"Of all the people, why me?"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 41: kapalit
10 years later
Nakangiting pinasok ni Shaina ang kanilang bagong bahay ng kanyang bagong asawa. Napakarami niyang naiisip sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Lalo na para sa future nilang dalawa. Ang dami ng nangyari sa loob ng 10 taon. At ito, may bago na silang bahay at masaya siyang magsisimula muli.
"Hon! Welcome to our--" hindi na natuloy pa ni Shaina ang kanya sasabihin ng bigla siyang nakaramdam ng pagkatusok ng kung ano sa kanyang tiyan. Tingnan niya ito at nakitang isa itong dulo kutsilyo. Nagsuka siya ng dugo at nakaramdam ng panghihina.
Napaluhod siya at tiningnan ang bagong asawa. Naulit na naman ba ang nangyari?
"Prank!" Nakita niya ang anak na nasa likod ng kanyang Asawa. "Paul! Anong ginawa mo sa Ina mo?" Galit na sabi ni Leonel. Napatawa naman si Shaina dahil sa kapilyuhan ng anak. Kinapa niya ang tiyan at may nakitang pocket doon ng ketchup. Sa likod naman ay isang injection na nakatusok sa pang-upo niya. Alam niya na iyon ang dahilan kung bakit siya nagsuka at nanghina. Mukhang nagbigay na naman ng gamit si Lolo Fred niya sa anak na mahilig magpasaway.
"Waaahhh! Sorry Mommy," naiiyak na sabi ni Jeyshin. Tiningnan lang ni Shaina ang anak saka hinila. "Next time, don't do it again, okay?" Tumango ang batang Jeyshin saka tumayo. Habang si Leonel naman ay nagpasyang buhatin ang asawa. Oo, si Leonel ang. Napangasawa niya. Masyado itong makulit na maging magkaibigan sila noon pa man.
Dahil sa persistance nito, tinanggap na lang ito ni Shaina. Hindi naman siya nito binigo. Naging magkaibigan, naging mag-Best Friend to the point na hindi na sila mapaghiwalay. Hanggang sa nagka-developan, naging magkasintahan, at ngayon, naging mag-asawa na.
"Maganda ang Interior Design ng lugar Hon, ikaw ba ang gumawa nito?" Tumango naman si Shaina bilang sagot. Nang nasa kwarto na sila ay si Leonel mismo ang nagtanggal ng gown na suot at ang nagbihis sa kanya. Galing kasi sila sa isang party at napagpasyahang puntahan ang bago nilang bahay pagkatapos ng party.
Pareho na silang humiga at nagyakapan. "Bukas na ang interview mo di'ba?" Tumango naman si Shaina kay Leonel. "Shai, salamat sa pagtitiwala mo," ngiting sabi ni Leonel.
Alam na nito ang pagiging Writer at Mafia niya. Sinabi niya ito ng nag-one year sila. Ngayon taon lang sila nagpakasal pagkatapos ng 7 years nilang pagsasama. Limang taon ang anak nila ngayon. Kaya ngayon lang sila nagpakasal ay dahil na rin sa mga problemang kinaharap ng Lievere Corp. Si Shaina at ang kanyang Ama ang siyang nag-ayos dito. Nagkaroon din ng malaking merging ang Lievere Corp sa Intercasual Phase incorp na pagmamay-ari ni Shaina. 'yun ang dahilan kaya naantala ang kasal nila.
Gano'n pa man, para na rin silang mag-asawa dahil bago sila lumipat sa bahay na ito, nagsama sila sa bahay ng kanyang Lolo. Kung saan bantay-sarado si Leonel. Mula ng nalaman ni Fred na apo niya si Shaina. Mas naging protective ito sa kanya. Kailangan niya daw bumawi dahil medyo huli na para sa kanyang anak.
Naging maayos na ang lahat simula ng mamatay ang kanyang Grandpa at makulong ang iba pa. Ang kanyang Lolo Fred at Dad ay madalas lumabas. Gusto kasing bumawi ni Fred sa anak. Pare-pareho na nilang tanggap ang katotohanan na mag-ama sila.
Hinalikan ni Leonel si Shaina sa noo at plano na sana nilang matulog ng biglang may tumalon sa kama nila. "Mommy! Daddy! I want to sleep here," ngiting sabi ni Paul. Hyper na hyper 'to at nagtatalon-talon pa sa gitna nila. Hinila na lang siya ni Shaina at payapa silang natulog.
--*--
Nagising si Shaina sa kalagitnaan ng pagtulog. Sinubukan niyang matulog muli pero hindi niya magawa kaya napagpasyahan niyang bumaba. Nagtimpla siya ng gatas saka lumabas ng bahay at pumunta ng Garden. Napakunot ang noo niya ng makita ang itsura ng Garden. Masyado itong makulay at maliwanag kahit walang ilaw. Mabango ang hangin at may kakaibang aura na bumabalot dito.
"Shaina!" Napalingon siya sa kanan at nakita ang isang tao doon. Hindi niya alam kung ano ang kasarian nito. Pamilyar ang boses nito kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Inubos niya ang gatas saka hinarap ito.
"Sino ka?" Malamig niyang sabi. Ngumiti ang taong ito na para bang tuwang-tuwa siya. "Hindi ko inakalang hindi ka matatakot o magugulat man lang sa akin," ngiting sabi nito.
"Anong kailangan mo?" Tanong ni Shaina. "Hindi na ako nagulat na may nilalang na nag-eexist na katulad mo, simula ng mabuhay akong muli, naniwala na ako sa mga imposibleng bagay," dagdag pa ni Shaina.
"Tama ka, ako ang pinadala ng dahilan kung bakit buhay ka pa ngayon," ngiting sabi nito. "Balang-araw, babalik ako dito para singilin ang biyaya na binigay namin sa iyo. Kailangan mo kaming tulungan sa aming magiging misyon. Hindi pa ngayon pero babalik ako dito para sunduin ka. Kapag natapos mo ang misyong iyon, maaari ka ng mabuhay ng mapayapa," dagdag pa nito.
"Of all the people, why me?" Takang tanong ni Shaina sa taong ito.
"Espesyal ka Shaina. Malalaman mo rin ang kasagutan sa takdang panahon. Sa ngayon, magpakasaya ka muna kasama ng iyong pamilya," tumango naman si Shaina kasabay ng paglaho ng kakaibang itsura ng garden at ng taong kausap niya lang kani-kanina.
"Sabi ko na eh, nandito ka lang," isang jacket ang pumatong sa kanyang balikat at alam niyang ang asawa ang may gawa no'n. "Bakit ka lumabas?" Tanong ni Leonel.
"Hindi ako makatulog kaya tumambay muna ako dito," sagot ni Shaina. "Handa ka na ba sa mangyayari bukas?" Tanong ni Leonel.
Sinuot ni Shaina ang jacket saka umupo sa isang bench sa garden. "Hon, may dapat akong sabihin sa iyo," tumingin naman si Leonel sa kanya. Halatang handa itong makinig.
"Naniniwala ka sa mahika?" Tanong ni Shaina. "Ang sabi ng iba, to see is to believe pero naniniwala ako," ngiting sabi ni Leonel. Tumingin siya sa langit saka ngumiti.
"Sa buong Universe, ang mismong solar system ay wala pa sa laki nito. Masyadong malaki ang kalawakan at karagatan natin, imposible namang tayo lang ang mga nandito," paliwanag ni Leonel.
"Hindi ko man sila nakikita pero naniniwala ako sa mga mahika," dagdag pa niya. "Before, I'm not really believing magics but, what happen to me, proves that magic really exist," ngiting sabi ni Shaina.
"Alam mo naman siguro ang Wrifia hindi ba?" Tanong ni Shaina kay Leonel. "Oo naman, isa iyon sa pinakasikat mong storya hindi ba?" Tanong ni Leonel.
"Yeah! That's right. Ang Wrifia ay base sa buhay ko. Lahat ng nakasulat doon, naranasan ko na. It was like my diary," pag-amin ni Shaina.
"Hindi ganoon ang unang plot non dahil nu'ng una ko siyang sinulat, kalahati lang iyon ng totoong nangyari. Pero ngayon, napaltan ang plot niya at naging katulad na ng nangyari sa akin," niyakap siya ni Leonel saka nito hinagod ang kanyng likod.
"Naniniwala ako sayo Shaina, kahit ano pang sabihin mo, paniniwalan ko," mahinang sambit ni Leonel. Napanatag naman si Shaina at yumakap kay Leonel. "Pumasok na tayo," tumango naman si Shaina at doon na sila pumasok. Magkahawak sila ng kamay na bumalik sa loob ng kanilang bahay.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...
![Wrifia [FIN]](https://img.wattpad.com/cover/163418351-64-k525080.jpg)