"Everything is now end,"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 40: solusyon
"Rome! Bitawan mo iyan!" Galit na saad ni Alfredo. Ngumisi si Roman at nagsalita na nakapagpatigil sa lahat. "Thank you and I'm sorry?" ngumiti ng maaliwalas si Roman kasabay ng isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng kulungan kasabay ng malakas na sigawan.
Isang putok ng baril na hindi nila inaakalang tatama sa kanya. Isang putok ng baril na nakapagpabago ng takbo sa kwento ng kanilang buhay.
Bumagsak ang katawan ni Roman ng nakadilat kumalat ang dugo sa sahig. Binaril ni Roman ang sarili para pagbayaran ang kasalanan niya. Na-realize niya ang lahat ng sinabi ng kanyang 'Apo'. Tama ito, naging selfish siya.
Niloko niya ang lahat, si Alfredo, si Helena, si Diego. Higit sa lahat, ang sarili niya. Nakakatawang isipin na nagawa niyang ipapatay ang sarili niyang anak para lang sa ka-selfish-an niya. Si Eliza at Dan na parehong nalaman ang totoo tungkol kay Helena at Diego. Ginusto nilang sabihin kay Diego ang totoo kaya pinapatay niya ito.
Pinapatay niya ang anak niya sa kanyang totoong asawa dahil sa pagkabulag sa pagmamahal kay Helena. Namatay nga ang asawa niya dahil sa kanyang kapabayaan. Ang bunso niyang anak at ang kanyang asawa na namatay sa pagsabog ng isang Hotel. Siya ang gumawa ng pagsabog na ito, pero sinisi niya kay Alfredo dahil inagaw nito ang pinakamamahal niya.
Ang babaw niya. Ang childish niya. Ang sama niya. Karapat-dapat lang na mamatay siya.
"Dad! Bakit mo pinatay ang sarili mo?" Umiiyak din na sabi ni Diego. Dala-dala niya ang dextrose habang pumunta dito para malaman ang kalagayan ng Ama. Pero nalaman niya na si Alfredo pala ang kanyang tunay na Ama.
Ano pa man ang nangyari noon, malaki pa rin ang utang na loob niya sa kanya sa lahat ng kabutihan nito sa kanya.
--*--
"Queen! Handa na po ang lahat ng ebedensyang pinahanda niyo," mabilis na saad ni Vin pagkapasok. "Akin na!" Malamig na saad ni Shaina.
Doon na binigay ni Vin ang tatlong envelope na pinahanda ni Shaina. Hinablot niya ito at tumayo papunta sa pintuan palabas na siya dito ng pinigilan siya ni Vin. "What?" Malamig na tanong ni Shaina.
"Hindi po ba kayo magpapalit?" Tanong ni Vin. Pagod na ngiti lang ang sinukli ni Shaina at tuluyan ng umalis. Gumamit siya ng kotse at mabilis na pinuntahan ang Police Station.
Takaw-tingin si Shaina lalo na't maraming dugo sa katawan niya. May mga uling din at napakadumi ng kanyang damit. Lumapit si PO1 Sarmiento sa kanya, isa sa mga humawak ng kaso niya noong nawala siya. "Ms. Lievere! Anong nangyari sa iyo?" Gulat na tanong ni PO1 Sarmiento. Binigay niya ang envelope sa pulis at nagkunwaring wala sa sarili.
Nagpatawag ng paramedic si PO1 Sarmiento para mabigyan ng first aid si Shaina saa pumasok sa intel unit. Doon nilabas niya ang lahat ng nasa loob ng envelope. Karamihan sa nasa loob ay mga picture, recorder, USB, dokumento at ilan pang mga gamit na nagtuturo sa mga naging kabulastugan ng mag-asawang Lura, pamilya ng Fransisco at ng pamilya ng Villafuerte.
May kumatok pa mayamaya pagkatapos niyang i-examine ang mga ito. Dumating ang isa pang pulis saka may binigay na bag sa kanya. "Dala ito nu'ng babaeng kausap mo kanina, mukhang mas maraming ebedensya ito. Ang sabi niya, may plano daw siyang ipapatay ng dati niyang Best Friend dahil sa hawak niyang ebedensya," pahagay ng lalaki. Binigay nito ang bag na dala-dala, nagpaalam lang at umalis na.
Tumawag kaagad ng Judge si PO1 Sarmiento para makapagpalabas kaagad ng a
Warrant of Arrest para sa mga involvde. Mabilis lang naproseso ang mga ito lalo na't malakas ang hawak nilang ebedensya.
Pagkalabas nila ay nandoon na si Diego at Fred na kasama si Shaina. "Mr. Lievere," bati ni PO1 Sarmiento. "Alam niyo ba kung nasaan ang mga tinuturo niyo ngayon?" Tanong ni PO1 Sarmiento. "Ang alam ko, nagdiriwang sila ng birthday ni Evonne Fransisco sa Sunfist Hotel," sabat ni Fred.
Nagpadala ng mga Police Mobile ag kanilang Chief Commander para mahuli kaagad ang mga tinuturo nila Shaina. Pina-blotter ng mga ito para mas madali proseso. Sumakay na sila sa Police Mobile saka tinuro ang lugar.
--*--
Masayang-masaya si Evonne lalo na't kalahati ng pera ng mga Lievere ay hawak na ng kanyang Ama. Gumalaw ito ng panahong nawala ang mga magulang ni Shaina. Ginamit kaagad nila ang pera na ito para magdaos ng malaking party para sa kanyang birthday. Halos isampal niya sa mga kaklase niya ang karangyaang natatamasa ngayon. Ang maganda pa nito, hindi niya magagastos ang sarili niyang pera.
Darating ang panahon na makukuha na nila ang kumpanya at kayamanan ng mga Lievere at wala ng matitira kay Shaina kun'di ang suot niyang damit. Si Drake ang kanyang naging escort kaya mas masaya siya. Pero sabi nga nila, kapag sobra kang masaya, may kapalit itong sakit. Nagbulungan ang lahat ng pumasok sa loob ng hotel si Shaina kasama ang Ama at isang lalaking hindi kilala ng lahat na si Alfredo.
Pare-parehong madudumi at may bakas ng dugo ang kanilang suot na talagang kapansin-pansin. Lahat din sila ay may mga benda sa katawan at may halo rin itong dugo. Kasabay ng pagpasok nila ay ang pagpasok ng pulis sa loob ng hall. Naghiwa-hiwalay ito para kunin sila Mr. and Mrs. Lura, Mr. & Mrs. Villafuerte, Drake, si Mr. Fransisco at lastly si Evonne. "Anong ginagawa niyo? Harassment yang ginagawa niyo!" Nagpa-panic na sabi ni Evonne.
"Ms. Fransisco lahat ng iyong sasabihin ay pwedeng gamitin laban sa iyo. May karapatan kang manahimik. Kung wala kang abogado, bibigyan ka namin at kjng mayroon ay marapat lang na tawagan niyo ito," mas nagbulungan ang mga tao sa hall.
"May Warrant of Arrest na nilabas sa kaso niyong homicide, Murder, Stafa, Kidnapping, at Physical Injury para sa pamilya Lievere," inis na inis na tiningnan ni Evonne si Shaina na nakayakap kay Diego ngayon. Maga ang mata nito at walang emosyon ang mata at mukha.
"Walang hiya ka talaga Shaina! Inagaw mo na sa akin ang lahat!" Galit na sabi ni Evonne. Kumawala siya sa pagkakahawak sa mg pulis at sinugod si Shaina. Sasabunutan niya sana ito pero isang malakas na sampal mula kay Shaina ang natanggap niya.
"It's over Evonne. Marami akong ebedensyng nakulekta para madiin kayong lahat sa kulungan at doon na mamatay. Sigurado ako na Reklusyon Perpetua ang magiging hatol sa inyo sa lahat ng ginawa niyong krimen kasama ng Ama mo," walang emosyong saad ni Shaina.
Doon na naposasan si Evonne at nagwawalang nilalabas sa hall. "Everyone, the show is over. You can now go home," malamig na sabi ni Shaina. Doon na nagsilabasan ang mga tao. Pagkalabas nila ay dumating ang media at nakuhan ang mga nangyari. Yumakap si Shaina sa Ama dahil nasisilaw siya sa mga Flash hanggang sa makasakay na sila sa Police Mobile.
Mabilis na umandar ang kotse ng pulis para ihatid sila. Pagkaandar ay pinagmasdan lang ni Shaina ang labad ng bintana. Ngumiti siya saka pinagmasdan ang langit. Maraming bituin siyang nakita kaya napanatag na siya. "Everything is now end," ngiti niyang sabi sa sarili saka yumakap kay Diego at pumikit. Mabilis siyang nakatulog dahil na rin sa pagod.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...
![Wrifia [FIN]](https://img.wattpad.com/cover/163418351-64-k525080.jpg)