29: Bonding

3.1K 124 13
                                    

"Thank you for being my friend,"

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 29: Bonding

"Nagulat ka ba kung bakit mo iyan nakita?" Isang malalim na boses ang siyang narinig sa kadilimang bumalot sa kanya. "Isa kang pinagpalang babae Samara. Pero masasabi kong hindi ka taga-dito sa mundong ito," saad muli ng isang boses na narinig niya. Nagdo-doble ito kaya hindi niya malaman kung babae o lalaki. May boses na lalaki, may boses din ng babae. Kumunot ang noo niya dahil sa hindi malaman-lamang dahilan. Sino naman ang nagsasalita?

Nagtaka naman si Samara dahil sa nangyari. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang lahat ng ito.

"Isa kang anak ng Hari sa Planetang Haima, hindi ka nabibilang sa lugar na ito Samara, hindi ka taga-Earth," nangunot naman si Samara dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari. Haima? Galaxian President? Naguguluhan na siya at hindi alam ang gagawin. Ang ibig sabihin ba nito, pinaniwalaan niya ang mga bagay na hindi naman totoo? Kung ganoon sino nga ba siya? Kung hindi siya taga-Earth, ang ibig sabihin ba nito, isa siyang Alien?

"Samara Rain Kie Pemscoth, kailangan mong bumalik sa totoo mong mundo. Kailangan momg baguhin ang tadhana ng bawat taong nasasakupan mo," paulit-ulit na sinasabi ito ng malalim na boses. Nang bigla siyang napagising na pawis na pawis. Hinabol niya ang hininga niya. Paulit-ulit siyang huminga ng malalalim na inhaling at exhaling. Hindi niya alam kung bakit siya nanaginip ng gano'n. Pangitain ba 'yun? O baka gawa-gawa lang ng kanyang imahinasyon? Masyado ba siyang nagbabasa ng libro?

"Ayos ka lang?" Tanong kaagad ni Shaina na nasa gilid niya. "Shaina... A-anong nangyari?" Tanong ni Samara. "Nadulas ka at nahimatay," baliwalang saad ni Shaina. Kinapa naman ni Samara ang noo niya at naramdamang may benda ito.

"Shaina, tungkol nga pala sa sinabi mo kanina," nagdadalawang-isip siyang itanong ang nasa isip dahil baka mapahiya siya pero nilakasan niya ang loob para matanong ng maayos si Shaina.

"Ikaw ba si SinisterScribe?" Mahina niyang tanong. Tinitigan naman siya ni Shaina na parang sinusukat niya ang pagkatao ni Samara. Medyo naiilang sa uri ng pagtingin ni Shaina si Samara sa kanya. "Ako nga," malamig na sagot ni Shaina.

Nanlaki naman ang mata ni Samara. Hindi niya inakalang napakabata pa ni SS. "Alam ko ang nasa isip mo, na masyado pa akong bata para sa mga ganoon ka-mature na pagsusulat. I'm already 30 kung natuloy lang ang dati kong buhay," dagdag pa ni Shaina.

"Bakit mo ba sinabi sa akin na nabuhay ka ulit?" Tanong ni Samara. Bumuntong ng hininga si Shaina dahil sa sinabi ni Samara. Bakit pakiramdam niya, may kuneksyon sila ni Shaina? Higit pa sa pagkakaibigan, higit pa sa kapamilya, higit pa sa kung ano pa man. Isang malakas na kuneksyon kahit tanggihan niya, kukunekta pa rin ito sa isa't isa.

"Honestly, I really don't know. I just feels that you can understand me, but I'm wrong," mahina ring saad ni Shaina. "Yung unang eksena ng Wrifia, sabi mo nangyari iyon sa iyo," dagdag ni Samara.

"I don't particularly said that. I just told you that half of that story was true. But, you're right, it happens to me," saad ni Shaina. "How did you know?" Tanong naman ni Shaina.

"Maniniwala ka ba kung sabihin kong, nasaksihan ko kanina lang ang lahat? Hindi ko alam pero, nakakatakot ang nangyari iyon sa iyo. Wala akong magawa dahil tumatagos lang ang kamay ko. Nakita ko Shaina, nakita ko kung paano ka saksakin ng lalaki at putulan ng dila. Nakita ko kung paano mo sinaksak ang dalawa para hindi sila makaligtas," malungkot na sabi ni Samara. Niyakap niya si Shaina ng napakahigpit.

"Shaina, nandito lang ako para sa iyo, kaibigan kita st pagkakatiwalan ko ang lahat ng sasabihin mo simula ngayon," ngiting sabi ni Samara.

Sa unang pagkakataon, nginitian ni Shaina si Samara at niyakap ito pabalik. "Thank you for being my friend," sinseryong saad ni Shaina. Napangiti naman si Samara sa sinabi ni Shaina. Hindi niya inakala na ang kanyang iniidolo ay kaibigan niya pala.

At ngayon, tinuturing na talaga siya nitong kaibigan. Ang swerte niya na isa siya sa naging kaibigan ng isang dakilang si SS. "Kailan nga pala tayo magsisimula sa OJT?" Tanong ni Samara. Ngumiti naman si Shaina bilang sagot.

"Maybe tomorrow, I just want to rest for now and compose myself like before," saad ni Shaina. Tumango naman at ngumiti si Samara sa sinabi ni Shaina. Masaya siyang lumabas mg kwarto nito kahit na masakit ang kanyang ulo niya dahil sa pagkakabagok kanina.

--*--

Maagang nagising si Samara para maghanda ng biglang may pumasok na Vision sa kanyang isip. Dito ay nakita niya ang sarili na nilalamon ng isang kulay Green na parang portal.

Pagkatapos ng Vision na iyon ay nahilo siya at sumakit ang ulo. Pero kaagad ding siyang nakabawi. Nagtataka siya kung bakit nakita niya ang Vision na katulad noon. Hindi kaya may kinalaman ito sa pagkabagok niya kahapon? Sinawalang bahala niya na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay ni Shaina.

Pagkapunta niya doon ay nakita niya si Shaina na nakasakay sa isang Ducati na motor. Binato nito ang helmet sa kanya st mabilis niyang nasalo ito at mabilis na sinuot.

Umangkas siya sa likod ni Shaina ay humawak ng mahigpit sa bewang nito. "First time mo?" Tumango naman si Samara bilang sagot. Isang Vision na naman ang biglang pumasok sa isipan ni Samara. Isa itong aksidente sa kalsada. Nakita niya rin ang sarili na nasa likod ni Shaina ng biglang may bus at jeep na nagsalpukan. Nadamay ang motor nila kahit na mabilis na umiwas si Shaina sa aksidenteng ito.

Doon na bumalik sa dati ang lahat at nakita niyang na-ulit ang kanyang Vision. "Shaina pwedeng lumipat ka sa dulong lane?" Request ni Samara. Kumunot ng kaunti ang noo ni Shaina pero sumunod pa rin siya.

Habang umaandar ang motor ni Shaina, nagsalpukan nga ang bus at jeep kaya napatigil si Shaina sa pagmamaneho. "What was that?" Inis na sabi ni Shaina. Nanlaki ang mata ni Shaina ng makitang umaagos ang gas ng jeep.

Mabilis na pinaandar ni Shaina ang Motor at nag-over take na sa mga sasakyang nasa unahan. Bigla na lang sumabog ang jeep kaya mas nagkagulo ang lahat ng nasa paligid.

Abot-abot ang kaba na naramdaman ni Samara ng mga oras na iyon. "How did you know about it?" Takang tanong ni Shaina. "Hindi ko alam Shaina, natatakot ako," halata nga sa panginginig ni Samara na natatakot siya.

Mabilis na pinaandar ni Shaima ang motor para manulis silang makarating sa Heart Field Publishing house. Inalalayan niya si Samara na ngayon ay nangingig pa rin sa takot.

"Pwedeng paabot ng tubig diyan?" Sigaw ni Shaina pagpasok pa lang sa loob ng publishing house. Nataranta naman ang mga gwardiya sa pagkuha ng tubig. Mabilis nila itong inabot kay Shaina at si Shaina naman ay pinainom ito kay Samara. Hinayaan muna ito ni Shaina na makapagpahinga.

Iniisip ngayon ni Shaina, may mga bagay pa siyang hindi alam sa kanyang mundong ginagalawan niya. Una sa lahat, ang rebirth na nangyari sa kanya. Ngayon, si Samara na nagkakaroon ng Visions.

Hindi siya naniniwala sa Fantasy kahit nu'ng bata pa siya. Namulat siya ng maaga sa katotohanan at reyalidad kaya para sa kanya, likha lang ng malikot na isip ng tao ang Fantasy World. Pero...

Mukhang mali ata siya.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon