaan din dito yung crush mo. Sayang girl di mo naabutan"
"Ha?? Bumili din siya dito? Galing kasi kami sa simbahan kaya napadaan kami dito. Sayang naman "
"Narinig ko pala sa kausap niya na babalik na daw siya sa.. sa... takte nakalimutan ko na kung saan. Pasensiya ka na girl. Basta ang narinig ko lang ay flight na niya mamaya"
"Ganoon ba. Saan naman kaya siya babalik?"
"Ewan ko. Ito na order mo" sabay abot sakin nung inorder kong tinapay.
Nakauwi na kami sa bahay ay di mawala sa isip ko ang sinabi ni Mae. Ibig sabihin nun di ko na ulit siya makikita?
Binalot ako ng lungkot sa isipin na iyon. Kinuha ko ang panyo niya at nilagay ko sa isa sa frame at dinisplay ko sa ibabaw ng drawer ko. Nanghihinayang ako at di ko man lang siya nakilala lalo ngayon di ko alam kung makikita ko pa siya.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...