35: Accusation

2.8K 111 6
                                        

"Sorry, I'm late,"

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 35:Pambibintang

Isang buwan ang nakalipas ay hindi pa rin nakikita ang kanyang Ama. Nag-report sila sa police pero hindi sila umasa dito. Gumawa rin ng sariling team sila Shaina at Fred para mahanap pa ang katawan ni Diego. Patay o buhay. Masyadong mabagal para sa kanila ang mga pulis. Una sa lahat, maraming limitasyon ang mga ito dahil ginagawa nila sa legal na paraan ang lahat. Limitado ang pwedeng maghanap na tao. Higit sa lahat, limitado ang mga skills ar equipment na mero'n sila. Salamantalang ang Black Mafia na kinabibilangan nila Shaina at Fred ay mas malawak ang kakayahan at mas marami ang may potensyal na kakayahang makita ang kanilang hinahanap.

Sa loob din ng isang buwan na iyon ay dikit ng dikit sa kanya si Leonel. Nu'ng una ay nanghihingi lang ito ng patawad dahil sa mga inasal nito. Pero nang nagtagal ay gusto na siya nitong maging kaibigan na labis niyang kinaiinis. Siguro natatakot na siyang mapalapit ulit sa iba lalo na't lahat ng taong pinahahalagahan niya, nawawala sa kanya. Isa pa, dating may gusto ito kay Evonne, ang taong kinamumuhian niya sagad hanggang buto.

Dalawang beses na siyang nagbukas sa sarili para magkaroon ng kaibigan pero lagi naman itong palpak. 'Yung una, si Evonne na halos ibigay na niya ang lahat para dito pero trinaydor pa rin siya. Ang pangalawa at si Samara na iniwan siya sa ere pagkatapos niyang buksan ang puso para sa pagtanggap ng Friendship nila. At ngayon gusto rin ni Leonel na buksan niyang muli ang puso niya para sa pagkakaibigang ino-offer nito. Trauma na rin siguro sa pagkakaroon ng kaibigan. Mahirap ng magbigay ng tiwala sa panahon ngayon. Mabigat na sa puso niya ang mga nangyayari sa kanya nitong mga nakalipas na taon. Pakiramdam niya, para siyang kandila na unti-unting nauupos sa paglipas ng mga taon.

Hindi na kaya ng puso niya na mawalan muli ng mahalaga sa kanyang buhay. Tama na ang pamilya niya at kaibigan niya. Pagod na siyang masaktan. Akala niya, immune na siya sa mga ganitong emosyon pero hindi pa pala.

Mahina pa rin siya, para sa kanya wala pa rin siyang kwenta. Ngayong araw matatapos ang kanilang OJT. Kahit matatapos na ito, ang problema naman niya ay hindi matapos-tapos. Pagod na ang utak niya kahit may lakas pa ang katawan niya.

Hindi siya makapag-isip ng maayos lalo na't napakarami niynag iniisip ngayon.

Pumasok na siya sa EIC Office at doon niya nakita na naroon na si Leonel at Evonne. Inirapan siya ni Evonne pero siya dedma lang. Wala siyang panahon para makipaglaro sa babaeng iyon.

"Sorry, I'm late," halata sa boses ni Shaina ang pagod pati na sa galaw nito. "Ayos ka lang ba ms Lievere?" Tanong ni Eliza. Tumango naman si Shaina kahit hindi siya okay.

"Okay ang uunahin kong i-evaluate ay ikaw Ms. Fransisco. Sa inyong tatlo ikaw na ang may pinakamadaling trabaho pero ikaw pa ang may pinakamaraming errors at Complain. Madalas ka ring magreklamo kesyo masakit na ang kamay mo kesyo nagugutom ka na kesyo hindi mo kaya. Kailangan pa ng matinding supervision. Nasa harap mo na lahat-lahat ang kailangan mo at ang ilalagay mo sa computer nagkakamali ka pa," pagko-comment ni Eliza.

"Your behavior is also one of your problems. Magiging pranka ako sa iyo, masyadong makapal ang mukha mo lalo na sa privilege na nakukuha ng mga employee sa S Restaurant. Remember your first day? Nag-order ka kaagad ng mahal na pagkain. Always remember this, kapag mabago ka sa isang lugar, ikaw ang pinakamababa sa posisyon na mero'n sa Kumpanya. 'Wag kang feeling close kasi makakasama iyan sa magiging career mo," dagdag pa niya. Inirapan na lang siya ni Evonne at pinalagpas na lang ni Eliza.

"Ikaw naman Mr. Lura, you did a great job. Less supervision na lang ang kinailangan mo thru your training. Dagdag pa na kada araw ay bumibilis ka at nadadagdagan ang bilang ng natatapos mong package kaya good job ka," ngiting sabi ni Eliza. "Salamat po, Ma'am," ngiting sabi ni Leonel.

"Ikaw naman ang huli Ms. Lievere, usual, ikaw na naman ang araw-araw na nakakagawa ng trabaho mo sa isang araw. Mabilis kang gumawa pero kahit ganoon ay hindi nawawala ang quality ng bawat jackets na ginagawa mo. Hindi ka na kailangang bigyan ng supervision dahil gamay na gamay mo na ang field mo," ngiting sabi ni Eliza.

--*--

Natapos na ang Evaluation ng maayos at walang dawit na problema. Pumunta na siya sa motor niya ng makita ang isang brown envelope sa upuan ng kanyang motor. Napakunot ang noo niya dahil nakita niya mismo ang pangalan sa envelope kaya kinuha niya kaagad ito ay pumunta sa HQ at doon nag-stay.

Sa kwarto niya ay binuksan niya ang envelope. Nakita niya ang mga picture doon, may camera at may voice recorder pa. Lahat ito ay in-examine niya. Napa-iyak na lang siya ng makita ang mga ito. Mga litrato kitang-kita sa mga litrato na nakikipag-usap si Fred kay Arlando Fransisco, ang secretary ni Diego.

Ang mga Video ay ang pag-uusap ng plano ni Fred tungkol sa mga Lievere. Umiiyak siyang kinuha ang bar sa gilid saka nagmamadaling pumunta sa opisina ni Fred. Pagpasok pa lang niya ay tinutok kaagad ni Shaina ang baril kay Fred.

"A-anong ibig sabihin nito S?" Gulat na tanong ni Fred. Tinaas niya ang mga kamay para hindi ma-trigger si Shaina na barilin siya.

"Tinatanong mo pa iyan? Bakit hindi mo ipaliwanag ang sarili mo sa akin? Masyado akong nagtiwala sa iyo. Ang tanga ko para maniwala sa katulad mong manloloko Mr Alfredo Tanakashi!" Galit na saad ni Shaina kay Fred.

"Hindi kita maintindihan!" Paliwanag naman ni Fred. Nag-aalala siya para kay Shaina. Hindi biro ang nakikita niyang galit sa mga mata nito. Sigurado si Fred na may nangyaring hindi niya inaasahan.

"'Wag ka ng magkunwaring wala kang alam Mr. Tanakashi! Buko na kita, ipakita mo na ang tunay mong kulay," tumawa na parang baliw si Shaina dahil 'di niya kinakaya ang mga nangyayari sa kanya. Ang hinala ni Fred ay ti-nake advantage ng kalaban nito ang kalagayan ni Shaina para ibintang sa kanya ang kasalanan ng mga ito.

Isa pa wala sa matinong pag-iisip si Shaina kaya ginawa nila ang planong ito. "Kaya pala gusto mo akong maging tauhan mo para hindi kita paghinalaan. Kaya pala mabilis lang namatay ang pamilya ko, kaya pala mabilis na nakuha si Daddy, kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya nakikita. Plinano mo ang lahat ng ito!" Kitang-kita ni Fred ang sakit sa mata ni Shaina. Nanginginig ang kamay nito tanda na ayaw niya ang tutukan ng baril Fred.

Walang pamilya si Fred dahil matagal ng patay ang kanyang asawa at anak 30 taon na ang nakakalipas. Tinuring niyang parang anak si Shaina lalo na't ng una niya itong nakita ay pakiramdam niya kailan niya itong protektahan.

Pinangako ni Fred na hindi niha palalagpasin ang ginawa na ito ng kanilang mga kalaban.

--*--

Tomorrow mag-uupdate ako ng dalawa dito. Malapit ng ma-revealed ang kalaban. Clearly not Fred. Sinipag ako dahil kay jlovepurple nag-enjoy akong kausap ka sa Messenger haha.

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon