"I already know who is my enemy before I got here,"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 37: pagsingil
"I already know the exact location of my Father, can you gather some of your men? I'm sure we will have a full battle today," ngising saad ni Shaina. Kahit pa siya ang taong kalaban nila, wala na siyang pakialam.
Pinatay niya ang pamilya niya kaya karapat-dapat lang na sungilin siya sa lahat ng kasalanan niya. Ngayong alam na niya kung sino ang nasa likod ng lahat ng kamiserablehan ng kanyang buhay, hindi na siya papayag na makawala pa ito sa kanyang kamay.
Wala siyang pakialam kahit ilagay niya sa kanyang mga kamay ang batas. Ang mahalaga sa kanya ang hustisya ng lahat ng ng taong pinatay niya. Sisingilin niya ito ng sampung beses. Para sa una niyang buhay, at para sa pangalawa niyang buhay.
Pinatay niya ang lahat ng emosyon sa kanyang loob upang magawa ng maayos ang kanyang misyon. Alam niyang malaki ang tyansa na umiyak na naman siya kapag nakaharap ang taong ito.
Ang taong pinagkatiwalaan niya buong buhay niya. Kaya pala, kaya palang alam nitong aalis sila nu'ng araw na iyon. Kaya pala parang madali lang para sa kanyang patayin ang mga taong malapit sa kanya.
Kasi mismong siya, malapit lang din sa kanya. Unti-unti ng nakikita ni Shaina ang kasagutan sa ilan niyang katanungan.
"Kailangan din nating i-consider ang posibilidad na handa sila sa atake nating ito. Ako mismo ang kikitil ng buhay niya!" Galit na saad ni Shaina. "Kaya mo ba?" Nag-aalalang saad ni Fred. Tumango naman si Shaina bilang sagot.
"Kakayanin ko," detetminadong saad ni Shaina. Nagplano sila at naghanda. Marami sa kanila ang nagsuot ng mga bullet proof vest at mga protective gear. May iba pang nagdala ng granada at mga malalaking baril handa sila sa magiging labanan.
Pinuntahan na nila ang lokasyong binigay ni Shaina sa kanila. Walang bakas ng takot o pagdadalawang isip ang mukha ni Shaina kahit haharapin niya ang taong iyon. Narating na nila ang lokasyon sa San Miguel, Bulacan. May isang lupain doon na akala nila ay abandonado.
Pinalibutan nila ito bago gumalaw si Shaina. Siya ang unang pumasok na wala sa plano nila. Wala ito sa plano nila pero gusto na niyang makita ang kanyang Ama kaya pumasok na siya. Tinanggal niya ang earpiece niya saka sumugod mag-isa.
Hawak ang kalibre 45 ay nagmasid si Shaina sa paligid. Masyadong tahimik na siyang kinataka niya. Masyado siyang alerto sa harap kaya hindi niya napansin ang isang lalaki na paparating. Pinaamoy siya nito ng pampatulog.
Sinubukan niyang 'wag huminga at magpanggap na wala na siyang malay kaya mabilis siyang binuhat ng lalaki at naglakad papalayo.
--*--
Narating nila ang isang parte ng abandonadong building kung saan ito ang may pinakamaliwanag na kwarto dito. Sinilip niya ang paligid at nakitang gising na ang kanyang Ama. May busal ito sa bibig nito at nakatali pero may swero pa rin ito. Nagwawala ang kanyang Ama na para bang may gusto siyang sabihin kay Shaina na alam niyang gising ngayon.
Itatali sana ng kumuha sa kanya si Shaina pero mabilis na kumilos si Shaina at sinuntok ang may hawak sa kanya. Mabilis niya ring kinuha ang baril nito sa bewang at pinutok sa noo ng dalawang lalaki.
Na-alerto naman ang kalaban niya kaya marami kaagad ang pumunta sa kwartong iyon. Walang sinayang na oras si Shaina at pinutok muli ang PMR-30 na hawak. Bawat bala ay tumatama sa mga noo nila. Nakakuha ulit siya ng M4A1 na baril kaya mas lalong dumami ang kanyang napapatay sa kabilang kampo. Narinig niya na rin ang ibang putok ng baril sa labas kaya napangisi siya.
Pagkatapos niyang maubos ang mga kalaban sa loob, sinara niya ito saka pinuntahan ang kanyang Ama. Tinanggal niya ang busal nito at pagkakatali pero bago niya matapos ang lahat ng ito ay may tumutok na baril sa ulo niya.
"Ang lakas ng loob mo para pumasok sa loob nito ng hindi mo alam kung sino ang kalaban mo," malamig na saad ng boses sa likod niya. Nakilala niya nakaagad kung kanino ang boses na ito. Napangiti siya ng mapait. Hindi niya inakala na totoo ang lahat ng hinala niya.
--*--
"Hindi ko ma-contact si Shadow!" Inis na saad ni Fred. Tumatambol ang kanyang dibdib sa kaba. Alam niyang malakas si Shaina pero ang kaharap niyang tao ay mahalaga sa kanya kaya nag-aalala siya.
"Na-track mo na ba siya?" Nag-aalalang saad ni Fred. Hindi siya mapakali hangga't hindi nalalaman kung ayos lang ba si Shaina o hindi. Hindi siya papayag na mangyari ang nangyari kay Shaina. Katulad ng nang nangyari sa kanyang Asawa at anak.
Sa pagkakataong ito, hindi siya titigil hanggang sa hindi niya mailigtas si Shaina para naman mabawasan ang guilt na nararamdan niya na hindi niya nailigtas ang mag-ina niya.
"Na-track na po namin si Queen. Nasa gitnang parte siya ng building," saad ng isa sa mga hacker. Mabilis na sumenyas si Fred na damihan pa ang mga tauhang sumugod sa loob. Kahit siya ay naghanda na para sumugod.
Hindi siya matatahimik kung mananatili siya sa lugar na iyon. Gusto niyang gumalaw rin para matahimik ang kaluluwa niya.
Lumakad siya hawak ang AK-47. Lahat ng makita niyang kalaban ay binabaril niya ng walang ka-effort-effort. 82 man ang edad niya ngayon, hindi siya magpapatalo sa mga mas bata sa kanya.
Beterano na siya pagdating sa pagpatay kaya hindi na kataka-taka na makapunta siya sa loob ng walang galos ni isa. Naka-focus ang isip niya na makita at iligtas ang tinuturing niyang anak na si Shaina.
Bawat bala, bawat hakbang, talagang sinisigurado ni Fred na patay ang lahat ng nasasalubong na kalaban. Wala siyang pinapatawad na kahit isa. Dahil din sa sobrang pagpo-focus ni Fred at pagbaril sa mga kalabang nakikira kaagad, muntik na siyang makapatay ng kakampi. Mabuti na lang at nakilala niya ito bago niya maputok ang baril na hawak.
Mabilis niya itong pina-alis sa kanyang harapan at nagpatuloy sa paglalakad. Nang marating ang gitnang parte ay nakarinig siya ng boses ng nag-uusap.
"Ang lakas ng loob mo para pumasok sa loob nito ng hindi mo alam kung sino ang kalaban mo," malamig na saad ng boses sa loob.
"I already know who is my enemy before I got here," sagot ng kausap nito. Nanlaki ang mga mata ni Fred at mabilis na sinilip kung tama ang hinala niyang si Shaina ang isa sa mga narinig niyang boses.
Mas nagulat siya ng makita rin ang kaharap nito. Ang taong pumatay sa pamilya niya, sa mag-ina niya. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa kanya kung paano pinatay ng taong ito ang asawa at anak niyang lalaki. Kung sana ay may nagawa siya noon, baka may pamilya na ang kanyang anak at may apo na siya.
Pero ng dahil sa taong ito, nasira ang lahat, kasama ng kanyang buhay ng dahil sa trahedyang nangyari sa kanya at kanyang pamilya. Napayukom ang kanyang kamay habang masamang tumingin sa taong iyon.
"Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo," nangingig sa galit na saad ni Fred. Siya mismo ang papatay sa taong ito ngayon din, gaya ng pagpatay niya sa kanyang mag-ina.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
حركة (أكشن)Reirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...