Chapter 4: This Day

102 6 0
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw. Kahit dama ko pa ang antok ay pinilit kong mag-ayos ng maaga. Ayoko ng maulit ang nangyari kahapon. Sumagi ulit sa isip ko ang nangyari. Nakakaramdam na naman ako ng inis sa twing maaalala ko lahat. Agad kong pinilig ang ulo ko para mawaglit sa isipan ko ang nangyari.

Agad agad na akong naligo at naghanda sa pagpasok. Pakanta-kanta pa ako bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Ang gaan ng pakiramdam ko, positive vibes ang nasasagap ko sa paligid na nakapagpadagdag sa gaan ng pakiramdam ko.

Nadatnan kong naghahanda na si mama sa kusina. Agad akong lumapit sakanila at humalik sa pisngi.

"Mukhang maganda ang gising mo ngayon anak ha? What's with that smile?" nagtatakang tanong sakin ni mama

"Si Mama talaga! Ang pangit naman kasi kung umagang umaga eh nakasimangot na ako diba?" nakangiti kong sagot.

Naupo na ako sa hapag at nagsimula ng kumain. Sarap na sarap ako sa pagsubo ng mapansin kong wala si Papa.

"Ma, nasan si Papa bakit di natin siya kasabay kumain?"

"Maaga ng umalis ang Papa mo para daanan yung sasakyan sa talyer. Maya-maya baka nandito na din yun at siya na ang maghahatid sayo."

Maya-maya'y may narinig kaming bumusina.

"Baka ang Papa mo na yan" sabi ni mama sabay tayo sa upuan at pinagbuksan ng gate si papa.

Agad naman akong sumunod sa labas. Bitbit ko na ang bag ko at mga libro kong lumapit kay Papa.

"Pa!" sabay halik sa pisngi nila.

"Goodmorning princess! Ready to go?"

"Yes Pa, I'm ready! "

Nagpaalam na ako kay Mama at sumakay na kotse. Naupo ako sa front seat, my favorite place. Six thirty palang, sakto lang pasok ko nito and for sure di na ako malelate. Mabilis ang biyahe dahil wala pang traffic ng ganitong oras. Pagkahatid ni papa sakin ay nagpaalam na din ako sakanila.

Naglalakad na ako sa building ng may tumawag sakin.

"Drielle!"

Napalingon ako sa kung sino ang tumawag sakin. Si Kesha lang pala. Infairness ang lakas ng boses ng babaing ito. Tumakbo siya papalapit sakin.

"Oh Kesha!" 

"Sabay na tayong pumasok Drielle. Hehe. Buti nahabol kita"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sabay na kaming naglakad papasok ng room. May limang minuto pa bago mag-umpisa ang klase. Paupo na ako sa upuan ko ng magsalita si Kesha.

"May notes ka ba doon sa topic natin last time? Pwede humiram?"

"Bakit di ka ba nagsulat kapahon?" tanong ko sakanya.

"Naakalimutan ko kasi eh. Hehe. Pwede pahiram saglit?" sabay lahad ng kamay niya.

Itong babaing ito talaga! Ang bata pa pero malilimutin na agad. Napapangiti na lang akomg iniabot sakanya ang notepad ko.

*Breaktime*

Sabay na kaming lumabas ng room ni Kesha at inaya ko na rin siyang magmerienda sa canteen . Di naman siya tumanggi lalo ng sabihin kong libre ko.

Umorder ako ng cheesecake, apple pie and orange juice samantalang milkshake and strawberry cake naman kay Kesha.

Habang kumakain kami ay panay ang pagkwekwento sakin ni Kesha. Nalaman ko na only child din pala siya gaya ko. Wala din siyang maraming kaibigan kagaya ko. Ang dami naming similarities na dalawa. At nakakatuwa ding malaman na mahilig siya sa koreanovela gaya ko. At last nakahanap din ako ng kasama sa mga kabaliwan ko. Patuloy lang kami sa pagkwekwentuhang dalawa.

"Ikaw Drielle matanong kita, ano bang first impression mo sakin?"

"First impression? Hmn" napaisip ako sa sinabi niya. "Madaldal ka!"

Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. Napansin kong bigla siyang tumahimik sa sinabi ko.

"Uy! Okay ka lang ba? Did I offend you?"

Bigla na lang siyang natawa sa sinabi ko. Naguluhan naman ako sa nangyayari. Wala naman akong sinabing nakakatawa pero bigla na lang siyang tumawa.

"Lokaret! Hahaha. Di naman ako na-offend don't worry." pinipilit pa rin niyang pigilan ang matawa. "Ineexpect ko na kasi na yan ang sasabihin mo eh. Pero kung ako naman ang tatanungin mo kung anong first impression ko sayo..." napahinto siya sa pagsasalita at kunwa'y inilagay ang daliri niya sa sentido niya.

"First impression ko sayo... mabait" nakangiti niyang sabi sakin.

Nabigla ako sa sinabi niya. Ini-expect ko na sasabihin niyang "masungit o mataray" pero "mabait"? Really! First time na may nagsabi sakin na mabait ako. I somehow felt happy inside. I just can't believe.

"Uy! Okay ka lang ba? Napapangiti ka riyan?"

"Okay lang ako Kesha. Thank you! I just hope, you're first impression to me never last"

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon