"Why did he do that, Master?"
Shaina Deshna Lievere
Kabanata 38: komprontasyon
"Hindi ko inakalang hindi ka magugulat na ako ang nasa likod ng lahat ng ito, Apo!" Ngising saad ng lalaking kaharap ni Shaina habang nakatutok ang baril sa ulo niya. Walang takot na hinarap ni Shaina ang taong ito na walang iba kun'di si Don Roman Lievere. Oo, ang sarili niyang Grandpa ang may gawa ng lahat.
Lahat ng paghihirap niya, ang pagpatay nito sa kanyang asawa, ang tangkang pagpatay at pagpatay nito sa sarili niyang mga anak, at ang pagpatay nito sa asawa ng kanyang anak. Lahat ng ito ay kagagawan ni Don Roman Lievere.
"Why? Why did you let them die? Bakit mo pinatay ang sarili mong asawa, mga anak, at asawa ng anak niyo!" Galit na galit na tanong ni Shaina. Hindi niya matanggap na ang kanyang Grandpa ang siyang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanila. Pakiramdam niya ay panagsakluban siya ng langit at lupa sa nangyari. May malaki bang dahilan kung bakit? Kung mero'n ano? Ano ang nagtulak sa kanyang gawin ang ganitong karumal-dumal na pagpatay?
May nagawa ba silang mali? May kasalanan bang malaki silang lahat? Ang kanyang Auntie Eliza Lievere at Uncle Danilo Lievere na anak ni Don Roman. Si Helena Lievere na asawa nito, at si Almina Lievere na asawa ng kanyang Ama. Lahat ito pinatay niya.
Wala siyang maisip na rason kung bakit ito ginawa ng kanyang Grandpa. Wala rin siyang kaide-ideya kung paano ito nabuhay pagkatapos niyang makita mismo ang labi nito. "Asawa? Anak?" Tumawa ng malakas si Roman kasabay ng lalong pagtutok ng baril kay Shaina. Tila baliw itong tumatawa at isang trigger lang, magwawala ito.
"Matagal ng patay ang anak at asawa ko," ngising sabi ni Roman. Mayamaya ay may tumutok ding baril sa ulo ni Roman walang iba kun'di si Fred.
"Rome! Sisiguraduhin kong mamamatay ka dito!" Galit na saad ni Fred kay Roman. Puno ng galit ang kanyang mata lalo na't ito ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mag-ina. Ipaghihiganti niya ang mga ito. Matagal niya ng hinahanap ang hayop na ito pero masyadong madulas. Hindi niya naisip na malapit lang pala ito sa kanya. Isa pa hindi niya alam ang apilyedo ni Roman. Ginagamit nito ang apilyedo ng Ina noong una silang nagkakilala. Hindi nito alam kung sino ang kanyang Ama.
"Alfredo, Alfredo, Alfredo, hindi ko alam na tanga ka pa rin pala hanggang ngayon," parang wala ring pakialam si Roman na may nakatutok na baril sa ulo niya. Ilang sandali lang ay ginamit niya ang paa para mabitawan ni Fred ang baril.
Ganoon din ang ginawa ni Fred kaya nag-form sila para sa physical fight. Si Shaina naman ay pinuntahan ang pwesto ng Ama saka kinuha ang dagger at itinuloy ang pagtanggal sa mga tali nito.
Tinanggal din ni Shaina ang busal nito. "Anak!" Niyakap ni Diego si Shaina pagkatapos matanggal ang lahat ng nakatali sa kanya. "Dad, you need to go out here!" Agad na sinabi ni Shaina kay Diego saka tiningnan sina Fred at Roman na naglalaban gamit ang kanilang mga kamay.
"Bakit ito ginagawa ni Dad? Saka nasaan si Mina? Si Mom?" Sunod-sunod na tanong ni Diego. Walang sinagot si Shaina lalo na't baka lumala pa ang kalagayan ng Ama. Isa pa hindi pa ito nada-diagnose ng doktor kung ayos na ba siya o hindi, galing ito sa operasyon lalo na't halos nasunog ang buong katawan nito.
Kinailangang ayusin ang itsura niya para hindi ito tuluyang ma-disfigured. "Dad. I'll explan everything to you after this, for now, please do what I said," matapang na sabi ni Shaina. Tumango ang Ama niya kaya kinuha ni Shaina ang kamay nito at inakbay sa balikat ni Shaina. Tumayo na sila saka dali-daling umalis sa lugar. Paglabas pa lang nila ay nakasalubong ni Shaina si Vin.
"Queen!" Paggalang nito. Binigay ni Shaina si Diego kay Vin saka sumenyas siya na ilayo itp sa lugar. Tumango naman si Vin saka umalis kasama si Diego.
--*--
Sumuntok sa panga si Roman pero nahawakan ni Fred ang kamay nito at sala pinalupot patalikod. Pilit na kumalawala si Roman pero hindi niya magawa. "Hayop ka! Dahil sa iyo nasira ang buhay ko! Pinatay mo ang mag-ina ko!" Galit na galit na sabi ni Fred kay Roman.
Inapakan ni Roman ang paa ni Fred kaya nakawala ito sa pagkakapalupot ng braso niya. Sinuntok niya si Fred at hindi iyon inaasahan ni Fred kaya tumama ito sa tiyan niya at napa-atras.
"Patas lang tayo Alfredo, pinatay mo rin ang mag-ina ko, naalala mo yung nasunog na hotel? Ikaw ang may kasalanan noon!" Galit na sabi ni Roman.
"Mali ka! Ikaw ang pumatay sa mag-ina mo at hindi ako. Naghahanap ka lang ng masisisi mo. Isa pa sino ba ang naglagay ng bomba sa hotel? Sino ba ang tangang hindi inalam na ang mag-ina niya ay nasa loob habang ginagawa mo ang paghihiganti mo sa taong iyon. 'Wag kang manisi ng sa ginawa mo!" Inis na sabi ni Fred. Palitan lang sila ng palitan ng suntok ng biglang isang tunog ng baril ang siyang umalingawngaw sa paligid.
Tinamaan si Roman sa kanyang tagiliran kasunod sa paa, kamay at sa balikat nito. Napatigil ang dalawa sa paglalaban. Tiningnan ni Roman kung sino ang bumaril sa kanya. Kita niya ang luha sa mga mata ni Shaina habang nakatutok ang baril dito.
"Bakit sa lahat ng tao, ikaw pa? Bakit Grandpa?" Umiiyak na sabi ni Shaina. "Akala niyo makakaligtas kayo dahil dito? Magsasama-sama tayo sa impyerno!" Ngising saad ni Roman nanghihina na ito lalo na sa mga natanggap na bala.
"Master! Umalis na kayo diyan, may nakita akong bomba sa paligid!" Nanlaki ang mata ng dalawa at mabilis na nagsikilos. Pero kahit ganoon ay dinala pa rin ni Shaina si Roman papaalis ng lugar. Nagulat na lang sila ng makarinig ng malakas na pagsabog. Kita nila ang malaking apoy na kumakalat sa paligid.
Nakakita ng bintana si Shaina at napangisi. "Master tumalon tayo doon," ngiting sabi ni Shaina. "Nababaliw ka na ba?" Umiling naman si Shaina walang nagawa si Fred at siya mismo ang nagbasag ng bintana. Sabay-sabay silang tumalon. Hawak ni Shaina si Roman at si Fred ay naka-alalay din kay Roman sa hindi malaman-lamang dahilan.
Pagkalabas nila ay sakto rin ang pagbuga ng apoy sa bintana. Nilabas ni Shaina sa likod ang isang tali saka ito itinapon sa itaas. Kaya ang resulta ay naglambitin sila sa lubin na ito. Saktong lumandin silang tatlo sa harap ng mga tauhan nila.
"Tinapon ni Shaina si Roman sa harap ni Vin. "Itali niyo siya. Ako mismo ang magtatanong sa kanya, 'wag niyong hahayaang makatakas, lagyan niyo ng first aid," dagdag ni Shaina. Pumasok na sila sa loob ng kotse at doob ay pinikit niya ang mga mata.
Pagod siya, hindi ang katawan kun'di ang puso at isipan niya. Ang daming tanong ang nasa isip niya ngayon at gusto niya itong masagot kaagad.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Fred na nasa gilid niya. "Why did he do that, Master?" Mahinang tanong ni Shaina. Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata niya. Niyakap na lang siya ni Fred para kumalma siya.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...