𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚝𝚠𝚎𝚗𝚝𝚢 𝚘𝚗𝚎

51 3 0
                                    

Phoebe's POV'S

"Tito, nandito na po ako"

The door made a sound of a creek as I slowly opened it. Pumasok ako sa loob ng tahimik habang sinara ang pintuan gamit ang likod ko. I walked the small steps towards sa maliit na table namin at nilapag ang mga pinamili kong pangtanghalian since wala ako sa mood para mag luto.

I went to my Uncle's room at kumatok sa pintuan nya.

"Tito?" I slowly opened the door and found him sleeping sa higaan nya. I sighed bago ko sinara ng tahimik at lumakad sa living room para ligpitin ang mga bote ng alak kagabi.

Nakarating na ako dito kagabi ng mga eight ng gabi, not forgetting to bring ang mga alak nila at ang pulutan. Natulog na ako pagakatapos, pagkagising ko ay nagsimba ako at ngayon lang ako natapos kaya naman bumili na ako ng pagkain para sa amin.

Tumayo ako dala-dala ang mga bote bago ko nilagay sa isang plastic bag for recycling. Kinuha ko ang walis namin, na mukha nang kailangan palitan, at ang daspan at nag walis sa buong bahay.

Maliit lang naman ang bahay namin. Pagkapasok mo ng bahay ay makikita mo na agad ang living area namin, katabi naman ay ang table na maliit at ang kitchen area, bandang kaliwa naman ang dalawang room, isa sa tito ko at isa sa akin.

Wala kaming masyadong magagandang appliances, yung iba ay kailangan nang palitan pero since wala naman kaming pera para bumili ng bago ay gumagawa na lang ako ng paraan na maging maayos parin at maganda ang maliit na tahanan namin.

Katulad ng paglagay ng mga bulaklak, mga colorful curtains, or pictures. Dapat laging malinis din kasi mas maganda kung malinis ang bahay.

Napalingon ako sa family photo namin bago namatay ang mga magulang ko.

My parents were such in a hurry to go to my graduation when I was in kindergarten. Kasama ko si lola noon, nauna na kami since kailangan maaga kami. Si mommy ay katatapos lang mag trabaho at kailangan pa mag get ready, nagpaiwan din si daddy para samahan si mommy...

I suddenly closed my eyes to get rid of the memories. Hindi ko kailangan balikan ang nakaraan, masasaktan lang ulit ako.

Tinagnan ko ang paligid bago binalik ang walis nung satisfied na ako. Pumunta ako sa table para ihanda na ang mga pagkain, kinuha ko ang kanin na niluto kanina bago ako umalis at nilapag na rin sa hapagkainan. Lumingon ako ulit sa kwarto ni tito bago tumayo para gisingin sya.

Baka magalit pag hindi ko tawagin.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto, lumapit ako sa tabi nya nang nakita ko tulog pa rin sya. Tinakip ko ang braso nya ng mahinahon bago ko sya tinawag.

"Tito?" niyuga ko sya ng hindi sya gumalaw. Maya maya ay nag unat sya bago nya ako tinignan. "May pagkain na po sa tabale"

Tumingin lang sya sa akin ng ilang minuto bago sya nagsalita. "Anong oras na?" tanong nya, halatang kagigising dahil sa sleppiness ng boses nya.

"Tanghali na po"

Kinamot nya ang ulo nya bago sya umupo. "Ah!" sabay hawak sa ulo nya.

"Masakit po ba ulo nyo?"

"May hangover ata ako"

"Bumili po ako ng gamot bago po ako umuwi, inumin nyo po bago kayo kumain"

Tumango lang sya at hindi na nagsalita.

"Hintayin ko na lang po kayo sa table" Sabi ko bago ako umalis at sinara ang pintuan nya.

Nilakad ko ang small distance at umupo sa is sa mga upuan. Maya maya ay lumabas narin si tito sa kwarto nya at umupo sa harap ko. Kumain na kami ng tahimik.

Don't Mess With A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon