"Sino kaya yung lalaki?"
Samara Rain Kie
Kabanata 28: Vision.
Minulat ni Samara ang kanyang mata at nakita ang isang magandang bahay. Pinasol niya ito at unang sumalubong sa kanya ay ang isang portrait ng isang babae at isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang mukha mg babae kaya nilapitan niya ito para mas makita ng maayos. Nanlaki ang mata ni Samara ng ma-realize na si Shaina ito.
Napakaganda ng kanyang ngiti at tila, in love na in love siya sa lalaking nakayakap sa kanya. "Sino kaya 'yung lalaki?" Tanong niya. Biglang tumunog ang pinto kaya napalingon si Samara doon. Nakita niyang nakangiting pumasok si Shaina kasama ang lalaking nasa portrait. Pareho silang naka-puti.
Ang tingin niya ay galing lang sila kasal. "Hon! Welcome to our--" nagulat pati si Samara ng makita niyang sinaksak ng lalaki mula sa likod si Shaina. Nakita niya pang tiningnan ni Shaina ang tiyan niya bago ito sumuka ng dugo. Tumakbo si Samara sa harap ni Shaina pero kahit anong gawn niya ay hindi niya ito nahahawakan.
Mas lalong nagulat si Samara ng mabilis na hinugot ng lalaki ang Kutsilyo sa likod ni Shaina na dahilan ng pagkahulog ng katawan niya sa sahig. Sabay silang tumingin sa mukha ng lalaki na ngayon ay nakangisi na parang demonyo. Nagkaroon na ng pulang mantsa ang kaninang puting gown ni Shaina. Gusto niyang saktan yung lalaki pero wala siyang magawa. Napa-iyak na lang si Samara habang pinipilit na mailigtas si Shaina kahit alam niyang wala siyang magagawa.
"B-bakit?" Kitang-kita niya ang paggapang ni Shaina gamit ang paa papalayo sa lalaki. Umiiyak ito na parang hindi siya makapaniwala. Malayong-malayo sa Shaina na kilala niya.
"Wala ka ng magagawa pa. Mamatay ka na rin lang naman bakit lalaban ka pa?" Ngising saad ng lalaki. Hawak-hawak nito ang kutsilyo na may tumutulong dugo kasabay ng paunti-unting lapit niya kay Shaina.
Kitang-kita rin ni Samara ang pag-agos ng dugo sa tiyan ni Shaina kaya mas lalong kumakalat ang pulang mantsa sa gown niya. Umupo naman sa harapan ni Shaina at hinawakan ang panga nito.
"A-anang gagawan ma?" Nahihirapang tanong ni Shaina. Lumapit sa kanya si Samara at pinipilit muling hawakan ang katawan ng lalaki. Hindi siya papayag na mamatay ang kaibigan niya.
"Bakit kailangan mo pang malaman? Nasaan na ang element of surprise? Hindi ba't mahilig ka sa surprise honey, kaya surprise din itong gagawin ko sa iyo," ngising saad ng lalaki. Napasalampak naman si Samara sa nasaksihan ng dalawa niyang mata. Ang dila ni Shaina ay hinugot ng lalaki at mabilis na pinutol. Pakiramdam niya susuka na siya habang pinapanood ang mga nangyayari.
Pakiramdam niya wala siyang kwenta. Pakiramdam niya, wala ng pag-asa. Hanggang sa bigla niyang naalala ang Wrifia. Ganito iyon, ganitong-ganito. Pinagmasdan niya ang nangyayari kung sakaling dumating ang babaeng Best Friend ni Shaina doon. Sigurado na siya na ito ay isang eksena sa libro na Wrifia.
Isa lang ang magiging dulo ng tagpong ito, lahat sila mamatay. "Aaaaahhhhh!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Shaina kasabay ng pagbulwak ng masaganang dugo sa kanyang bibig.
"See? Ang gandang tingnan honey. Hindi ka na makakapagsalita," ngising sabi ng lalaki. Winagayway pa niya ang piraso ng dila na pinutol niya. "Wala ka ng mapupuntahan pa Shaina. Wala ka ngang pamilya hindi ba?" Patuloy nitong sabi.
"Hindi pa ba tapos 'yan Drake?" Napayuko na lang si Samara. Bakit niya ba nasasaksihan ang tagpong ito? Nakita niya mismo kung paano magmaka-awa ang mata ni Shaina sa babaeng nasa harap niya na walang iba kun'di si Evonne.
"Sa tingin mo ba ay dumating ako dito para tulungan ka? Ha Shaina? P'wes nagkakamali ka. Isa ako sa nagplano ng lahat ng ito my dear Best Friend," ngumiti na parang isang inosenteng babae si Evonne. Ngayon, napatunayan niya na, totoo nga siguro ang sinabi sa kanya ni Shaina. Pero bakit? Bakit kailangan nigang masaksihan ito?
"Alam mo bang hindi aksidente ang pagkamatay ng pamilya mo sa air crash ng kanilang Private Jet? Hindi ka ba nagtataka na ang piloto lang ang nabuhay sa crash na iyon?" Patuloy na ngumiti ng malapad ang Best Friend niyang si Evonne na siyang kinakunot ng noo ni Shaina.
"Dahil binayaran namin siya para patayin ang magulang mo," ngumisi si Evonne na parang demonyo. Gustong-gusto talaga niyang saktang ang babae. Hindi niya alam kung bakit ito nagustuhan ng kanyang pinsang si Leonel. Ngayon niya pa lang napatunayang demonyo talaga ito.
"May nakalimutan pa ba ako dear BFF?" Tanong ni Evonne habang tila nag-iisip at nang-aasar na tumingin ito kay Shaina.
"Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Ako rin pala ang dahilan ng pagkamatay ng lolo. Ikaw na lang naman ang buhay na Leivere kaya ngayong mamatay ka na..." Ngumisi na parang demonyo.
"At dahil mamatay ka na, ang lahat ng kayamanan niyo ay mapupunta na kay Drake. Hindi ba't napasa niyo na ang Certificate of Marriage niyo sa City Hall? So may karapatan na siyang makuha ang lahat ng iyon," ngumisi si Evonne na tila nanalo lang siya sa lotto.
"Hindi ko kasalanan na may binangga kayong malaking tao Shaina. Sumunod lang kami sa plano lalo na't ito lang rin ang gusto namin..." Saad ng Lalaki. Kitang-kita ni Samara ang pagpatak ng luha ni Shaina at ang pag-yuko nito.
"Ang mawala ang buong angkan niyo!" Pagpapatuloy ng lalaki. Sabay na nanlaki ang mata ni Samara at Shaina sa sinabi ng lalaki. Ano bang kasalanan ni Shaina sa kanila? Bakit nila ito gustong patayin?
"Bago ko pa ulit makalimutan. May dapat ka pang malaman," ngumiti si Evonne kay Shaina habang kinuha nito ang isang malaking bote sa Kusina.
Binuksan niya ito saka unti-unting binuhos sa katawan ni Shaina, sa paligid ng kwarto at kahit sa iba pang bahagi ng bahay.
"Magkaka-anak na kami ni Drake," masaya ni Evonne. Tumulo na ng tumulo ang luha ni Shaina at Samara. Ramdam na ramdam ni Samara ang sakit na nararamdan ni Shaina. Sobra siyang naawa sa kalagayan ng kaibigan. Hindi niya matanggap na wala siyang magawa.
Binuksan ni Drake ang lighter niya saka hinagis ito sa kama. Sa isang iglap ang buong paligid ay lumiyab na. Pati si Shaina ay lumiyab din pero hindi siya gumalaw sa pwesto niya para mag-panic o patayin ang apoy sa katawan. Kinukuha ang kutsilyo sa lapag at ang hairpin na may matulis na dulo. Buong lakas na tumayo si Shaina. Ginamit na niya ang lahat lakas para makatayo. Mabilis niyang sinaksak ng sabay ang likod ni Drake at Evonne sa mismong puso nito. Sinaksak niyang muli ang dalawa sa leeg na siyang kinagulat nila.
Ngumisi si Shaina sa dalawa na para bang sinasabi niya na hindi niya hahayaang mabuhay ang dalawa. Sinaksak niya ng sinaksak ang dalawa kahit na patay na ang mga ito at umaagos na ang dugo sa lapag. Wala siyang pakialam kahit na pinapaligiran na siya ng apoy o kahit ang damit niya.
Napuno ang kanyang wedding dress ng dugo, apoy, pawis, at kahit ang luha niya ay naroon din. Nabitawan na niya ang hawak na kutsilyo hanggang sa unti-unti siyang bumagsak at pumikit. Habang si Samara naman ay nilamon ng dilim.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...