1: Her Death

9.5K 308 229
                                        

"Kapag nakaligtas ako dito, pagsisihan niyo ang lahat ng ito!"

-Shaina Deshna Leivere

Kabanata 1: Ang kanyang kamatayan.

Nakangiting pinasok ni Shaina ang kanilang bagong bahay ng kanyang bagong asawa na si Drake. Napakarami niyang naiisip sa bawat hakbang na kanyang ginagawa.

"Hon! Welcome to our…" Hindi na natuloy pa ni Shaina ang kanya sasabihin nang bigla siyang nakaramdam ng pagkatusok ng kung ano sa kanyang tiyan. Tingnan niya ito at nakitang isa itong dulo kutsilyo. Nagsuka siya ng dugo at nakaramdam ng panghihina.

Mas lalo siyang nakaramdam ng panghihina ng biglang hinugot ni Drake ang kutsilyong tinusok niya sa likod niya. Kasabay nito ay ang kanyang pagkahulog sa sahig dahil sa panghihina.

Tiningnan niya ang mukha ni Drake at nakita niyang nakangisi ito na parang demonyo. Nagkaroon na ng pulang mantsa ang kaninang puting gown ni Shaina. Kahit nanghihina ay pinilit niyang lumayo sa kanyang asawa na ngayon ay nakangisi habang hawak ang kutsilyong pinangsaksak sa kanya.

"B-bakit?" nanghihinang sabi ni Shaina sa asawa. Tumulo ang luha niya dahil sa bigat ng kanyang dinadalang sakit. Hindi niya inakalang magagawa ito ng asawa.

Minahal niya ito ng tapat pero ngayon hindi na ang lalaking minahal niya ang nakikita niya sa harapan kun'di isang demonyo.

"Wala ka ng magagawa pa. Mamatay ka na rin lang naman bakit lalaban ka pa?" ngising sabi ni Drake habang mabagal na lumalapit kay Shaina.

Ginawa ni Shaina ang lahat para makalayo pero sadyang nanghihina na siya lalo na't patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo sa kanyang saksak sa tiyan. Alam niya na kapag hindi siya naagapan ng lunas ay maaari siyang mamatay.

Umupo sa harapan niya si Drake at hinawakan ang panga niya.

"A-anong gagawan mo?" nanginginig ag nahihirapang sabi ni Shaina lalo na't hawak ni Drake ang kanyang panga.

"Bakit kailangan mo pang malaman? Nasaan na ang element of surprise? Hindi ba't mahilig ka sa surprise honey, kaya surprise rin itong gagawin ko sa iyo," ngising sabi ni Drake. Mayamaya ay dinukot nito ang kanyang dila. Saka pinutol gamit ang talim ng kutsilyong gamit niya.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Shaina kasabay ng pagbulwak ng masaganang dugo sa kanyang bibig.

"See? Ang gandang tingnan honey. Hindi ka na makakapagsalita," ngising sabi ni Drake. Winagayway pa niya ang piraso ng dila na pinutol niya. Sinubukan niyang magsalita pero sadyang mahapdi ang kanyang dila kaya hindi niya rin maigalaw ito nang maayos.

"Wala ka ng mapupuntahan pa Shaina. Wala ka ngang pamilya hindi ba?" patuloy nitong sabi.

"Hindi pa ba tapos 'yan Drake?" Napalingon siya at nakita ang kanyang bestfriend na pumasok sa kanilang bahay. Tiningnan niya ito na parang sinasabi niyang tulong.

"Sa tingin mo ba ay dumating ako rito para tulungan ka Shaina? P'wes nagkakamali ka. Isa ako sa nagplano ng lahat ng ito my Dear Bestfriend," ngumiti na parang isang inosenteng babae.

"Alam mo bang hindi aksidente ang pagkamatay ng pamilya mo sa air crash ng kanilang Private Jet? Hindi ka ba nagtataka na ang piloto lang ang nabuhay sa crash na iyon?" 

Patuloy na ngumiti nang malapad ang best friend niyang si Evonne na siyang kinakunot ng noo ni Shaina.

Ngayon niya lang na-realize ang bagay na iyon. Bakit nga ba ang piloto lang ng Private Plane nila ang nabuhay.

"Dahil binayaran namin siya para patayin ang magulang mo," ngumisi na na parang demonyo.

"May nakalimutan pa ba ako dear BFF?" Tanong ni Evonne habang tila nag-iisip at nang-aasar na tumingin ito sa kanya.

"Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Ako rin pala ang dahilan ng pagkamatay ng lolo. Ikaw na lang naman ang buhay na Leivere kaya ngayon mamatay ka na..." Ngumisi na parang demonyo.

"At dahil mamatay ka na, ang lahat ng kayamanan niyo ay mapupunta na kay Drake. Hindi ba't napasa niyo na ang Certificate of Marriage niyo sa City Hall? So may karapatan na siyang makuha ang lahat ng iyon," ngumisi si Evonne na tila nanalo lang siya sa lotto.

"Hindi ko kasalanan na may binangga kayong malaking tao Shaina. Sumunod lang kami sa plano lalo na't ito lang rin ang gusto namin..." saad ni Drake. Pumatak na ang luha niya dahil hindi niya matanggap na naloko siya.

'Ipinagkatiwalaan ko kayo pero ito lang ang igaganti niyo...' nanghihinang saad ni Shaina sa kanyang isip. Gusto niyang sigawan ang dalawang taong nasa harap niya pero hindi niya kaya lalo na't wala siyang lakas at mahapdi pa ang kanyang bibig.

Naalala niya noong una silang nagkita ni Drake. Nabangga siya nito ng hindi sinasadya dahil nasira ang kanyang preno. Ilang araw siyang hindi nakalakad noon. Dahil sa guilt, inalagaan siya nito at doon sila naging magkaibigan. Iniisip niya tuloy, aksidente nga ba ang pagkikita nila o plinano?

"Ang mawala ang buong angkan niyo!" pagpapatuloy ni Drake.

"Bago ko pa ulit makalimutan. May dapat ka pang malaman," ngumiti si Evonne kay Shaina habang kinuha nito ang isang malaking bote sa kusina.

Binuksan niya ito saka unti-unting binuhos sa katawan ni Shaina ang gasoline, sa paligid ng kuwarto at kahit sa iba pang bahagi ng bahay.

"Magkaka-anak na kami ni Drake," masaya nitong sabi na siyang mas nakapagpasakit sa kanyang puso. Tumulo na ng tumulo ang kanyang luha dahil wala siyang magawa ngayon.

Binuksan ni Drake ang lighter niya saka hinagis ito sa kama. Sa isang iglap ang buong paligid ay lumiyab na. Pati si Shaina ay lumiyab din pero hindi siya gumalaw sa puwesto niya para mag-panic o patayin ang apoy sa katawan. Tiniis niya ang sakit habang kinukuha ang kutsilyo sa lapag at ang hairpin na may matulis na dulo.

'Hindi ko kayo hahayaang mabuhay. Kung mamamatay ako rito ay isasama ko kayo hanggang impyerno,' buong lakas na tumayo si Shaina. Ginamit na niya ang lahat lakas para makatayo. Ang mind set niya ay patayin ang mga taong nasa harap niya.

Marahil ng dahil sa adrenaline rush ay nagawa niya ang bagay na ito. Mabilis niyang sinaksak ng sabay ang likod ni Drake at Evonne sa mismong puso nito. Sinaksak niyang muli ang dalawa sa leeg na siyang kinagulat nila.

Ngumisi si Shaina sa dalawa na para bang sinasabi niya na hindi niya hahayaang mabuhay ang dalawa. Sinaksak niya ng sinaksak ang dalawa kahit na patay na ang mga ito at umaagos na ang dugo sa lapag. Wala siyang pakialam kahit na pinapaligiran na siya ng apoy o kahit ang damit niya.

Napuno ang kanyang wedding dress ng dugo, apoy, pawis, at kahit ang luha niya ay naroon din.

'Kapag nakaligtas ako dito, pagsisihan niyo ang lahat ng ito!  Kung sino man ang master mind ng pagpatay sa pamilya ko ay pagbabayarin ko,' sabi ni Shaina sa kanyang isip. Nabitawan na niya ang hawak na kutsilyo hanggang sa unti-unti siyang bumagsak at nilamon na ng dilim.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon