5: Offer

4.3K 227 91
                                    

"You need to take a risk for you to be able to survive,"

-Old Man

Kabanata 5: Alok

"Kapag hindi mo tinawagan si tito ay hindi na tayo bati!" sigaw ni Evonne.

"Eh 'di wag. Hindi ka naman kawalan!" bored na sabi ni Shaina. Humiga siya sa kama at pumikit. Habang si Evonne naman ay nanggagalaiti na sa galit.

Halos namumula na ang mukha nito kaya sumugod siya kay Shaina at hinila ang neckline ng damit ni Shaina. Napasama naman si Shaina kaya napwersa siyang tumayo.

"Anong sabi mo? Hindi ako kawalan? Baka nakakalimutan mong ako lang ang tumanggap sa'yo bilang kaibigan? Hindi ba isa kang loner? Walang magkaka-interest sa ‘yo!" sigaw ni Evonne. Kitang-kita ang galit sa mata ni Evonne pero hindi siya nasindak.

"Baka natatandaan mo rin na kaya ka popular sa school ay dahil sa akin? Kung wala ang pera ko, hindi ka magiging sikat!" ngiting sabi ni Shaina. Agad siyang binitawan ni Evonne.

"Kung wala ako, wala ang pera ko, malamang hindi ka tinitingala ng lahat. What if, baguhin ko ‘yong image ko sa school? Kaya mo bang mag-survive kung ako na ang gagamit ng gamit ko at wala akong ipapahiram sa'yo? Sounds great right? Patunayan mo naman na talagan Best Friend mo ako Evonne. Your motto sucks don't you know it? We're best friend so we should share everything?" tanong ni Shaina habang nakangiti.

"Ang tanong ba? Kailan ako nakahingi ng bagay o tulong mula sa'yo? Sa school pa nga lang wala ka ng pakialam sa akin. Pupunta ka lang kung may kailangan ka. Evonne we can still be friend but limit yourself from acting like you are really rich because you’re not!" malamig na sabi ni Shaina.

'Paano na? Malamang ay magpapalibre na mga kaklase namin bukas? Nakakainis ka talaga, Shaina!' nanggagalaiting sabi ni Evonne sa kanyang isip

Wala itong nagawa kung 'di ang umalis.

Kinabukasan, hindi pa rin inaayos ng dalawa ang kanilang away. Wala rin namang pakialam si Shaina dito lalo na't ayaw niya ring makita ang pagmumukha ng traydor niyang Ex-Best Friend. Titingnan niya muna kung hanggang saan tatagal ang isang Evonne ngayon.

"Ma'am puwede po ba kayong maka-usap?" tanong ni Shaina habang hinahabol ang kanyang adviser na paalis na.

Tumigil naman ang kanyang guro at hinarap si Shaina.

"Ikaw pala Shai! Anong problema?" tanong ng guro niya.

"Maaari po ba akong kumuha ng exam para makalipat ako sa mas mataas na Year Level?" tanong ni Shaina.

"Ha? Bakit naman?" tanong ng guro na nagtataka na sa kinikilos ni Shaina.

"Ma'am, alam niyo po na lahat ng modules ko mula po noon ay puro perfect. Lahat po ng teacher alam iyan. Minsan po kinukuntiyaba ko pa kayo para bawasan ‘yong tama. Hindi po ba kayo nagtataka? Pakiramdam ko po kasi, wala ng thrill ang Grade 5 sa akin. Maaari ko po bang laktawan ang mga Year Level para umakma sa IQ ko?" tanong ni Shaina. Nag-isip naman nang malalim ang guro hanggang sa naisip niya ang acceleration na ginagawa buwan-buwan.

"Mag-take ka na lang ng acceleration test, Shaina. Bukas ng umaga iyon ngayong month. Next month naman ay sa parehong date bukas," ngiting sabi ng guro. Ngumiti naman si Shaina at tumango-tango.

"Salamat po ma'am.”

"Maliit lang siguro ang tyansa mong mag-accelarate, Shai. Alam kung matalino ka pero sinisikap kasi ng school na maging akma sa edad ang baitang ng estudyante. Nasa tamang baitang ka base sa edad mo. Ginawa ang Accelaration Test para sa mga hindi akma ang edad sa baitang. Pero p'wede mo pa ring subukan," dagdag pa ng kanyang guro. Napabuntong siya ng hininga pero tumango bilang sagot.

"Salamat po ma'am," nakangiting saad ni Shaina.

'Nakakapagod magsalita ang isang 10 years old na babae. Hindi talaga akma sa edad ko ang paraan ng pananalita ko noon kaya kailangan kong ayusin ang pananalita ko gaya noon,' sa isip ni Shaina.

Naglakad siya papunta sa waiting shed para hintayin ang kanyang driver. Sa paghihintay ay biglang mabilis na dumilim ang paligid at mabilis ding umulan. Kinuha niya ang payong sa bag saka ipinayong sa harap niya para hindi siya matalsikan ng tubig. May bubong naman ang waiting shed kaya walang problema sa ulo niya.

"Nakikita kong hindi ka ordinaryong bata hija," halos mapatalon sa gulat si Shaina dahil sa biglang pagsasalita ng isang matanda sa gilid niya.

"May gustong pumatay sa'yo tama ba?" biglang kinilabutan si Shaina sa paraang ng pagtitig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay hinahalukay nito ang kanyang pagkatao. 'yong titig na aakalain mong malalaman niya ang lahat ng tungkol sa iyo.

"Pa-paano niyo po nalaman?" pautal-utal na tanong ni Shaina sa matanda. Wala siyang ideya kung bakit siya kinakausap ng matanda ngayon. O kung paano niya nalamang may gustong pumatay sa kanya at pamilya niya.

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Bibigyan kita ng offer na hindi mo natatanggihan," sabi ng matanda. Bumilis ang tibok ng puso ni Shaina sa pagkakarinig noon.

"Tuturuan kita kung paano mo mapo-protektahan ang pamilya mo pati na ang paghahanap sa taong nasa likod ng kalaban mo. Kapalit nito ay ang loyalty mo sa akin at kahandaan mong pumatay ng tao para mabuhay," sabi ng matanda. Nagdalawang isip si Shaina lalo na't hindi niya pa kilala ang matanda.

Isa pa ayaw niyang magtiwala muna sa mga taong nasa paligid niya. Tama na ‘yong isa niyang pagkakamali noon na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang buong pamilya. Ayaw na niyang magkamali sa pagdedesisyon ng mali. Alam niya rin na maaaring may magbago hinaharap ng magulang niya pero hindi niya hahayaang mamatay itong muli.

Masakit para sa kanya ang nangyaring iyon. At ngayong bumalik siya sa nakaraan, na-realize niya kung gaano siya nagpakatanga at nagpakabobo dahil mahal niya ang kanyang  Best Friend.

"You need to take a risk for you to be able to survive," sabat ng matanda. Tiningnan niya ito at kinilatis. Nakakapanindig balahibo ang aura nito. Halata mo na kahit matanda ay makapangyarihang tao sa lipunan. Maayos pa rin ang postura at halata mo pa na may ibubuga pa ito dahil halata mo ring malakas pa siya.

'Kaya ko ba siyang pagkatiwalaan?' tanong ni Shaina.

"Puwede kitang hintayin na makapagdesisyon. Ito ang calling card ko," nagbigay ng calling card ang matanda saka lumusong sa ulan. Tumapat lang siya sa kalsada ay may sasakyan ng tumigil sa harap nito. Ilang sandali pa lang ay nawala na ito sa kanyang paningin.

Pinagmasdan niya ang calling card at nanlaki ang mata kung sino ang nakausap niya. Muntik na niya ng mabitawan ang calling card pero laking pasalamat niya at nasalo niya ito.

"Miss Shaina! Halina po kayo!" sigaw ng isang lalaki sa kalsada. Nakita niyang ang kanyang driver ito.

Dinampot niya ang payong sa ibaba saka ito ginamit para hindi siya mabasa papasok ng kotse.

'Bahala na' sambit ni Shaina sa isip.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon