[Drielle'sPOV]
Ang sakit ng ulo ko! At inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon. Nakapangako kasi ako kay Mama na sasamahan ko siyang mag mall ngayon.
Pumasok na ako ng banyo at naghilamos. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko."Goodmorning sweetie" bati sakin ni mama.
"Goodmorning din Ma" lumapit ako sa kinaroroonan nila at hinagkan siya sa pisngi.
"Ngapala anak, ano sa palagay mo iluluto kong tanghalian natin?"
"Ma, pwede naman kahit ano" sabay hikab ko.
Lumingon sakin si Mama bago nagsalita. "Hindi pwedeng kahit ano lang ang iluto natin dahil darating ngayon ang Auntie Vel at Tito Ry mo. Kailangan masarap ang iluto ko!"
Sa narinig ko nawala ang antok ko. "What? Talaga Ma! Woah! Kelan pa nila sinabi na uuwi sila?" excited na sabi ko sakanila.
"Sabi ko na nga ba at ganyan ang magiging reaksyon mo. Kahapon sila tumawag sakin, pero di ko nasabi sayo dahil busy ka naman."
"Its okay Ma. Gusto ko na sila makita!"
Nasa mall na kami at nakapila na si Mama sa counter habang ako naman ay naghihintay sa may ice cream parlor. Tumunog ang phone at agad kong tinignan kong sinong nagteks.
*Mysterious
Meet me, 10 am @ Cafe El Trit.[Kent'sPOV]
Maaga akong nagising ngayon dahil sa maaga din akong kinukulit ni Mommy. Ang aga aga inutusan agad niya ako na puntahan at dalhan si daddy ng pagkain sa office niya. Nakalimutan daw kasi ni dad kumain. How sweet diba? Ginising pa talaga ako para maging taga-hatid.
Nakarating na ako sa opisina ni daddy. Di na ako sinamahan ng security guard dahil kilala naman nila ako kaya dumiretso na agad ako.
Di na ako nag-abala pang kumatok. "Dad? "
"Yes son? Oh anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"
Abala si Daddy sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa niya. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.
"Nope dad. Ihahatid ko lang to pinamimigay ni mom. Alam niyo na"
Napalingon siya sa sinabi ko. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mukha.
"Thank you son! Ang sweet talaga ng mommy mo. Lagi niya akong pinagluluto. Kaya nga mahal na mahal ko mommy mo eh!"
"I know dad. Kaya nga mahal niya din kayo kasi nabobola niyo siya. Haha. Just kidding dad. Got to go"
"Okay, take care son! Tell you're mom i love her and thank you for this"
"I will Dad. Bye!"
Nakalabas na ako sa opisina ni Dad. Tinignan ko ang orasan ko, maaga pa para umuwi.
********************
Nandito na ako sa Cafe El Trit. Mukhang napaaga ata ako ng dating pero alas diyes na. Hmp teka! Pano ko malalaman kung sino siya dito? Takte! Di ko pala siya kilala ni mukha niya di ko alam. Naku! Di ko naman pwedeng isa isahin magtanong sa dami ng tao dito.
Nung una inisip ko kung pupunta ba talaga ako o hindi. Nagdadalawang isip kasi ako. Pano kung masamang tao pala yun. Pano kung modus operandi niya lang to? Pero naisip ko din na di naman siguro tsaka nasa mataong lugar naman ito. Malapit sa atensyon ng mga tao kung sakaling may gawin siya sakin pwede akong sumigaw.
Uupo na sana ako ng may bakanteng upuan malapit sa bintana nang may tumawag sakin. Lumingon ako para tignan kung sino yung tumawag sakin. Nakita ko si Kent nakangiti habang nakatingin sakin. Ano naman kayang ginagawa nito dito?
"Oh anong ginagawa mo dito?" sabi ko sabay upo sa bakanteng upuan sa tapat niya.
"May hinihintay kasi ako" tipid na sagot niya.
"Talaga? Sino naman?? Ikaw ha may ka-date ka pala eh"
Outch! Nakaramdam ako ng sakit sa isiping iyon. Sino kaya ka-date ng mokong na toh! Hmp! Bakit kailangang dito pa sila magkita.
"Actually hindi nga alam ng ka-date ko na ako magiging date niya eh. Hehe"
What? Di kilala ng ka-date niya na siya ang ka-date nito? Pano naman kaya yun?
" Ahy nge! Bakit naman? Sino ba yang ka-date mo? Maganda ba ha? Dapat ipakilala mo siya sakin ng makilatis ko."
Bigla na lang siyang tumawa matapos kung sabihin iyon. Loko lang!
"Oh bakit ka natawa diyan?"
"Wag kang mag-alala Andrea kilalang kilala mo siya. Tsaka maganda talaga siya" namumula ang pisngi niya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"Gusto mo na bang makilala siya Andrea? Nandito na siya."
Lumingon ako sa likuran ko para tignan kung sino ang tinutukoy niya. Pero wala namang tao sa likuran ko.
"Asan siya Kent wala naman eh!? Pinagloloko mo ata ako eh!""No Andrea. She's here. She's already here infront of me" nakangiting sabi niya sakin.
Teka! Di pa mag sink sakin ang sinasabi niya.
"Ikaw!"
A-- Ako?? Ako ka-date niya! Anong bang pinagsasabi niya?
"Andrea, matagal na dapat sana ako nagpakilala kaso di ko magawa."
Di ko maintindihan ang pinupunto niya. Ano bang sinasabi niya matagal ko naman na talaga siya kilala eh. Well 5months to be exact ko na siyang kilala. Di ko gets? May second name ba siya at di ko alam. O baka naman di talaga Kent ang pangalan niya.
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Ako yung nagteteks sayo Andrea. I'm your secret admirer!"
Nagteteks sakin? Secret admirer? Siya si....... mysterious?
"Ikaaaaaw!!!!!!!? Panong???"
Ang dami kong gustong itanong sakanya. Pero di ko alam kung ano ang una kong itatanong.
"Nakuha ko number mo sa library I.D mo. Remember nung araw na naaksidente ka sa library. Matagal na yun diba? That day inalam ko lahat sayo. Pati address niyo at cellphone number mo..... Ilang beses ko sinubukan na itext ka. Ewan ko ba pero sa twing gusto ko ng isend sayo yun nauunahan ako ng takot"Hindi pa rin ako makasagot sa sinasabi niya.
".....nung tinext kita akala ko di ka magrereply nun. Di ko agad sinabi ang pangalan ko kasi baka di mo na ko replayan kapag nalaman mong ako yun"
Bakit ko naman kaya di rereplayin ang text niya? Buwang pala to eh!
"Sa totoo lang Kent di ko alam ang sasabihin ko sayo. Ngayon alam ko na na ikaw si mysterious, anong ginagawa ko ngayon dito? May gusto ka pa bang sabihin sakin?
"Andrea......... kasi...may sasabihin pa sana ako"
Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Andrea... gusto kita!"
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romantizm"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...