Chapter19: The Dance

34 5 1
                                    

"Okay lang ba talaga itong suot ko ha?"

"Ano ka ba Drielle nakailang tanong ka na mula pa kanina at nakailang  sagot na din ako sayo! Hindi ka rin makulit niyan noh?"

"Eh? kasi Kesha..."

"Sshhh! Alam ko na ang isasagot mo. Kasi di ka sanay na magsuot ng ganyang klase ng damit, kasi baka masyado tayong bongga, blablabla...Hmp! Okay fine! Ayos lang yan suot mo at oo maganda pa don't worry okay? To the nth time na sagot ko na yan ha. Wag ka na makulit!"

"Sure ka ha?"

Tinignan lang ako niya ako ng "please-stop-asking-me-again or I'm-gonna-kill-you-look". Gusto kong mapangiti sa ginawang niyang tingin kasi ang cute lang niya pero pinili ko na lang manahimik kasi halatang naiinis na siya sakin. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim bago naglakad papasok ng school.

Papasok na kami sa quadrangel kung saan gaganapin ang last event sa school fair na ito. Nabasa yung nakasabit na banner sa labas sa may entrance. "A night to cherish... A night to remember". Ang ganda lang nung mensahe parang pang promenade lang ang dating. Well, parang ganon na nga din yun dahil sa tingin palang namin para nga kaming aattend sa prom.

Pagdating namin sa loob sinalubong na agad kami ng maingay na sound system. May mangilan ngilan na ding sumasayaw sa gitna. Lahat ng lalaki nakasuot ng tuxedo samantalang dress naman ang saming mga babae.

Akala ko ay kami na ni Kesha ang overdressed pero may mas bongga pa pala kesa sa mga suot namin. Kung tutuusin kami nga lang ata ang simple lang na nakaayos ngayon. Naka puting dress ako na above the knee tapos naka high heels at ang buhok ko kinulot ko lang sa dulo tapos light make-up lang kasi di talaga ako sanay maglagay ng make-up. Samantalang si Kesha naka dress siya ng red na gaya ko above the knee level din. Hindi kakapalan ang make-up niya at nakalugay ang buhok niya. Mas lalong umapaw ang kaputian niya sa suot niyang damit.

Naghahanap kami ng mauupuan ng biglang huminto ang tugtog at may nagsalita sa harap.

"Goodevening ladies and gentlemen. Thank you for being here tonight. I hope you did have a great time since morning and hope until this very moment. This is a one-time event so I hope you'll all enjoy it...

Si Dr. Javier pala ang nagsasalita sa harap.

"I am so happy and I just can't contain what I feel right at this time. As you know this is the last part of our event and I do hope that everyone will cherish and would remember this night. I would like also to take the priveledge to thank each and everyone of you who have  contribute and been part of this wonderful event, without your help this event would never be this successful. May you all enjoy the night. Thank you!"

Nagpalakpakan kaming lahat matapos ang naging speech ni Dean. Nang makababa na siya ay agad umalingawngaw ang maingay na musika sa buong lugar.

Marami na ang nagsasayawan sa gitna ng dance floor pero ito ako di mapakali sa kinauupuan ko. Abala ako sa paglilibot ng paningin ko ng ayain ako ni Kesha.

"Drielle tara sayaw tayo dun. Dali!"

Hindi halatang excited siyang sumayaw eh. Halos di siya magkandaugaga na hatakin ako. Medyo rock ang music kaya yun nagsasayaw sayaw lang kami. Sa sobrang saya ko sa pagsasayaw di ko namalayan na dumadami na ang tao sa gitna, napansin ko na lang na nawala na sa tabi ko si Kesha.

"San naman kaya napunta yun?" tanong ko sa sarili ko.

Pabalik na ako sa inupuan ko kanina ng makasalubong ko si Aki. Awtomatiko kaming nagkatitigang dalawa. Ang gwapo niya sa suot niyang long sleeve, nadepina lalo ang kaputian niya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sakin.

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon