Chapter 17

40 4 0
                                    

"Di yan totoo hindi mo ko iiwan diba?..."

Pinipilit ko siyang habulin pero sobrang layo niya sakin. Sa 'twing tatangkain kong lapitan siya, mas lalong lumalayo siya hanggang sa unti unting nawawala ang pigura niya at nilalamon na ng dilim. Minsan ko pang sinigaw ang pangalan niya subalit wala na siya. Wala na ni anino niya.

Nagising akong habol habol ang aking hininga. Naisipan kong bumaba sa kusina at kumuha ng maiinom. Sumagi sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Tristan dahil sa napanaginipan ko. Bakit pa kasi siya bumalik?!  Para saan pa okay naman na ako eh, nakakalimutan ko naman na siya pero bakit kailangan pa niyang bumalik?

Ilang minuto lang din akong tahimik na umiiyak hanggang sa napagpasyahan kong umakyat na ulit sa kwarto para makapag ayos na at para maiwaglit na din sa utak ko ang mga naiisip ko. Papasok na ako ng banyo ng makita kong umilaw ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at nakita kong yung unknown number pala.

"Love is magical. It gives you the strength to heal and transform"
May this message makes you smile for today. Goodmorning! :-)

Napangiti ako matapos kong basahin ang text niya. Ang gaan ng pakiramdam ko sa t'wing magtetext itong kung sino man 'to at di ko alam kung bakit.
       
"Goodmorning din :-) Salamat, ang ganda nman nung qoutes :-) uhm cno ka pala di kc nka save # mo d2 eh" reply ko sakanya.

Hindi nagtagal ay nagreply agad siya.

"Soon maki2lala mo din ako :') Sa ngaun I will be your secret admirer ;')

May pa-mystery effect pang nalalaman ang isang to. Naku! Pero imbes na mainis ako eh ang lagay nakangiti pa ako ngayon dahil sa sinabi niya. Secret admirer? Dapat ba akong matakot dahil may secret admirer ako o dapat akong matuwa kasi may nagkakagusto pala sakin? Di ko alam ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Pero salamat sakanya kasi kahit papano nawala sa isipan ko ang dahilan kung bakit ako umiiyak kani-kanina lang.

Nakarating ako sa eskwelahan 15 minutes bago mag umpisa ang klase namin. Nadaanan ko si Kesha sa may bench na may hawak na libro at nagbabasa ng masinsinan. Dahan dahan akong lumapit sakanya.

"Uy! Anong binabasa mo?"

Halatang nagulat siya ginawa ko dahil natiklop niya agad ang librong binabasa niya.
  
"Drielle? Ah w-wala..... k-kanina ka pa ba jan?"

"Hindi naman. Teka ano ba kasi yang binabasa mo? Ano yang tinatago mo ha? Patingin nga ako!" sabay kuha ko sakanya ng libro na akmang ilalagay na niya sa bag niya.

"A-ano ba... w-wala lang ito!."

Pero wala na siyang nagawa ng makuha ko ito sa kamay niya.

"Whaaaaaaaaaaat? HOW TO KNOW IF YOU'RE INLOVE!" malakas na basa ko sa title ng libro. Napatingin ako sakanya na nakataas ang kilay ko.
        
"A-ano kaba naman Drielle wag ka ngang maingay! Nakakahiya!" sabi niya sabay hablot sakin nung libro.

"Bakit ka naman nagbabasa ng ganyan ha? Are you inlove?''

"Of course... not!! "

"Weh? Really?" pangungulit ko sakanya. "Eh bakit yan ang binabasa mo?"

"Ano....... w-wala.. nga kasi eh. Okay!"

Tinitigan ko siya ng mataman alam ko may tinatago siya sakin. May hindi siya sinasabi sakin. Naramdaman niya sigurong hindi ako naniniwala sakanya kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Okay fine! Sasabihin ko na. I have a c-crush!" mahinang sabi niya na nagpamula ng pisngi niya.

"Gotcha! I knew it! So sino siya?"

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon