33: Forgotten

2.7K 119 4
                                    

"Maybe your right it was only my illusion. You can now go,"

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 33: Nakalimot

Pagkakuha ng portal sa katawan ni Samara ay nawala ang hangin. Mabilis na tumakbo si Shaina at di-nive ang portal bago ito tuluyang sumara. Nagtagumpay siya sa gustong gawin. Nakapasok siya sa portal. Abot-langit ang kaba ni Shaina para sa unang kaibigan. Unang totoong kaibigan.

Lagi itong nasa tabi niya, mapa-masayang alaala, o malungkot man. Hindi ito pumalya na suportahan siya. Tinulungan niya itong bumangon noon, pero binalik niya ito nang namatay ang kanyang Ina, Grandma, at Grandpa.

Inunawa siya nito kahit pinagtulakan na niya siya palayo. Kaya ngayong siya ang may kailangan ng tulong, hindi siya magdadalawang isip na ibuwis kahit ang buhay niya mailigtas lang ang kaibigan niyang si Samara.

"Samara!" Sigaw niya. Napakadilim ng paligid. Pero may bahagi ang lugar na maliwanag kung saan nakita niya doon si Samara na umiiyak. Mabilis niyang pinuntahan si Samara. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang ayos lang ang kaibigan.

"Shaina?" Gulat na saad ni Samara. Mabilis na yumakap si Samara sa kanya. "Why?" Maikling tanong ni Shaina sa kanya. Mahigpit siyang niyakap ni Samara. Sobrang higpit na akala mo, mawawala si Shaina sa oras na bitawan niya ito.

"Hindi ako tao, Shaina, hindi ako pinanganak sa Earth. Isa akong Hamainian mamamayan ng Haimas. Nawawala akong anak ni Haring Ashten at Reyna Alisha. May kapatid akong ang pangalan ay Onicx at Aaron. May-may Demonyo sa loob ko, Shaina. Isang malaking demonyong Dragon. Shaina, natatakot ako," umiiyak na saad ni Samara. "Wha-what?" Gulat na tanong ni Shaina.

"Hindi ako dapat manatili sa Mundo. May mga Haimanian na naghihintay sa pagbabalik ko, ako ang nag-iisang tyansa ng Sky Kingdom sa planetang iyon. Walang malay ang aking totoong Ina at dalawa kong kapatid," naiiyak na sabi ni Samara. Niyakap naman ni Shaina si Samara. Nakaramdam siya ng lungkot sa sinasabi ni Samara ngayon. Pero mukhang may ibang nakatadhana para sa kaibigan niya.

"A-are you leaving?" Utal na tanong ni Shaina. Bakas ang sakit sa mata ni Shaina. Hindi niya kayang mawalan ulit ng mahalagang tao sa buhay niya. Baka mag-break down na talaga siya ng sobra. Pero sa isip niya, atleast alam niyang buhay ang kanyang kaibigan. Iyon ang mahalaga para sa kanya.

May liwanag na namuo sa gitna nilang dalawa. "Samara!" Nagulat si Shaina ng pilit silang pinaglalayo ni Samara hanggang sa nabitawan na nga ni Shaina si Samara. Hinigop ng portal si Shaina papalayo kay Samara. Pareho nilang sinisigaw ang pangalan ng isa't-isa pero pareho rin silang napaghiwalay na ng tuluyan.

--*--

Napabangon si Shaina sa pagkakahiga. Huminga siya ng malalim kasabay ng pag-ikot ng kanyang ulo. Na-realize niya na nasa kwarto na niya siya. Biglang bumukas ang pinto ng tulugan niya. Nakita niya na pumasok doon si Vin na may hawak na tray ng pagkain.

"Kamusta po kayo Queen?" Tanong ni Vin. Hindi niya pinansin si Vin saka ito tiningnan ng deretso. Napalunok pa ng ilang beses si Vin dahil sa takot kay Shaina. "Where is Samara?" Malamig niyang tanong.

"Samara? Sino po iyon?" Takang tanong ni Vin. Kumunot ang noo ni Shaina dahil sa sinabi. "The one that you train," sagot ni Shaina.

"Queen? Ayos lang po ba kayo? Wala naman po kayong pinapa-train sa akin na kahit sino nitong mga nakaraang araw," sagot ni Vin. Napahilot ng noo si Shaina dahil naguguluhan siya sa nangyayari. "Find information about Samara Rain Kie, Heiress of Kie Corp," utos ni Shaina.

"Kie Corp? Hindi po ba iyan yung bago niyong pagmamay-aring kumpanya kasi namatay ang mag-asawang Kie. Saka wala pong tagapagmana ang mga Kie, unfertiled po kasi ang asawa ni Mr. Kie," nanlaki ang mata ni Shaina sa narinig at dali-daling kinuha ang kanyang laptop.

"Put that food on my table outside," utos ni Shaina. Tumango naman si Vin bilang sagot. "Wait me there!" Dagdag pa niya. Tumango muli si Vin bilang sagot.

Hi-nack niya ang system ng NSO sa Pilipinas at hinanap ang Birth Certificate ni Samara pero wala talaga siyang nakita. Sumunod niyang hi-nack ay ang S International School. Wala rin ang profile ni Samara doon.

Sumasakit ang ulo niya sa naging outcome ng ginawa niya. It turns out na walang nage-exist na Samara Rain Kie sa Pilipinas. Hi-nack niya ang profile ni Leonel at kinuha ang number nito.

"Hello? Sino ito?" Tanong ng kabulang linya.

"It's me, Shaina," sagot ni Shaina kay Leonel.

"Ikaw pala, ano, paano mo nalaman ang number ko?"

Huminga ng malalim si Shaina bago nagsalita. "It doesn't matter where I got your number, tell me exactly what happen a while ago?" May autoridad na sabi ni Shaina.

"Ano, napagsalitaan kita ng masama kanina. Kinompronta mo ako tungkol sa Evonne. Tama ka nga, masyado akong nabulag sa pagkakagusto sa kanya," nahihiyang saad ni Leonel.

"Tell me what exactly happen in the SS Restaurant. Detailed it."

"Kumain tayo sa labas. Libre ni SS. Nag-order si Evonne ng Primata. Pagkatapos nag-volunteer ka magbabayad, kapalit ng pag-amin kung sino ang nag-order non. Kaso hindi umamin si Evonne. Tumakbo siya at susundan ko sana siya kaso hinila mo ako saka kinompronta. Binigay mo sa akin yung Flashdrive saka hindi ma bumalik," kumunot ang noo ni Shaina sa narinig. Iba ito sa totoo niyang nasaksihan kanina. Pagkatapos malaman ang tungkol sa sinabi ni Leonel ay binaba naniya ang telepono.

Lumabas siya ng tulugan at doon ay nakita niya si Vin na nag-aantay sa Mini Living Room sa gilid. Tumayo si Vin at nag-bow. "Bakit niyo po ako pinag-antay dito?" Takang tanong ni Vin. "How did I get here?" Tanong ni Shaina.

"Tumawag si Kuya Lorenz sa akin na nakita ka niya sa second floor ng publishing house na nakahandusay. Pinasundo ka niya sa akin kaya po dinala ko kayo dito," kwento ni Vin.

"Wala ba akong kasama?" Tanong muli ni Shaina. Umiling si Vin bilang sagot. Kapatid ni Vin si Lorenz at si Shaina ang nagrekomenda sa Heartfield Publishing House dahil na rin sa kakayahan at pagrekomenda ni Shaina, nakapasok kaagad siya sa pub house.

"Queen? Sa tingin ko, kailangan mo pa ng pahinga. Baka panaginip niyo lang 'yang sinasabi niyo," nag-aalalang saad ni Vin. Bumuntong ng hininga si Shaina at tinanggap na kung ano ang nasa isip niya ngayon.

"Maybe your right it was only my illusion. You can now go," nag-bow muli si Vin bilang paggalang bago tuluyang umalis.

Kinain niya kaagad ang pagkain na dala ni Vin bago siya umupo sa swivel chair ng office table niya. Pagka-upo pa lang niya nakita niya ang mga papel na naglalaman ng mga parte ng kanyang mga nasulat.

Ini-scan niya ang mga ito at nangunot ng noo. Hindi ito ang mga sinulat niya. Kabisado niya ang mga sunulat niya at natatandaan ang bawat word na sinusulat niya. May tiwala naman siyang hindi si Eliza ang nagbago nito.

Kinuha niya ang libro na Wrifia at iba pang mga nauna niyang na-publish na libro. Ini-scan niya ang gitnang bahagi Wrifia. Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa nabasa.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon