"I can't believe it!"
-Editor In Chief
Kabanata 9: Pagpapasa ng Manuscript
Pinag-isipan ni Shaina ang sinabi ni Fred bago ito umalis kani-kanina lang. Maaari namang maihanay ito sa Fantasy Action Genre. Wala naman ding maniniwala na nabuhay ulit siya. Atleast sa ganitong paraan, mailalabas na niya ang nararamdaman, magkakaroon pa siya ng pagkakakitaan.
Hindi na rin masama para sa anyo niyang 11 years old. Mukha rin naman siyang matured lalo na't hindi na niya nililimitahan ang sarili sa dati niyang gawi. Hindi na siya nagpapanggap ng ankop sa kanyang edad.
Para sa kanya, 26 years old na siya. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mabilis siyang maka-adapt sa training niya. Ang problema lang, nalilimitahan ang galaw niya dahil minsan, nakakalimutan niyang 11 years old pa lang ang kanyang katawan
Baka masabihan lang siyang baliw na kung sabihin niyang nangyari iyon. Napangisi naman siya at nagsimulang mag-type sa laptop niya gamit ang website na ginawa niya mismo. Nagdagdag siya ng features doon kung saan maaari siyang maglagay ng iba pang documents maliban sa mga tina-type niya.
Tatlong araw niyang magdamagang kinopya ang unang naisulat at dinagdagan ng mga kabanata para matapos ang istorya. Lahat ng gusto niyang mangyari sinulat niya pero may mga scene na hindi pumabor sa mismong karakter na ginawa niya.
Nagsagawa rin siya ng ilang mga research para mas maging makatotohanan ang mga pangyayaring nagaganap. Pinanghugutan niya ng emosyon ang lahat ng mga nangyari sa kanya noon. Ginamit niya ang mga salitang may mga malalakas na emosyong napapaloob sa loob lamang ng tatlong araw. Natapos niya ito kasama ang proofreading at pag-edit ng jacket para hindi na mahirapan pa ang mga magbabasa.
Si-net niya ang font sa New Times Roman, Ang font size sa 12 at ang papel sa 21.5 by 28 cm o 8.5 by 11. Naka-double space na rin para sigurado. Sinigurado niyang malinis ang manuscript bago niya ito si-nend gamit ang email.
Gumawa rin siya ng resume para kung matanggap ay mabilisan na ang proseso.
You have an email
Agad itong binuksan ni Shaina nang makita niyang mag-pop up ito sa laptop niya. Isang linggo na simula ng nagpadala siya ng manuscript sa isa sa mga sikat na publishing house at ngayon ay naghihintay siya ng email mula rito.
HEARTFIELD PUBLISHING HOUSE
heartfieldpubhouse@gmail.com
-----------------
SINISTER SCRIBE
SinisterScribe66@gmail.com
Writer Me- Word, Doc, PDF, Note,Slide&Sheet
The personal version is compatible with multiple doc formats, in small size and permanently free. Get it here:
https://www.writerme.com/email-dl
Wrifia Final. Docx
----------------
HEARTFIELD PUBLISHING HOUSE
heartfieldpubhouse@gmail.com
Hi Ms/Mr Sinister:We receive your manuscript and our agent are quite impressed to your works. We would like to see your presence to our main publishing house with the hard copy of this work together with your resume. We will have a deal to contracts.
Respectfully Yours,
Admin
Asdrv23ASm345HaKaxkxRvf98jn79
--------------------------Napangisi si Shaina at nagmadaling mag-ayos. Kinuha niya ang susi ng Ducati niya kasama ang folder kung saan naka-print ang hard copy ng Wrifia at Resume niya. Bumaba siya gamit ang bintana at nag-ala ninja sa pagbaba.
Sa edad nalabing-isa ay marunong na siyang mag-drive ng kahit anong klase ng motor at kotse. Isa ito sa una niyang natutunan ng mag-training siya bilang isa sa mga tauhan ni Fred. Hindi siya marunong mag-drive noong una niyang buhay dahil sa trauma ng pagkamatay ng kanyang Tito at Tita. Naging hobby niya na rin ang Drag Racing kahit minsan ay illegal ang sinasalihan niya. Wala na siyang takot sa pulis dahil na rin sa wala na siyang tiwala sa mga ito.
Malaki ang pinagbago niya simula noong nakaraang taon. Malayong-malayo sa dating siya na mahina at walang kuwenta. Pero alam niyang marami pa siyang dapat natutunan.
Nu'ng nakaraang linggo nga lang habang naghihintay siya ng email, ginawan na niya ng paraan ang pagligtas sa Tito at Tita niya.
Napangiti siya dahil nailigtas ang mga ito ng hindi nila nalalaman.
Ang tatlumpong minuto sanang biyahe niya ay naging sampung minuto dahil sa bilis niyang magpatakbo. Hindi niya nga alam kung bakit walang nakakitang pulis pero hindi na niya ito pinansin pa.
Pagpasok pa lang niya ay sinalubong kaagad siya ng dalawang guwardiya para tanungin kung ano ang kailangan niya. Agad niyang ipinakita ang email kaya nagturo na ng direksyon ang dalawang ito.
Dinala naman siya ng isa sa mga guwardya sa agent saka sa mismong Editor-In-Chief. Nakaupo ito habang may ga-bundok na papel sa lamesa at nakatutok sa computer habang nagta-type.
"Ikaw daw ang Author ng Wrifia, totoo ba iyon?" Tanong ng EIC. Tumango naman siya Shaina dito. "Sa totoo lang ngayong nakita kita ay hindi ako makapaniwalang ikaw ang nagsulat ng nobelang iyon. Masyadong mature, brutal, at magical. Ang paraan ng structures, dialogues, tone, emotion, imagery lahat halos perpekto. Ang agent na pinasahan mo ng nobelang iyan ay ang unang nakabasa. Sampung kabanata pa lang ay ipinasa na niya kaagad sa Editorial Department," bungad sa kanya ng EIC.
"Ang mga normal na nagpapasa ng manuscript ay agent lang ang nakaka-usap tungkol dito at admin sa mga contract. Alam mo ba kung bakit ka nandito?" tanong ng EIC. Umiling ng bahagya si Shaina at yumuko.
"Dahil na para ma-edit ang buong istorya mo, may layout na ng jacket at hindi lalagpas sa bilang ng daliri ang mga na-edit. Almost perfect ang manuscript mo na Wrifia sa totoo lang kaya medyo nakakadudang ikaw ang gumawa," tumigil sa pagta-type ang EIC at tiningnan siya.
"Gusto kong patunayan mo ang galing mo. Gumawa ka ng isang one shot na may minimum na 3500 words at 4000 words na maximum. Ang theme ay nakabase sa Wrifia. Kung baga magiging bahagi ito ng gitnang parte nito. Hindi maaaring sa unahang bahagi o sa hulihan. Kailangan ay puwede siyang maisingit sa gitna. Kailangang matapos mo iyan bago mag-uwian ang mga tao dito," dagdag ng EIC.
Agad na nilabas ni Shaina ang laptop at binuksan ang website na ginawa niya. Pinagmasdan naman siya ng EIC habang nagse-set up.
Agad na napanganga ang EIC ng makita kung gaano kabilis ang mga kamay ni Shaina sa pagta-type, mas mabilis pa ito sa kanya mag-type.
Tahimik lang si Shaina habang nagta-type ng mga word. Ang kanyang type writing skills ay 65 words per minute kaya hindi na nakakapagtaka na mabilis siyang mag-type. Isa ito sa na-develope niyang skills sa IT course at siya ang may hawak ng pinakamabilis mag-type sa buong university nila. Kaso ang mga professor lang niya ang may alam nito dahil nag-low profile siya ng pumasok doon kasama si Evonne.
Isang oras lang ang nakalipas ay na-save na kaagad ito ni Shaina ay pinakita sa EIC.
Binasa kaagad ito ng EIC ng matanggap mula kay Shaina. Sa hindi malaman-lamang dahilan, nakaramdam siya ng kilabot habang binabasa ang one shot na iyon.
Halos hindi na niya matuloy ng maayos dahil nagtataasan ang kanyang balahibo. Masasyadong brutal ang scene ng one shot at doon ay hindi kaagad nakapag-react ng maayos ang EIC.
"I can't believe it!" malakas na sigaw ng EIC.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...