6: Accept

4.5K 221 9
                                    

"Its you! Are you here because you want to take a risk?"

-Alfredo Tanakashi

Kabanata 6: Pagtanggap

Alfredo Tanakashi
0910******

Basa niya sa calling card na ibinigay sa kanya ng matanda. "Tatangapin ko ba? May banta sa buhay ng pamilya namin kaya malaking tulong ito kung nagkataon. Pero paano kung traydorin niya ako? Ang tempting ng offer. Hindi dapat ako magpadalos-dalos."

Isang oras na niyang kinakausap ang sarili para lang sa bagay na ito. Nagdadalawang-isip siya kung pagkakatiwalaan ang matanda lalo na't ilang beses na siyang nakaranas na maging biktima ng pagtatraydor.

"Pero kailangan kong sumugal. Wala akong mapapala kung wala akong gagawin. Kailangan ko lang ang mag-ingat sa mga gagawin ko," sambit muli ni Shaina sa sarili. Agad siyang tumayo at pumunta sa kanyang bathroom at doon ay naligo.

Ilang minuto ay natapos na siya at pumasok sa secret walk in closet ng nakaroba. Pumili siya ng damit sa Secret Room niya pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin siyang napipili. "Walang pumasok sa taste ko. Masyadong girly ang lahat. Tsk, ang hirap pala maging Ten years old ulit. Paano ito?" sambit na naman niya sa sarili.

"Bahala na nga." Kumuha siya ng kahit anong dress at iyon ang sinuot niya. Isa itong red dress na may umbok ang manggas at may see through na nakapatong sa isang silk dress.

"'Pag dumating na sila Mom, papa-ayos ko ito, wala siya sa style ko," inis na sabi ni Shaina. Biglang pumasok sa isip niya ang main closet niya kung saan naroroon ang mga damit na ayaw ni Evonne.

Napangisi siya saka mabilis na pinuntahan ang closet na iyon. Ilang sandali pa ay nakakuha na kaagad siya ng gusto niyang isuot. Isang spaghetti strap na kulay red na may nakalagay na Pretty Girl na pinatungan ng sleeveless denim jacket. Sa pambaba naman ay isang ripped jeans na kulay black at boots na kulay black. Kinuha niya ang bag pack saka bumaba.
,
"Manong Danny!" sigaw ni Shaina. Ilang sandali pa ay lumitaw si Danny na nakapang-driver na uniform. "Ano po 'yon Ma'am Shaina," tanong ni Danny.

"Manong Danny, Shaina na lang po," ngiting sabi ni Shaina.

"Dalhin niyo po ako rito," ibinigay ni Shaina ang Calling Card kay Danny at agad niya itong binasa. "Ma'am? Este Shaina, anong gagawin mo rito?" tanong ni Danny.

"Basta po! Halika na!" ngiting sabi ni Shaina kasabay ng pagpasok niya ng kotse. Nilabas niya ang laptop saka nag-type ng codes para gumawa ng isang website. Information Technology ang tinapos niya at nakagawa na siya ng app nu'ng nag-19 siya na bumenta sa buong mundo. Matalino siya at kabilang siya sa mga taong nakasama sa may IQ na umabot ng 200.

Kaso pina-iral niya ang emosyon niya kaya naging tanga siya. Tama nga ang ang nakakatanda. Tanga at bobo ang mga taong matalino 'pag dating sa pag-ibig.

Ilang minuto lang ay natapos na niya ang encoding kaya natapos na rin niya ang website na ginawa niya. It was actually, a writing website, baka kasi hindi niya kayanin ang impormasyon na pumapasok sa isip niya kaya inilabas niya iyon thru writing.

Ayaw niyang maglabas ng sa loobin kahit kanino dahil baka mapagkamalan siyang baliw.

Una sa lahat, ang pagkabuhay pa lang niya mula sa kamatayan ay isa ng malaking kalokohan sa mata ng marami. Kahit nga siya, kung hindi ito nangyari sa kanya, hindi siya maniniwala.

Pangalawa, hindi kayang ipaliwanag ng science ang phenomenon na nangyari sa kanya. Time Travel? Nabuhay na patay? Sa panahon nga ngayon, may mga taong naniniwalang walang Diyos, paano pa kaya siya na wala ring ebedensya na nangyari nga ang mga ito?

Wala sila sa Fantasy World, mabuhay ka sa reyalidad. Pirmi itong pinaniniwalaan ni Shaina bago nangyari ang lahat.

Papasa na sa Fantasy Genre ang nangyari sa kanya kung isusulat niya ito bilang Nobela.

Napailing na lang si Shaina sa mga iniisip. Saka na niya iisipin ang mga dati niyang nagawa dahil magfo-focus muna siya sa pagligtas sa pamilya niya.

Isa rin sa kakayahan niya ay ang Photographic Memory. Sa isang tinginan lang, kaya na niyang kabisaduhin ang kahit ano at gaano ba ito kahaba. Kaso, dahil nga sa kakayahan niyang iyon ay hindi pa rin maalis sa alaala niya ang mga nangyari noong gabing pinatay siya.

"Ma'am nandito na po tayo," sabi ni Danny. Ni-log out muna ni Shaina ang Website saka binalik ang laptop sa bag niya. tapos kinuha niya ang Calling Card kay Danny. Agad na sumunod si Danny sa alaga niya. Nag-aalala siya rito dahil napaka-weird ng galaw niya. Parang sobrang matured na Shaina ang kaharap niya ngayon. Tahimik silang naglalakad hanggang sa narating nila ang entrance.

"Bata! Pesensya na, trabaho lang, hindi kami pwedeng magpapasok ng walang ID," bungad sa kanila ng security.
"Ma'am bawal daw pumasok, halika na para hindi ka na masaktan," tinitigan lang ni Shaina ng blangko si Danny at nakaramdam na siya ng takot. Ininspeksyon ni Shaina ang Calling Card at nakitang may Code na nakalagay doon. Walang alinlangan niyang pinasok sa ID passer machine ang calling card at doon ay tinanggap siya.

"May appointment po kami Manong Guard," ngiting sabi ni Shaina. Walang nagawa ang mga guwardiya kung 'di ang papasukin sila ni Danny.

"Ma'am paano niyo po nagawa iyon?" tanong ni Danny. "Kuya! Sabi ko Shaina na lang. Basta secret po 'yon!" ngiting sabi niya.

Pinindot ni Shaina ang botton ng elevator at ininspeksyong muli ang Calling Card. Doon sa likod ay may nakita siyang number na 50. Ito ang dahilan kaya ng nakapasok na sila ng elevator ay pinindot niya nakaagad ang numero na iyon.

Lumipas lang ang ilang minuto ay tumunog ang elevator hudyat na naroon na sila sa 50th Floor. Doon ay naabutan nila ang lalaking Secretary na nag-aayos ng papeles. "Excuse me po kuya, saan po dito ang opisina ni Mr. Tanakashi?" tanong ni Shaina.

"May appointment?" Malamig nitong tanong. Napalunok naman si Danny sa pagkakarinig ng boses ng lalaki habang si Shaina naman ay napangisi.

"Wala pero binigay niya ito," mas malamig na sagot ni Shaina. Nadoble na ang paglunok ni Danny dahil mas nakakatakot ang boses ni Shaina kaysa sa lalaki.

Ininspeksyon ng lalaki ang Calling Card na inabot ni Shaina sa kanya. Nanlaki ang mata nito at nataranta. "Yo-you may come in Ma'am," utal-utal na sagot ng lalaking kausap nila.

Agad na tinungo ng dalawa ang direksyong tinuro ng lalaki. Nang malapit na sila sa pintuan ay nagsalita si Shaina.

"Kuya, manatili po kayo sa labas. Mahalaga po kasi itong pag-uusapan namin. Sandali lang po ito," ngiting sabi ni Shaina. Tumango na lang si Danny dahil ayaw na niyang marinig ang malamig na boses ni Shaina.

Umupo sa pinakamalapit na upuan ang driver niya at naghintay. Si Shaina naman ay pumasok na sa loob ng opisina ni Mr. Tanakashi. Naabutan niyang pumipirma ito ng papeles.

Pagbukas pa lang ni Shaina ay nginisian na siya ni Mr. Tanakashi. "Its you! Are you here because you want to take a risk?"

"Kung para sa kaligtasan ng pamilya ko. Handa akong mag-take a risk. Kahit pa ikamatay ko," malamig na pagsagot ni Shaina kay Alfredo.

"May ipapagawa ako sa'yo," ngising sabi ni Alfred.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon