"Uh Hi! I'm Samara Rain Kie, from S International School HUMSS 1 Violet,"
Samara Rain Kie
Kabanata 30: On The Job Training
"Samara!" Napatingin sila sa tumawag kay Samara. Nagulat sila ng makita na si Evonne ito at si Leonel. "Anong nangyari sa iyo?" Nag-aalalang saad ni Leonel. Hinarap naman niya ng galit si Shaina.
"Anong ginawa mo sa pinsan ko? Bakit siya nanginginig?" Galit na tanong ni Leonel kay Shaina habang niyuyugyog niya ito. Pinunta ni Shaina ang dalawang kamay sa butas na nagawa ng kamay ni Leonel saka ito mabilis na wi-nide. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Don't touch me!" Malamig na saad ni Shaina. "Kuya, hindi siya ang may kasalanan ng panginginig ko. May banggaan kasi kanina, natakot lang ako. Pero ayos na ako ngayon," imubos ni Samara ang tubig na binigay sa kanya ni Shaina saka huminga ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili mula sa nangyayari. Sa totoo lang, nahihirapan siyang mag-adjust, kahit nu'ng araw pa na nakita niya 'yung Vision tungkol kay Shaina.
Natural ng reaksyon ng tao ang katakutan ang mga bagay na hindi nila alam o maintindihan. Kaya si Samara, natatakot siya ng sobra sa mga maaaring mangyari, sa kanya o sa kaibigan. Natatakot din siya sa mga visions niya at pati na sa sarili niya dahil dito.
Mabuti na nga lang at nasa tabi niya si Shaina. May experience ito sa mga supernatural na bagay; ang pagkabuhay nito, ang pagbalik nito sa nakaraan at ang kuneksyon na nararamdaman niya kay Samara. Lahat ito, para sa kanila ay supernatural dahil aminin man nila o hindi, kung hindi nila ito naranasan ng personal, hindi sila maniniwala sa mga naranasan nila.
Isa itong malaking kababalaghan na silang dalawa lang ang may kakayahang bigyan ng sagot. Kailangan pa nilang alamin kung ano nga ba ang role nila. Kung bakit sila ang pinili, o kung bakit sila lang ang nakaranas nito out of all the people in the world.
"Wag mong sisihin si Shai, siya pa nga ang nagligtas sa akin," saad ni Samara. May biglang pumalakpak sa likod nila. "Kayo ang mga mago-OJT, tama?" Nagsitango naman ang lahat.
"Sumunod kayo," sumunod naman sila. Si Leonel ay kasama ni Evonne at si Samara naman ay kasama Shaina. Pumunta sila sa opisina ng Editor In Chief. Nang makita ng EIC si Shaina ay nanlaki ang mga mata niya pero biglang balik sa dating seryosong itsura.
"Chief, they are the Trainees from S International School," saad ng agent na nagdala sa kanila sa opisina ng EIC. "Kayo pala ang Trainees. Ako nga pala si Elizabeth Ramos. Ang Editor In Chief ng Heartfield Publishing House, pwede bang magpakilala kayo?" ngiting pakilala ni Eliza sa kanila.
"I'm Samara Rain Kie at ito naman 'yung kaibigan kong si Shaina Deshna Lievere, galing kami sa HUMSS 1 Violet," magalang na pagpapakilala ni Samara. "I'm Leonel Lura and this is Evonne Gia she's from HUMSS 1 Violet too and I'm from HUMSS 2 Indigo," ngiti ring sabi ni Leonel.
"Na-review ko na ang mga resume na pinasa niyo. So this is your card for your time in and time out," binigay ni Eliza ang apat na card sa kanila saka ngumiti. "Samara sa type setter Department ka, Evonne sa Enconding Department ka, Leonel sa Packaging Department ka at Shaina, sa Graphics Department ka," saad ni Eliza. Napangisi naman si Evonne lalo na't alam niyang hindi marunong sa pagamit ng Photoshop si Shaina. Mabilis namang nagsitayuan ang apat para sana magsimula kaso biglang pinigilan ni Eliza si Shaina.
"Ms Leivere, magpa-iwan ka muna. May itatanong lang ako," saad ni Eliza. Ang akala ni Evonne ay papagalitan si Shaina kaya umalis sila ni Leonel na nagsasaya ang kaloob-looban niya. "You can go Ms. Kie," dagdag pa ni Eliza.
"Don't worry, she already know," tumango na lang si Eliza at hinayaan na nasa loob si Samara. "Ang itatanong ko lang sana at regarding sa mga libro mo. Hindi ko alam kung sinadya mo ba siya o hindi pero dumadalas ang typo mo hindi katulad ng mga unang pasa mo ng Manuscript. Hindi mo naman kailangang magmadali lalo na't marami pang pending draft ang mero'n ka dito," nangunot naman ang noo ni Shaina.
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
AcciónReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...
![Wrifia [FIN]](https://img.wattpad.com/cover/163418351-64-k525080.jpg)