Chapter26: Misunderstanding (Part2)

38 4 0
                                    

Di ko alam kung anong oras na ako nakauwi. Ni di ko din alam kung paano ako nakauwi ng maayos.

Di pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina. Ang sakit! Bakit nagawa nila sakin iyon.

Napabalikwas ako ng higa ng tumunog ang phone ko.

(Biee calling....)

Nireject ko ang tawag niya. Nakita ko din na marami na pala siyang text sakin pero di ko pinansin lahat yun.

Tumawag ulit siya at ganoon pa din ginawa ko. Pinatayan ko siya ng tawag at tsaka ko in-off ang phone ko.

Di ko alam kung pano ko siya haharapin bukas. Silang dalawa ni Kesha. Di ko alam kung paano nila ipapaliwanag sakin ang nasaksihan ko. Sinisigaw ng puso ko na mali ang nakita ko pero kabaliktaran naman ang sinasabi ng utak ko.

********

Sinadya kong magpa-late ng pasok dahil ayokong makasabay si Kesha. Lalo na at malinaw pa sa isip ko ang nakita ko. Takte at heto na naman ako. Naiiyak na naman ako! Ano bang mga mata to balde balde na nga ng luha ang nai-iyak ko kagabi hanggang ngayon pa rin.

"Drielle... pwede ba tayong mag usap?"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para tignan kung sino ang nagsalita dahil alam ko kung kaninong boses yun kahit di ko na tignan. Imbes na sumagot ay dire-diretso lang ako sa paglalakad.

"Drielle... mali ang nakita mo. Mali ang iniisip mo samin ni Kent."

Patuloy lang siya sa pagsasalita kahit halata namang di ko siya sinasagot at pinapansin ay sige pa rin siya.

"Drielle! Kausapin mo naman ako oh! Hayaan mo kong magpaliwanag!"

Humarap ako sakanya ng walang kaemo-emosyon.

"Bakit? Para san pa Kesha?! Di ko kailangan ng explanation! Sapat na lahat ng nakita ko."

"Mali nga kasi ang nakita mo!" pagtatama niya sa akala ko.

"Mali?. So anong tama? Dapat ba naghahalikan kayo? Ganoon ba dapat? Ganoon ba yung gusto mong makita ko?"

"Drielle..... kaibigan kita. Di ko magagawa sayo yun. Maniwala ka. Mali ang nakita mo"

Hindi ko siya sinagot.

"Ganyan ba ang kababaw ang pagkakaibigan natin para isipin mo na magagawa ko yun sayo? Wala naman kaming ginagawa ni Kent na masama".

"Wala nga ba? Eh anong ibig sabihin ng nakita ko?! Wala nga ba talaga?".

"Di ko alam na ganoon pala tingin mo sakin, samin ni Kent. Im sorry.  Sorry kasi pumayag pa ako sa plano ni Kent. Sorry kung tinulungan ko pa siyang maghanda para sa monthsarry niyo...."

(FLASHBACK)

Nasa klase ako ng mag vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang phone ko at nakita kong may text si Kent sa akin.

Kent,
   Kesha! Pwede bang humingi ng pabor? Patulong naman oh! Kita tayo maya after class ha.

Di ko alam kung anong klaseng tulong ang kailangan niya at bakit sakin pa siya nagpapatulong samantalang may girlfriend naman siya. Nireply ko ang text niya.

Ako,
     Anong help ba ang need mo?

Maya-maya nag vibrate na naman phone ko.

Kent,
       Monthsary kasi namin ni Drielle gusto ko syang isurprise :)

Ah! Kaya naman pala eh. Why not choknut!

Ako,
    Okay sure! No problem kita na lang maya ;-)

Binalik ko na yung cp ko sa bag at nag focus na ako sa pakikinig sa nagsasalita sa harap.

Tapos na ang klase, pero di ko alam kung anong idadahilan ko kay Drielle kung bakit di ako makakasabay sakanyang umuwi.

"Drielle una na ako ha. Ano kase... ah may aasikasuhin pa kasi ako eh. Sige bye"

Di ko na hinintay na magsalita pa siya. Umalis na ako at nagmamadaling naglakad. Nakita ko na text na naman si Kent kaya agad kong binasa.

Kent,
      Kesha, nakalimutan ko bmli ng rose. Pasuyo naman pabilhan ako. Pili ka na ng maganda ha. Salamat.

Loko to! Mangsusorpresa siya tapos may nakalimutan pa. Haynaku! Dibale na nga lang. Buti na lang at may alam akong lugar na malapit lang na mapagbibilhan ng mga bulaklak. Bumili ako ng isang bouquet. At agad din akong bumalik sa school at dumiretso sa likod nun.

Nadatnan ko si Kent na hinahanda ang mesa at inaayos ang pagkain. Infairness! Effort ito. Matutuwa si Drielle nito.

"Kent! Ito na flowers oh! 350 pesos yan ha.!" sabay pakita ko ng hawak ko na bulaklak.

"Naku pasensiya na sa abala ha. Salamat ha. Pasensiya ka na naistorbo kita. Ok na ba to? Wala na bang kulang? Paki check nga? Magugustuhan kaya niya to? Yung foods kaya....."

"Teka nga lang! May appointment ka ba ha? May hinahabol? Relax lang okay? To naman parang shunga! Magugustuhan niya yan!"

"Sigurado ka ha? Ngapala pakingan mo tong kakantahin ko para sakanya. Kung pasado na ba? Okay?"

"Okay sige!"

(End of flashback)

"...... yung araw na yun tinutulungan ko siya sa pagpili ng mga kanta. Nakikinig ako sa mga kinakanta niya. Sa totoo nga ako pa ang pumili ng bulaklak na ibibigay sayo na nakita mong hawak-hawak ko.. Lahat ng nakita mo, lahat ng inakala mo mali lahat yun. Mahal ka ni Kent. At mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo.

Pagkasabi na pagkasabi niya nun ay umalis na siya sa harapan ko. Tama ba lahat ng narinig ko? Kung ganoon lahat ng nakita ko mali lahat yun? Nasapo ko ang noo ko at napaupo ako sa upuan sa gilid ko. Yung kanina ko pa pinipigilang luha umaagos na ngayon sa pisngi ko. Mali pala ako ng iniisip. Ang sama ko! 

Nakayuko lang akong umiiyak at humihikbi nang naramdaman ko na bumigat ang bench na inuupuan ko.

Di ko na pinansin iyon at patuloy lang ako sa paghikbi hanggang sa naramdaman kong may mainit na kamay na dumampi sa braso ko. Napa-angat ako ng tingin.

"Tahan na...." sabi niya sakin habang hinihimas ang balikat ko.

Sa ginawa niya ay lalo tuloy akong napa-iyak.
 

"Akala ko umalis ka na. *huk* *huk* I-i'm sorry! I'm really sorry. I'm sorry Kesha. Mali ako."

"Sshh. Tahan na nga eh. Naiiyak na din tuloy ako. Bumalik ako dito kasi di ko pwedeng hayaang mag iiyak na lang ang kaibigan ko" sabi niya sabay punas sa mga mata ko. "kahit sinong nasa posisyon mo pag nakita nila ang nakita mo ganoon din naman ang mararamdaman nila. Ganoon din iisipan nila. Kaya tahan ka na. Papangit ka niyan. Sige ka mas maganda na ako sayo niyan" pag aalo niya sakin.

Natawa ako sa sinabi niya. Dahil sa sinabi niya parang mas naiiyak na naman ako. Pero syempre pinipigilan ko na, nakakahiya kasi kung napaka iyakin ko sa harap niya.

"Lokaret ka! Mas maganda ka naman talaga sakin eh"

Pwede palang tumawa at umiyak at the same time. Mali ako ng akala sakanya. Totoo talaga siyang kaibigan. Di ako nagkamali na naging kaibigan ko siya.

"Ah... h-hindi ka na ba galit sakin?"

Umiling siya bilang sagot at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti din ako ng yakap sakanya.

"Salamat Kesha" pabulong kong sabi.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon