Ano ba itong napasukan ko! Makikipagdate ako sa lalaking di ko kilala. Kung bakit ba kasi ako pumayag! Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako sa lalaking yon at di ko mapigilang hindi kumulo ang dugo ko sa twing sumasagi sa isip ko ang itsura niya.
Katatapos lang ng klase namin, naglalakad na ako palabas ng gate nang nakita ko si Kent. Lalapitan ko na sana siya para kausapin pero di pa ako lubusang nakakalapit ay bigla na lang may isang babae na yumakap mula sa likuran niya. Nakita ko kung gaano kahigpit ang naging yakap niya kay Kent.
"Dub! Dub! Dub! Dub!"
Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko. Napahawak ako sa dibdib ko, parang nakikipagkarera ito sa bilis ng pintig nito. Bakit ganito nararamdaman ko. Wala naman akong sakit sa puso pero pakiramdam ko nagdudugo ito. Ano bang nangyayari sakin!
Nagsisimula ng uminit ang gilid ng mga mata ko. Leche! Di ko na maintindihan ang nangyayari sakin! Ang gulo! Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan, parang bang kusa ng nadikit ang mga paa ko doon. Nakita kong sabay na umalis si Kent at yung babae. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luhang pilit kong pinipigilan.
Di ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo at tahimik na umiiyak sa lugar na yon. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang nangyayari sakin, bakit bigla na lang akong nasaktan at umiyak? Pero kahit sarili ko di ko alam ang sagot.
Napagpasyahan kong dumaan muna sa pizza house para doon na kumain kaya nagabihan na ako ng uwi.
"Sweetie, why are you late. Saan ka galing?"
"Dumaan pa kase ako sa pizza house para kumain. Sorry Ma" sabay halik sa pisngi nila.
"Ganoon ba. Its okay sweetie. Kakain ka pa ba?"
"Nope Ma. I'm already full. Diretso na ako sa kwarto ko. I need some rest"
Paakyat na ako ng hagdang ng magsalita ulit si Mama.
"Are you okay anak? Is there something that bothers you?"nag-aalalang tanong ni Mama
Lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi.
"I'm okay Ma. I'm tired and I just want to rest. Goodnight Ma. I love you" sabay halik ko sa pisngi niya.
"Goodnight anak. I love you too"
Nakahiga na ako sa kama ng maalala ko ulit yung nakita ko kanina. Ang tagal ko ng di nakakausap si Kent. Higit isang linggo na din yun simula ng tulungan niya ako sa music video ko. Di ko mapigilang isipin kaya ba di na siya nagpapakita sakin kasi busy na siya sa iba?
Sa isiping iyon parang may kumirot sa parte ng katawan ko. Pero bakit ko ba nararamdaman ito? Haiy! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko nito ang gulo! Ipinilig ko ang ulo ko para mawaglit sa isipan ko ang nararamdaman ko.
Napagpasyahan kong bumangon at in-open ko ang fb account ko. Ang tagal na pala since last na in-open ko ito. Oh! madami na pala akong notifications. Matignan nga! Isa isa kung tinignan ang mga notifications ko. Halos post ng mga kaklase ko at mga tag pictures ko pa ang nandito simula nung highschool. Ilalog-out ko na sana ang fb ko ng biglang may nagpop-up na message galing kay TF.
Out of curiosity binasa ko ang message niya.
TF:
"No I've never seen nothing like you,
No one else makes me feel like you do
I've search across the universe
I've seen many things so beautiful its true
But I've never seen nothing like you"How are you? :-)
Out of nowhere napangiti ako sa nabasa ko although I know na lyrics ng isang kanta yung nasa unahan ng message niya. Sino kaya tong si TF? Kahit anong pilit kong pag-aalala ay di ko matandaan kung kilala ko ba siya.
Napagpasyahan kong tignan ang profile niya at ng makita ko ang itsura niya pero nakakapanghinayang lang kasi wala man lang nakalagay na kahit isang picture lang! Kaloka!
Nireply ko siya:
"Haha. Nice song! :-) Anyways I'm okay, how about you? And sorry to ask this but do I know you? I mean I can't remember you eh."Hinihintay ko ang sagot niya pero di na siya nagreply. Di ko tuloy alam kung nainis ba siya sa reply ko o ano. Naisipan kong mag log-out na tutal alas diyes na din ng gabi at kailangan ko na din magpahinga. Matutulog na sana ako ng marinig kong tumunog ang phone ko.
1message received
09******890"Goodevening mi lady, don't forget our agreement. See you tomorrow after class, you owe me a date. Goodnight. By the way Akihiro here"
Date??!! Biglang nag sink in sakin yung message na yun. Leche! Bakit ba kasi um-oo pa ako dun! Haynaku! Di ko na lang nireply ang text niya pero sinave ko na lang ang number niya.
Naiinis ako sa twing naalala ko siya at kung paano niya ako napa-oo na makipagdate sakanya. In-off ko na lang ang phone ko at humiga na.
Ilang beses din ako nagpabaling baling ng higa pero di talaga ako dalawin ng antok. Pinilit kung ipikit ang mga mata ko pero wala din.
Nakatitig lang ako sa kisame at inalala yung message na nabasa ko kani-kanina lang. Nakaramdam ako ng biglang pagbilis ng pintig ng puso ko. It's beating fast and hard but I don't know why. Pakiramdam ko hindi normal ang pagtibok nito ngayon. OhmyGod! Anong nangyayari sakin? Sino ka ba TF bakit ganito ang epekto mo sakin? Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
So Close [COMPLETED]
Romance"Dati akala ko walang happy ending. Akala ko sa fairytale lang iyon nangyayari. Pero masasabi mo palang may happy ending kapag naranasan mo ang magmahal ng totoo. Na kahit ano man ang pagdaan niyo, despite all the struggles, quarrels and risks, it i...