𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝚝𝚑𝚒𝚛𝚝𝚎𝚎𝚗

47 3 0
                                    

Phoebe's POV'S

"Anong sabi mo?" Rinig kong tanong ng best friend ko sa tabi ko.

Tinanggal ko ang earphones ko sa tenga ko para marinig ko sila ng mabuti. Nakita ko na tinanggal din ni Faith ang earphones nya at tumingin kay Ash.

"Narinig ko pangalan ko" explain ni Faith "pero hindi ko masyadong narinig yung sinabi mo."

Tumingin ako sa kanila at hindi ko napigilan mag blink. Lahat sila ay may shock na expression. Malalaki mga mata, may isa nakabukas ang bunganga, at may isa para bang takot.

"Anong meron?" Tanong ko while looking at them. "Parang nakakita kayo ng multo ah"

Tinignan ko ang itsura ng best friend ko bago ako tumingin sa reflection ko sa wall sa tabi ni Faith. Okay lang naman ang itsura ko, maayos pa naman at mukha pa naman akong tao.

"Muka ba kaming aswang at ganyan ang mga itsura nyo?" Tanong ko nang hindi sila sumagot. "I think naging mute sila. Hindi na nakakapagsalita. Nawala lang kaming saglit at naging ganyan na kayo."

Si Ace ang unang kumibo. He cleared his throat and turned his back on us para tumingin sa mga kaibigan nya.

Kumuha ng upuan si Faith sa isang table at nilagay ito sa tabi ng upuan ko. Umupo kami ng hindi nagsasalita

Then ilang minuto lang ay tumingin sa amin si Ashely.

"So, Faith" Sabi nya while she crossed her arms sa chest nya. "We were just talking about you."

Typical Ashely.

"Alam ko" sagot ni Faith without showing any emotion.

"Ashely" tahimik na sabi ni Ash.

"Yes, darling?" Tanong nya without looking at Ash. "May sasabihin ka?"

Ash sighed as he rub his head.

"Pumunta kami dito para mag aral" sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanila. "Kung aabalahin nyo lang kami, umalis na lang kayo."

Ash started to get up pero hinawakan sya ni Ashely sa braso, preventing him from leaving.

"May sasabihin sayo si Ash" nakangiting sabi ni Ashely. "Diba, darling? Tell them the news." She wrapped her arms sa braso ni Ash bago ngumiti kay Faith.

Faith slowly looked up kay Ash, waiting for him to talk. Hindi makatingin ng maayos si Ash kay Faith, para bang kinakabahan sya.

"Kung ano man iyon" sabi ni Faith na nakatingin kay Ash. "Congratulations. Finally"

Tumingin si Ash kay Faith, they looked at each other for a second bago nag look away si Faith.

Tumingin ako sa other boys, at lahat sila ay dismaya sa kung ano man ang rason.

Anong meron?

Bago ko pa man matanong ay narinig na namin ang bell. Tumayo silang lahat hesitantly at napatayo narin kami ni Faith.

"May klase pa ako" announce ni Faith habang nililigpit ang mga gamit nya. "I have to go."

Binuhat nya ang mga libro nya sa isa nyang braso bago nya ni wrap ang isa nyang braso sa arm ko.

"Lets go" sabi nya at literally hinila nya ako papaalis.

Don't Mess With A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon