Chapter 11.2: The Date

47 4 0
                                    

Gaya ng nakagawian ko maaga na akong pumasok ngayon. Kahit kulang ang tulog ko kagabi maayos naman ang gising ko, yun nga lang ang sakit ng ulo ko. Tsk!

Wala ang instructor namin ngayong araw dahil may importante daw siyang gagawin. Abala ang karamihan samin ngayon, yung iba abalang magsulat, samantalang yung iba naman ay abalang nakikipag kwentuhan. May iba naman nagfe-facebook sa cellphone nila. At ako naman ito nakayuko ang ulo at humahanap ng tiyempo para umidlip. Pero nananadya talaga ang tadhana dahil lalo lang lumakas ang ingay sa kwarto.

Kinuha ko ang phone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito. Nakita kong may 3 message na pala ako. Nakita ko na may text message ako galing kay Akihiro at galing sa unknown number na naman?

Akihiro:
Goodmorning pretty. Don't worry I just wanna greet you ;) Take a bunch of care :-)

Kahit naman naiinis ako sa lalaking ito, nasayahan naman ako sa text message niya kahit papaano. Kung nagtataka kayo kung paano niya nakuha number ko, remember nung nangulit siya? That day kinuha din niya ang number ko. Haiy! Anyway wag na nga lang natin pag-usapan yun.

Binasa ko naman yung natitirang message galing sa iisang number.

09*****7651
Everyday I can't help myself but to feel excited, for I know I will see again. Your beautiful smile that makes my day complete.

Yan yung text niya. Pero ewan ko ba di ko mapigilang di mapangiti sa sinabi niya. Sino kaya to? Natouch naman ako sa sinabi niya.

Tinago ko na ang phone ko at lumabas na tutal wala naman na ding klase at breaktime na din. Mag-isa akong kumain sa canteen at nang matapos ay nagpunta ako sa library.

Nagbabakasakali akong makikita ko si Kent dito pero wala siya. Nakakainis naman! Kung kailan hinahanap ko siya tsaka naman di ko siya makita.

Alas singko na ng hapon ng matapos ang klase namin. Naglalakad na ako sa hallway ng may magsalita sa tabi ko.

"Hi! Di ka naman siguro nagmamadali noh?"

Ay takte! Napamura na lang ako sa pagkabigla. Lumingon ako para tignan kung sinong hinayupak ang bigla bigla na lang sumusulpot sa tabi ko.
   

"Ikaw na naman! What do you want?!" naiinis kong sabi sakanya habang naglalakad.

"Hey, chill! Hahaha. You look really cute when you're annoyed! I just want to ask why aren't you replying on my text? Hmn. I just hope you haven't forget about our agreement" nakangisi niyang sabi

Napatapik na lang ako sa noo ko ng maalala ko ang sinabi niya.    

"Hmn. Busy ako eh. Sorry nawala sa isip ko..." di pa ako tapos sa pagsasalita ng bigla na lang niya akong hinila at kinaladkad palabas ng gate.  (yeah right! kinaladkad talaga yung term)

"Ano ba! Pwede ba wag mo ko kaladkarin! San ba tayo pupunta ha?" nagmamaktol kong sabi pero mukhang bingi itong lalaking ito. "Didn't you hear me!"

Pero parang wala talaga siyang naririnig. Nagpipigil ako ng inis, naku sarap niya bigwasan!

"Bingi ka ba! I said......"

Di ko natapos ang sinasabi dahil bigla kaming huminto dahilan para mabunggo ako sa likod niya.

"Outch what the ----!"

"We're here! We're just in time, buti na lang at naabutan pa natin"

 
Nagtaka ako sa pinagsasabi niya nandito kami ngayon malapit sa may shore at nakita ko kung paano lumubog ang araw. Its just wow!  Ito ba ang sinasabi niya. Ang ganda!

"Did you like it" sabi niya sakin.

Di ako makasagot sa kanya. Nakatingin pa rin ako sa magandang tanawing nasa harapan ko.

Pumasok kami sa isang restaurant sa Lourix Enchanted Resto. Naupo kami sa may bandang gilid malapit sa glass window. Hinayaan kong siya na ang um-order ng pagkain dahil siya ang nakakaalam ng mga sineserve nila dito.

Nang dumating ang order namin ay nagsimula na kaming kumain. Nung una ay tahimik lang kaming dalawa pero bago pa man kami matapos ay madami na kaming napagkwentuhan.

Narealize ko na nakakatuwa din pala siyang kasama. May sense of humor siya pero may mga times na di pa din maiaalis ang pagkamahangin niya pero in a nice way naman. Sa tagal kong kausap siya nawala ang pagkainis ko sakanya and I'm starting to like him. I mean "like as a brother".

Napahaba ang kwentuhan namin hanggang sa di ko namalayan ang oras.  Alas siyete na ng nakauwi ako ng bahay pero di na ako nagpahatid sakanya. Nagpasalamat ako kasi kahit papano tinupad niya yung sinabi niya and I'm happy to say we're friends. 

Dumiretso agad ako sa kwarto at inaayos ko na ang higaan ko nang tumunog ang cellphone ko.

Akihiro:
Thank you my for this night. I've had a great time with you. I hope you too. Till next time and I hope there is still. Goodnight ;-)

Nireply ko siya.

To: Akihiro
Salamat din sa time mo Aki. Goodnight. Ü

Binaba ko na ang phone ko at kinuha ko ang laptop ko. Pagbukas ko ng facebook ko ay may message ulit ako galing doon sa TF.

TF:
I hate to see you with someone. It hurts me a lot :'(

Nagulat ako sa message niya. Ano daw? Di pa ganon nagsisink in sa utak ko ang sinabi niya. Wait! Bakit ganoon yung message niya? Anong ibig niyang sabihin dun?

So Close [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon