"I will do everything to protect my Family"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 2: Pagbalik ng oras
Iminulat ni Shaina ang kanyang mata at nakita niya na puro itim ang buong paligid maliban sa kanyang katawan na nagliliwanag. Pinakiramdaman niya ang sarili na naramdamang nakalutang siya. Itim ang paligid na nakapagparamdam sa kanya ng kalungkutan. Parang binabalot siya nito at unti-unting kinakain.
Mayamaya lang ay isa-isang nagsilabasan ang mga alaala na hindi niya gugustuhing makita. Ang imahe ng panahong namatay ang kanyang mga magulang, ang kanyang lolo at lola, ang kanyang paboritong tito na kapatid ng kanyang ina, at tita na kapatid ng ama. Pinakita ng mga alaala na ito kung paano sila namatay. Namatay sa brutal na paraan.
Iniisip niya ang mga ito. Isa lang ang ibig sabihin ng kanilang pagkamatay. May gustong pumatay sa kanila. Mukha mang aksidente ang mga ito, hindi maikakailang masyado itong kahina-hinala.
Gusto niyang itanggi ang mga ito pero alam niyang walang silbi. Nasa harapaan na niya ang ebedensya, isama pa ang nangyari bago siya namatay. May malaki pang tao sa likod nila Drake at Evonne.
Isa lamang silang kasangkapan para maubos ang buong Lievere. Isang biluntaryong kasangkapan na kahit alam nilang ginagamit lang sila nito, nagpagamit pa rin. Gaano nga ba kalaki ang galit sa kanya ni Drake at Evonne na nagpagamit sila sa taong iyon?
Rumagasa sa kanyang isipan ang mga alaala ng kanyang nakaraan na matagal na niyang ibinaon sa limot. Mga alaala na hindi na niya nais na makita pang ulit.
Ang alaala ng panahon na namatay ang kanyang pamilya. Ang dilim ng nakaraan kung saan walang habas na pinatay ang kanyang magulang, at iba pang malalapit sa buhay.
Hindi niya alam kung ano ang ire-react niya sa nakikita niya. Sakit... Galit... Pagkamuhi... Lahat na ata ng emosyon nanghalo-halo na sa dibdib niya.
Sobrang bigat na halos naparalisa na ang kanyang katawan. Hindi na siya makahinga at hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya. Pagod na pagod na ang utak niya kakaisip kung paano nga ba humantong sa ganito.
"Ta-tama na," mahina pero nanginginig na sambit ni Shaina. Pinipilit niyang magsalita pero napakahirap. Parang may tumutusok sa lalamunan niya na tinik na mahirap tanggalin.
Gusto niyang umiwas sa mga alaalang iyon. Pinipilit lang rin ang sarili na isa nag iyong panaginip. Na isa lang iyong bangungot. Na kapag ginising niya ang sarili niya ay babalik na ang lahat sa dati.
Pero parang pinipuwersa siya para panoorin ang mga ito. Tumulo na ang luha ni Shaina. Hindi niya maatim na tingnan ang mga ito pero kahit anong gawin niya ay parang naka-focus na ang mata niya dito. Nanginginig ang kanyang katawan.
Umaasa siya na may darating na tulong. O kaya naman may magsasabi sa kanyang prank lang ito. Pero hindi, alam niya na katotohanan ang lahat ng ito. Kaunti na lang ay mababaliw na siya.
Paulit-ulit niyang pinanood kahit hindi na niya kayang tumingin. Nakita niya mismo na sila Evonne at Drake ang nagplano ng lahat. Ang taong pinagkatiwalaan niya... ay siya ring mismong tao na trumaydor sa kanya.
Habang nasasaktan siya ay nakaramdam siya nang matinding galit sa loob niya. Nanlisik ang kanyang mga mata ng na-focus ito kay Evonne. Gusto niyang sumabog, magwala, o kahit pa patayin ang dalawang taong pinagkatiwalaan niya. Patayin pa ng paulit-ulit hanggang sa hindi na sila makilala pa.
Pinilit niyang makalapit dito pero hindi siya makagalawa. Pinilit niyang sigawan ito pero parang tinutusok muli ang kanyang lalamunan. Pero wala itong naging kuwenta.
Habang pinapanood ni Shaina ang mga ito ay parang isa lamang siyang basura na walang pakinabang.
Wala siyang magawa. Wala siyang nailigtas. Nawala sa kanya ang lahat ng mero'n sa kanya. Hindi niya alam na nasa paligid niya lang ang traydor, ang ahas na siyang tumuklaw sa kanya ng hindi niya nalalaman.
Mas bumigat ang kanyang saloobin at napuno na ng paghihinanakit ang kanyang puso. Paulit-ulit niyang sinasabi na 'maghihiganti ako'
"Hindi mo man lang ba naisip na patay ka na?" isang malalim na boses ang nagsalita pero walang nakitang tao sa paligid niya si Shaina.
Hindi pa rin siya nakakagalaw. Kaya ang mata na lang niya ang naghanap ng kung sino man ang nagsalita.
Patuloy ang pag-agos ng kanyang luha at saka niya lang naalala ang pagpatay sa kanya ng kanyang asawa. Ngayon lang niya naalala na patay na pala siya. Hindi niya man lang naipaghiganti ang kanyang mga mahal sa buhay.
"Gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari pagkatapos ng ginawa mo?" Tanong muli nito. Hindi makasagot si Shaina pero ang isip niya ay sumisigaw ng 'oo'.
Biglang nawala ang mga imahe ng pagkamatay ng kanyang mahal sa buhay saka lumitaw ang isang bahay na nasusunog. Nakilala niya kaagad na ito ang bahay kung saan siya pinatay ng kanyang asawa.
Tila nag-fast forward ang lahat nakita niya kung paano naapula nang mabilis ang apoy at kung paano nilabas ang kanilang mga katawan. Nakita niya mismo, patay na nga talaga siya.
"Gusto mo bang baguhin ang iyong kapalaran?" Tanong muli nang malalim na boses. Tila galing ito sa hukay ito galing sa malalim na lupa.
Nagsalita muli siya sa isip dahil napakasakit sa kanyang lalamunan ang parang tinik na naroon. Paulit-ulit niyang sinagot ang 'oo' sa kanyang isipan.
"Bibigyan kitang muli ng pagkakataong makabalik pero magsisimula kang muli sa umpisa. Babalik ang oras kung saan ang lahat ay maayos pa. Baguhin mo ang iyong tadhana, Shaina. Tandaan mo, ang bawat desisyon mo ay may kaakibat na epekto. Kailangan mong maging matalino para manalo ka," bilin nang malalim na boses na ito.
Unti-unting nakaramdam ng kaginhawaan si Shaina kasabay ng paglamon ng dilim sa kanyang paligid.
Dumilat muli ang kanyang mga mata saka pinagmasdan ang paligid. Nasa bahay na siya ng kanyang mga magulang.
Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at doon iniluwa nito ang kanyang ina at ama.
Mabilis na pumatak ang kanyang mga luha at dali-daling tinalon ang kama saka niya sabay itong niyakap."Mommy, daddy..." Doon na nagsimulang bumuhos ang kanyang mga luha. Wala siyang pakialam kahit magtaka ang mga ito basta ang gusto niya lang gawin ngayon ay ang mayakap sila. Wala rin siyang pakialam na maliit lang ang katawan niya. "I love you both… Mommy, daddy," mahinang sabi ni Shaina sapat na para marinig ito ng mga magulang.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng dalawa kasabay ng paghalik ng mga ito sa noo ni Shaina. Marahan nilang pinunasan ang mga luha ni Shaina saka ngumiti.
"We love you too," sagot ng kanyang ama.
Hindi mapasisidlan ang kanyang kasiyahan. Ngumiti siya sa mga ito at agad na niyakap. “I will do everything to protect my family. Even if I die.”
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
AcţiuneReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...