34: Weak

2.9K 128 21
                                    

"Shaina! I'm sorry if I disturb you right now. Pero nawawala ang Papa mo!"

Alfred Tanakashi

Kabanata 34: Mahina

Hindi makapaniwala si Shaina sa nakikita. Nang ginawa niya ang librong Wrifia ang chapter 1-10 ay mismong mga naranasan niya, ang mga sumunod sa chapter na iyon ay galing na lang sa imahinasyon niya. Pero nang binasa niya ang sumunod na kabanata sa sampu ay iyon rin ang eksaktong nangyari sa kanya.

Inubos niya ang oras sa pagbabasa sa libro ng Wrifia. Madaming nagbago sa plot ng sinulat niya. Ang ang nakakapagtaka, ang mga edited na part ay katulad ng mga nangyayari sa kanya. Pero hindi pa nagbabago ang huling parte nito. Katulad pa rin ng sinulat niya.

Sumasakit ang ulo niya habang iniisip kung paano nangyari iyon. Wala namang nagrereklamo na nagbago ang plot ng Wrifia. Isa sa mga naiisip niyang dahilan ay ang nangyari rin kay Samara.

Completely Erase ang Existence ni Samara sa lugar. Walang maka-alala dito at para bang hindi siya nanggaling dito. Siya lang ang tanging nakaka-alala sa kanya.

Tinabi niya muna ang mga gamit na nire-review niya saka kinuha ang Phone at nag-scroll sa FB. Pagkabukas niya pa lang ng Wifi ay sunod-sunod na ang tunog ng Phone niya. Hindi naman niya kasi madalas gamitin ang Phone niya.

Binuksan niya ang Page ng Heartfield dahil halos doon galing ang mga messages na tumutunog sa Phone niya.

Nag-pose siya ng Status sa Page nito.

Heartfield Publishing House
3 Mins

I'm losing my inspiration. I need some for me to continue. Make some message for me. If anyone touches my heart, she/he will be my Main Character in the book that I'll Write.

-Sinister Scribe

👍😍😁Diana Mendez and 3k other
👍10k Like.     💬2.5k Comments     ↘2k Share

Diana Mendez Is This Real?
5 Like Reply

Shawn Mashuwi Woah! Its the first time that SS post some message here
9 Like Reply

Fiona Montero Baka Fake News ito
20Like 1 Reply
              Sammy Demeter Walang mawawala kung susubukan
             Like Reply

Ilan lang iyan sa mga naging message. May mga nagsasabing fake news pero naghanap pa rin siya ng inspirational na Message. Gulong-gulo ang utak niya ngayon at kailangan niya talaga ng pahinga. Pakiramdam niya nasisiraan na siya ng ulo.

Heartfield Publishing House
Just Now

There's always a thing that can't be explain using Science.

Sinister Scribe

👍😍😁Julie Valdoz and 1k
👍10k Like.     💬2k Comments     ↘1.72k Share

Hindi na niya binasa pa ang mga comment sa pinaka-latest post niya. Nagbasa na lang siya ng messages. Napabuntong siya ng hininga dahil walang kahit sino ang nakapagpabalik sa gana niyang gumawa ng mga bagay-bagay.

Epekto na rin siguro ng nangyari sa kanya at kay Samara. Magkikita pa kaya ulit sila?

Naalala niya 'yung sinabi ni Samara. Isa pala siyang prinsesa. Dahil dito, mas lalong nawalan ng pag-asa si Shaina na makikita muli ang kaibigan. Isa siyang prinsesa sa ibang mundo. Samantalan siya, isa lamang siyang ordinaryong tao na naging mapalad para maayos ang kanyang buhay. Sadly, she still cannot change the future. Her Aunty and Uncle still die, her Mother, Grandma, and Grandpa follows them. Her Father is still in between of life and death.

Para saan pa ang pagkakataon na mero'n siya kung hindi niya rin naligtas ang mga taong mahahalaga sa kanya? Ngayon naman pati ang una niyang naging totoong kaibigan, kinuha rin sa kanya. Tama nga sila, may mga bagay na hindi permanente sa mundo.

Hindi lahat ng bagay, aayon sa kagustuhan mo. Hindi lang ng gusto mo, makukuha mo. Kailangan mong tanggapin ang lahat at ipagdasal na maging maayos ang lahat.

Marami na siyang binago sa kanyang nakaraan, kaya hindi niya na alam kung ano ang kanyang magiging kinabukasan. Kailangan niya na lang makuha ang hustisya na nararapat para sa kanyang pamilya.

--*--

"Wala ka atang gana ngayon Shai-Shai?" Takang tanong ni Lorenz. "Nothing!" Tamad na tamad talaga siya ngayong araw. Para siyang robot kung gumalaw ngayon. Pakiramdam niya kasi, lahat na lang nawala ulit sa kaya.

Ang Ama niya ay hindi pa rin nagigising. Ang pamilya niya ay namatay dahil sa kanya. Ang nag-iisang taong tumuring sa kanya bilang kaibigan ay nasa ibang planeta na. Pakiramdam niya tuloy. Baliwala ang limang taon niyang Training kay Fred.

"Shai-Shai sa tingin ko, kaylangan mo munang magpahinga," nag-aalalang saad ni Lorenz.

Sasagutin sana ni Shaina si Lorenz ng biglang tumunog ang Phone niya. Mabilis niya itong sinagot dahil si Fred ang tumawag.

"Shaina! I'm sorry if I disturb you right now. Pero nawawala ang Papa mo!" Nanlaki ang mga mata ni Shaina dahil hindi niya inakala ang balita na hinatid ni Fred.

Binaba kaagad ni Shaina ang tawag. "Senior Lorenz please tell to our superior that I have an Emergency. Babawi ako bukas!" Dinampot ni Shaina ang bag saka dali-daling umalis ng building. Ginamit ni Shaina ang kanyang motor at pinuntahan ang ospital kung saan naka-confine si Diego.

Umiiyak na siya habang nagda-drive at 'di niya alam kung paano siya nakarating ng ligtas sa hospital na iyon. Sinalubong siya ni Vin sa harap ng hospital at dinala siya nito sa CCTV camera.

"Mabuti at nandito ka na, panoorin mo ito," salubong sa kanya ni Fred. Sa CCTV nakita niya ang mga lalaking nagpanggap na doktor. Pumunta ito sa hospital room nito. Pinatulog nila ang mga guard sa harap saka pumasok.

Paglabas ang mga ito ay may dala na silang stretcher na may kasamang dalawang monitor. Sa senariong iyon ay walang balak na patayin si Diego ng mga kumuha sa kanya.

Hinampas ni Shaina ang monitor sa sobrang galit. "Malaman ko lang kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito, pipira-pirasuhin ko siya ng buhay," galit na saad ni Shaina.

"Ma'am yung monitor po!" Nanginginig na saad ng operator. Natatakot siya dahil alam niyang delikado ang mga nasa paligid niya. "Nabura na siya kanina dahil may nag-hack ng system ng ospital. Magaling ang gumawa nito dahil hindi namin ma-locate ang IP Address ng Computer na ginamit," pagpapa-alam ni Fred kay Shaina.

Pero mayamaya ay napa-upo na lang sa sahig si Shaina at napa-iyak.

--*--

"Nakuha mo na ba ang impormasyong pinapahanap ko?" Hinawakan niya ang tasa ng kape saka ito dahan-dahang ininom. "Opo, isang kasapi Black Mafia. Siya ang Leader nito ngayon. Nilipat sa kanya ng Master nila ang trono sa kanya," sagot ng isang lalaking kakapasok lang.

Binato niya ang tasa kahit may laman pa ito kaya mabilis na nagkalat ang kape sa sahig kasama ang mga bubog nito. "Kaya pala nakaya niyang patayin ng ganon-ganon lang ang mga tauhan ko. Hindi ko inakalang magiging kasapi siya ng Mafiang iyon!" Galit na saad nito sa kausap. Nanginig naman sa takot ang lalaking nag-report ng pinapahanap nito sa kanya.

"Pero may alam ka na kung bakit binitawan niya si Evonne at hindi pinagkatiwalaan si Drake?" Nanginginig namang humindi ang lalaki kaya ang resulta ay nasuntok siya nito sa mukha.

"Eh ang Ama niya? Nakuha niyo ba?" Malamig na saad nito. Tumango ang lalaki dahil sa takot niya sa kanyang Boss.

Napayukom ng kamao ang taong ito. Hindi siya papayag na ang isang labing limang taong gulang na babae lang ang sisira ng lahat ng pinaghirapan niya. Akala niya biro lang ang nakuha niyang impormasyon. Mukhang nagpabaya siya.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon