"Dad, please trust me,"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 24: Nasirang Bakasyon
Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Doon ay sumalubong ang kanyang Grandpa at ang kanyang magulang. Walang alinlangang pumunta si Shaina sa kanyang Grandpa at nagmano. Humalik din siya sa pisngi nito pati na aa magulang. Kinagulat ito ng kanyang magulang lalo na't alam nilang takot ito sa kanyang Grandpa. Pero napangiti na lang sila dahil hindi na ito takot sa kanya. Para sa kanila, isa itong magandang balita.
"Kamusta na Apo?" Tanong ng kanyang Lolo. Ngumiti ng matamis si Shaina sa kanyang Grandpa at saka umupo sa tabi nito. "I'm good, by the way, bakit niyo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ni Shaina. Hindi niya kasi inaasahan ang pagtawag ng mga ito. Pero kailangan niyang asahan ang mga maaaring mangyari.
"Ano kasi anak, gusto sana naming sabihin sa'yo na ano..." Parang nag-aalinlangan pa si Mina na sabihin ang kanyang pakay lalo na't baka magalit ang anak sa kanya. Nag-aalala pa ito sa reaksyon niya at kung ayaw niya ang desisyon na ito. Masyado kasi silang senseitibo sa anak nila. Malalim pa rin ang sugat na iniwan ng apat na taong pagkawala nito sa piling nila.
To the point na minsan, masyado silang exaggerated.
"Nu'ng bata ka pa, naipagkasundo ka namin sa nag-iisang anak na lalaki ng mga Villafuerte, hindi naman namin pwedeng baliin iyon lalo na't baka masira ang relasyon ng dalawang kumpanya," paliwanag ng Ama na si Deigo. Pinagmamasdan ang magiging reaksyon ng kanyang anak na si Shaina. Alerto ito kung sakaling hindi maganda ang mangyari.
Nanlaki ang mga mata ni Shaina dahil sa narinig. Nagyukom ang mga kamay niya dahil hindi niya inaasahan ang sinabi na ito ng kanyang magulang. Galit siya, gusto niyang magwala at sabihin ang lahat ng gagawin ng Villafuerte sa kanilang pamilya pero hindi niya ginawa.
Ngumiti siya ng peke sa mga magulang saka huminga ng malalim. "Wala na rin naman po akong magagawa kung iyan ang desisyon niyo, when will I meet my Fiancee?" Tanong ni Shaina. Ngiti-ngiti lang siya pero sa loob niya, sasabog na siya. Kailangan niyang magpanggap na ayos lang siya. Baka masira ang plano niya.
Kailangan niyang ibaon pansamantala ang laki ng galit niya sa pamilya ni Drake. Hindi siya papayag na maulit ang pagkakamaling nangyari sa kanyang pamilya noon. Magkamatayan man sisiguraduhin niyang protektado ang kanyang pamilya. Pero hindi niya alam kung bakit, pakiramdam niya may mangyayaring masama ano mang araw ngayon.
Ano bang gayuma ang ginamit nila sa magulang ni Shaina? Bakit sila pumayag? Naguguluhan rin si Shaina sa mga nangyayari, sa tingin niya hindi niya kontrolado ang mga nangyayari sa pagkakataong ito.
"Isa pa pala anak, kaya nandito ang Grandpa mo dahil sa kanya ka muna titira pansamantala, pupunta kami sa ibang bansa para ayusin ang mga problema doon, bigla na lang daw kasing bumaba ang stock ng Lievere. Baka isang buwan kami doon. Alam mo naman, secretary ko ang Mommy mo, kaya dalawa lang kaming lilipad," dagdag muli ng Ama. Tumango naman si Shaina bilang tugon.
Napabuntong naman siya ng hininga. Mawawalay na naman sia sa magulang niya. "Mom, Dad, pwede po bang bonding tayo bago kayo umalis? Nitong mga nakaraang araw, medyo naging busy ako kaya hindi madalas nagkakasama, isama natin sila Grandpa at Grandma," ngiting saad ni Shaina.
"Magandang ideya nga yan. Mina, Diego, sa tingin ko tama lang ang sinabi ni Shaina. Matagal-tagal na rin simula ng lumabas tayo," saad ni Don Roman.
"Paano naman ang school activity mo ihja," tanong ni Mina. Nginitian lang ni Shaina si Mina na siyang kinakunot ng noon nito.
"Mom, kahit ilang araw akong hindi pumasok, makakahabol at makakahabol pa rin ako, isa pa grab opportunity na ito. I want us to have good memories," ngiting saad ni Shaina. Nginitian na lang siya ni Mina at Diego.
"Alright, mag-impake na kayo, magbabakasyon tayo," pag-anunsyo ni Diego. "Aalis na muna ako, mag-iimpake rin kami at susunod dito. Bukas na tayo umalis lalo na't pagabi na rin," saad ni Don Roman. Tumayo na rin siya saka umalis.
Dali-dali namang tumakbo si Shaina papunta sa kanyang kwarto na ikinatawa ng kanyang magulang. Simula kasi ng bumalik ito sa kanilang bahay, lagi itong seryoso at napaka-mature na gumalaw. Nakikita nila na minsan, pinipigilan ito ni Shaina pero bilang kanyang magulang, kilala nila ang anak kaya alam nila ang pagpapanggap nito minsan.
'Yung pagtakbo ni Shaina papuntang itaas, tanda ito ng kanyang pagiging Childish lalo na't madalas may composure si Shaina sa paglalakad at paggalaw.
"Tayo rin, Hon, mag-impake na tayo," saad ni Diego. Mabilis na nga silang tumaas at nag-impake.
--*--
Papunta sila ngayon sa Villa Paraiso, isa sa pinakasikat na Resort sa buong bansa. Nakatayo ito sa San Juan, Batanggas malapit sa Hugom. Si Diego ang nagda-drive ng Van habang nasa passenger seat si Mina. Si Don Roman at Doña Esmeralda naman ay nasa pangalawang upuan. Habang si Shaina ay nasa likod.
Nagkwekwentuhan sila at nagtatawanan habang nasa byahe. Kahit si Shaina ay nakisali sa mga biruan niya dahil para sa kanya. Minsang lang mangyari ang pagkakataong ito, kaya dapat niya ng lubos-lubosin.
Pero sa isang sandali lang, biglang nanahimik si Shaina. Napansin ito ng kanyang Grandpa kaya agad itong nagtanong. "Apo? Ayos ka lang?" Tanong ng kanyang Grandpa.
"Dad, bilisan niyo ang pagmamaneho, may sumusunod sa atin," saad ni Shaina. Napakunot naman ang noo ni Diego sa sinabi ni Shaina dahil bakit may susunod sa kanila? May kaaway ba sila?
"Diego, sundin mo ang apo ko, ngayon din," nu'ng huli nilang tagpo ng kanyang apo, sinabihan siya nito tungkol sa nurse niya. Ngayon, sigurado siya na totoo ang sinabi ng apo.
Sumunod naman si Diego kahit nagtataka siya sa sinabi ni Don Roman. Bakas na ang takot sa mukha ni Mina at Doña Esmeralda lalo na sa ganitong pagkakataon.
Napasigaw si Mina at Doña Esmeralda ng biglang may putok ng baril ang pumasok sa loob ng Van.
Napayukom na ang kamao ni Shaina. Nagdadalawang isip siya kung lalaban ba siya o hindi lalo na't nasa bingit ng kamatayan ang kanyang pamilya. Biglang pumunta si Shaina sa unahan kung nasaan si Diego. "Dad, let me Drive," saad ni Shaina.
"Kailan ka pa natutong mag-drive? Hindi ako papayag!" Galit na saad ni Diego habang iniiwasan ang mga nagliliparang bala sa paligid. "Dad, please trust me," sinseryong saad ni Shaina. Nagdadalawang isip pa nung una si Diego pero agad din siyang umalis sa pwesto.
Umupo sa driver seat si Shaina at saka hinawakan ang manibela. Inapakan niya ang accelerator at gas para bumilis ang speed ng Van. "Magseat belt kayo guys," saad ni Shaina habang nakangisi. Sumunod naman ang lahat sa sinabi ni Shaina.
Dahil sa pagbilis ng Van, bumilis din ang takbo ng humahabol sa kanila. Tiningnan ni Shaina ang side mirror at rearview mirror habang binibilang kung ilan ang sumusunod sa kanila.
"10 car," mahinang saad ni Shaina. Ngumisi siya at saka mabilis na nag-drift paikot kaya kaharap na niya ngayon ang mga sasakyan ng kalaban. "Anong plano mo anak?" Nag-aalalang saad ni Mina.
"Just wait and see," ngising saad ni Shaina.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...