Chapter 6: Kent's POV

111 7 9
                                    

"Kent ayusin mo naman yung bookshelves dun sa middle part. Nagkahalo halo na kase yung mga libro dun" utos sakin ng librarian

Bilang student assistant wala akong magagawa kahit pagod ako o kahit nagrereview ako pag inutusan ako kailangan kong kumilos.

"Opo Ma'am" sagot ko

Habang nag aayos ako ng mga libro. Napalingon ako sa bumukas na pintuan at nakita kong pumasok ang isang babae.

Nakilala ko agad siya. Buhok pa lang niya alam na alam ko na. Di naman ako palatanda ng itsura ng tao pero iba ang isang to. Nang nakita ko ang mukha niya tama nga ang hinala ko. Siya nga!

Dadaan siya dito. Anong gagawin ko. Natataranta ako. Hindi ko namalayan na mali na ang ayos ng mga libro. Mahuhulog na ito.

"Excuse me. "Excuse me!" sigaw ko.

But its too late. Mas lalong nakuha ng sigaw ko ang atensyon niya at huli na para umiwas siya. Narinig ko na lang ang sigaw niya dahil nahulugan siya ng libro sa ulo at ang tunog na nilikha ng mga nahulog na libro sa sahig. Agad agad ko siyang dinaluhan at nakita ko na nahilo siya.

"Miss okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ko. Pero agad ko ding naisip na ang tanga ko para magtanong ng ganoon. Natural magiging okay ba siya gayong nahulugan siya ng libro.

Hindi niya sinagot ang tanong ko pero may sinasabi siya tungkol sa bituin, ang weird nga eh anong bituin ang sinasabi niya. Hinihintay ko na may sabihin pa siya pero di niya natapos ito at nawalan na siya ng malay. Agad agad ko siyang dinala sa clinic. At agad naman siyang inasikaso dun.

"Pwede mo na siyang puntahan gising na yun" nakangiting sabi sakin ng nars.

May gusto ba sakin ito kung makangiti at makatingin kalagkit lagkit. Sabagay di sa pagmamayabang sa gwapo ko naman na ito malamang kahit matandang hukluban magkakagusto pa din sakin. (insert evil laugh)

Pumasok na ako at nadatnan ko siyang gising na.

"Thank God you're awake. How are you feeling? You okay???? tanong ko sakanya.

Hinihintay ko siyang sumagot pero nakatingin lang siya sakin. Parang ineexsamin ako sa uri ng tingin niya. Naasiwa tuloy ako. Gwapo naman ako. Wala naman siguro akong dumi sa mukha pero bakit ganyan siya makatingin sakin.

"Miss...." naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Nagkita na ba tayo. You look familiar" sabi niya

So kaya pala siya nakatingin sakin ng ganoon kase inaalala niya kung nagkita na ba kami. Sasabihin ko ba o hindi. Baka di niya ako maalala. Pero kahit ganoon ako tandang tanda ko siya. Of course ikaw ba naman sigawan at pagtinginan ng mga tao habang sinisigawan makakalimutan mo naman ba yun. Nakakahiya yun. Napag isip isip ko sasabihin ko na lang.

"Hmn. Actually ako yung nakabunggo sayo last time and ako din yung dahilan kung bakit nahulugan ka ng libro kanina." mahabang paliwanag ko sakanya.

Biglang nagbago ang facial expression niya sa sinabi ko. Pero di pa din siya nagsasalita. I guess sasabog na siya anytime gaya ng una naming engkwentro na magsusungit na naman siya.

"I'm sorry for what happen Drielle" sabi ko.

Nagulat siya at bigla na lang siyang napalingon sakin at nagsalita.

"You know my name?" gulat na tanong niya.

Nabasa ko lang ang pangalan niya sa ID na nahulog niya kanina kaya nalaman ko ang buong pangalan niya.

"Nabasa ko lang sa ID mo. I'm Kent Santos" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya.

Imbes na tanggapin ang kamay ko tinitigan niya lang ulit ako. Anak ng tofu naman oh! Bakit ba ganito siya makatingin sakin. May nasabi na naman ba ako na mali. Nagpakilala lang naman ako ah! Sanay naman akong tinititigan pero iba siyang makatingin.Nakakatunaw. Hindi ko maintindihan.

"Marumi ba kamay ko?" nasabi ko.

Sa pagkakasabi kong yun biglang namula siya. Ano kaya nangyayari sa babaeng ito. Bigla na lang siyang nagsalita.

"Salamat sa paghatid sakin dito. Sana sa susunod na magkasalubong tayo di na ako mabagsakan ng libro" pagtataray niya.

Natahimik ako sa sinabi niya alam ko na nga ba at magtataray na naman siya.

"Ah! Ihahatid na lang kita sa inyo total responsable naman ako" sabi ko na lang sakanya para naman makabawi ako sa mga nagawa ko.

"Nope. Nevermind. I can go home with my own. Baka kase malasin na naman ako kapag hinatid mo pa ako" pagsusungit na naman niya.

Tumayo na siya at umalis ng clinic ng walang sabi sabi. Naiwan na lang ako doon na nakatunganga. Di ko na siya sinundan baka kase sumabog pa siya magka eskandalo pa kami. Halatang lumalaki na ang butas ng ilong niya. Haaaaaaneeeeeeeeeep!!!! Nasa lahi talaga ng babaeng yun ang pagtataray pasalamat siya maganda siya.

Umalis na din ako ng clinic at umuwi na sa bahay. After all its been a tiring day. Marami man ang nangyari atleast may nalaman naman na ako. Alam ko na ngayon ang buong pangalan niya. "Andrea Drielle Ramos" I will make sure that won't be the last time. We'll meet again. I know for sure.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon