"Mabuti na nga lang,"
Almina Grace Lievere
Kabanata 19: Police Operation
Napakulong na kaagad ni Shaina ang lalaking nagnakaw ng bag niya kanina. Mamaya lang ay may kukuha dito dahil may ipapatrabaho siya sa lalaking iyon. Alam kasi niya na kailangan din nito ng pera. Ilang sandali pa ay dumating na ang magulang ni Shaina saka siya niyakap.
Isa ito sa katangian niyang hindi nagbago, ang maging mabait sa kapwa. Pumapatay man siya ng tao, lahat ng pinapatay niya ay ang mga taong karapat-dapat mamatay. Isa lang siyang hamak na taong bumabawas sa papulasyon ng mga masasamang tao na wala ng pag-asang magbago.
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?" nag-alalang saad ni Mina sa anak habang chini-check nito ang kanyang katawan. Paranoid ang kanyang Ina at Ama. Kaunting aksidente lang na involve si Shaina, grabe na sila mag-alala.
Napangiti siya dahil mayroon pa rin siyang mga taong pwedeng kapitan katulad ng kanyang Ama't Ina. Hindi siya nagsisisi sa mga ginawa niya. If she need to become a demon incarnate just to protect her precious people, she will be willing with all her heart.
Hindi niya ipagpapalit ang mga ito sa dati niyang buhay. Ang kailangan niya na lang malaman ay kung sino ang nasa likod ng mga Fransisco at ni Drake sa madaling panahon.
"Mom, I'm okay," ngiting sabi ni Shaina. Masarap sa pakiramdam na nakikita niya ang magulang na nag-aalala sa kanya.
Dumiretso sila sa interrogation room kung saan naroroon ang dalawang PO1 na unang nilang nakausap.
"Nandito na pala kayo Mr. and Mrs. Lievere. Ayos lang ba sa anak niyo ang kuhanan siya ng statement?" tanong ni PO1 Sarmiento. Ang lalaking humawak sa kaso niya.
Tumango naman siya kaya umoo ang kanyang magulang. Kahit siya ay handa na rin sa mga sasabihin niya. "Shaina, hija, kung hindi ka komportable sa mga tanong namin sabihin mo lang. Hindi ka namin pipilitin na magsalita. Basta magsabi ka ng totoo okay?" saad ni PO1 Delgado.
"Anong nangyari sa iyo pagkatapos mong madakip?" tanong ni PO1 Sarmiento.
"Dinala po nila ako sa isang malaking bahay at may isang lalaki doon na nakamaskara ang kumausap sa mga kumuha sa akin. Pagkatapos, bumiyahe po ulit kami papunta sa isang mapaking warehouse na puno ng mga bata," mahina at nanginginig na sabi ni Shaina.May patulo luha effect pa para makatotohanan. "Doon po ay sapilitan kaming ginawang pulubi para sa mga pansarili nilang gusto. Mayroon din po akong naririnig na msy binebenta rin silang mga bata," dagdag pa niya.
"Naalala mo ba ang mga mukha ng mga kumuha sa ‘yo o mga nagbabantay sa iyo?" tanong ni PO1 Sarmiento.
"Opo, naalala ko, naiguhit ko po sila dahil na rin sa ayaw nilang mawala sa isip ko," mahinang saad niya. May kinuha siyang malaking sketch pad saka ito ipinakita sa mga pulis. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na isa sa mga wanted sa buong luzon ang mga ginuhit niya.
"Mga malalaking tao ang mga nakaguhit sa sketch pad mo hija, hindi mo ba iyon alam?"
Umiling naman siya bilang sagot. Alam niya kung sino ang mga iyon dahil sa research na ginawa niya. Ginawa niyang accurate ang lahat at sinigurado niyang wala itong magiging butas.
"Natatandaan mo ba kung saan ang lugar na pinagdalhan sa iyo?" umiling siya bilang sagot.
"Hindi ko po alam ang pangalan ng lugar pero ang alam ko po ay ang daan. Kailangan lang po nating pumunta kay Lolo Erning sa Concepcion, Tarlac," saad naman niya. Nag-utos kaagad ng mga sasakyan ang dalawang PO1.
"Maaari mo ba kaming samahan?" tanong ng pulis.Tumango naman siya bilang tugon.
Tatlong oras din anng inabot na biyahe nila mula Maynila hanggang Concepcion Tarlac. Dumating sila sa mismong lokasyon ng bahay ng matanda na nagdala sa kanya sa Maynila. Doon ay nagsimula ng magturo ng direksyon si Shaina hanggang sa narating nila ang Capas, Tarlac. Doon ay may isang liblib na warehouse ang siyang napuntahan nila.
"Shaina, dito ka muna ha? Delikado sa loob. Iche-check muna namin ang vicinity," tumango naman siya saka pumunta sa likod at yumakap sa magulang.
"Everything will be alright Shaina. Huwag kang matakot dahil nandito lang kami," mahinang saad ni Diego. Alam niyang niloloko niya lang ang mga magulang niya. Pero hindi rin totally na niloloko dahil gusto niya ring mapakawalan ang mga bata sa warehouse na iyon.
Kung tutuusin, kaya niyang gawin iyon mag-isa pero mas pinili niya ang pulis para magkaroon din siya ng concrete alibi sa kanyang pagkawala.
Samantala, ang mga lalaki sa loob ng warehouse ay nagsasaya dahil na rin sa marami silang nakuhang pera mula sa mga batang namulubi para sa kanila. Ang hindi nila alam, nasa paligid na ang mga pulis para iligtas sila.
"Chief, positive. Nandito ang mga Wanted na iginuhit ni Ms. Lievere," mahinang sabi ng isa sa mga PO2.
"Magpapadala na kami ng back up-diyan mula sa pinakamalapit na presinto," saad ng kanilang Chief. Doon ay pinalibutan na ng pulis ang buong warehouse habang naghihintay sila ng utos.
"Dumating na ang back-up magsimula na kayo sa operasyon," saad ng isa sa mga pulis. Kaso bago pa sila makapagsimula ang isa sa mga nasa loob ay nakakita ng pulis na nagtatago.
"May parak!" sigaw nito.
Agad namang naalerto ang mga nasa loob at kumuha ng armas. Doon nagsimula ang palitan ng putok ng baril.
"Mo-mommy," nagkukunwaring iyak ni Shaina. Baka mas magulat ang mga magulang niya kung hindi siya umarte na natatakot. Sanay na siya sa tunog ng baril. In fact, it was her favorite sounds in the world specially if she's the one who shoot the enemy.
Kaso ngayon, kailangan niyang magpanggap na mahina sa harap ng magulang dahil kung hindi, baka mabisto siya. Kung mangyari man iyon, sira ang buong plano niya kung nagkataon.
Halos umabot sa isang oras ang palitan ng bala hanggang sa natapos na ang operasyon ng mga pulis. Nagpatawag kaagad ng ambulansya doon ay may dumagsa na media dahil na rin sa tip ng mga pulis na nasa presinto. Hindi na ito bago lalo na't kailangan ng pulis mag-report din sa media.
"Paano niyo po natunton ang kuta ng mga most wanted na ito?" tanong ng isa sa mga media.
"Alam ng lahat na matagal ng hina-hunting ng pulisya ang mga ito. Nagsimula ang lahat ng may nakatakas sa kamay nila na matagal na naming hinahanap. Ang mismong bata ang siyang nagturo sa amin ng kuta na ito kaya malaki ang pasalamat namin sa kanya," sagot ng spoke person ng mga pulis.
Habang si PO1 Sarmiento naman ay pumasok na sa kotse na pinag-iistayan nila. "Pasensya na sa nangyari kanina Mr. and Mrs. Lievere, iuuwi na namin kayo," saad ni PO1 Sarmiento
Inabot sila ng gabi sa daan dahil na rin sa pagod ni Shaina sa pag-iyak. Nakatulog siyang yakap-yakap ang magulang.
"Napakatalino ng anak niyo para matandaan ang pasikot-sikot ng lugar na ito," saad ni PO1 Sarmiento.
"Sa pagkaka-alam kasi namin, may Photographic Memory siya kaya hindi na kataka-takang natandaan niya ang daan," sagot ni Diego.
"Inabot lang ng limang buwan simula ng ma-turn over namin siya sa inyo. Mabuti at magaling na siya," saad muli ni PO1 Sarmiento.
"Mabuti na nga lang," ngiting sabi ni Mina kasabay ng paghagod niya sa buhok ng natutulog na si Shaina.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
AcciónReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...