"Sana, magkaroon ako ng pagkakataong makilala siya,"
-Samara Rain Kie
Kabanata 12: Tagahanga
Naglalakad sa isang bookstore sila Leonel at Samara. Nasa Novel Section sila na naghahanap ng mabibiling bagong libro. Isang tagahanga ni SinisterScribe si Samara at nagpapasama siya sa pinsang si Leonel.
Walang interest sa libro si Leonel pero dahil parang kapatid na ang turing niya rito ay wala siyang magawa kung 'di ang sumama rito para bumili ng libro. Para sa kanya, magandang ihemplo si SinisterScribe o mas kilala bilang SS. Marami kasing kabataan ang namulat niya sa katotohanan.
Nabasawan ang mga kabataang gumagamit ng teknolohiya, kasama na roon ang pinsan niya. Dating adik sa gadgets si Samara. Kada buwan nagpapalit ito ng phone kada 2 month sa tablet at 6 months sa laptop. ‘yong mga luma nakatabak lang sa isang box at hindi na ginagamit. Lahat iyon gumana pa kaya nanghihinayang talaga siya. Pero nang naging fan ito ni SinisterScribe, pinamigay niya ito sa mga nangangailangan na siyang kinatuwa ni Leonel.
Minsan naman babasagin na lang nito ang cellphone kapag ayaw na niya. Nagbago unti-unti ang dalaga pagkatapos nitong mabasa ang nobela ni SS na Love Is Really Blind.
Isang itong kuwento ng babaeng mahilig din sa mga gadget na halos hindi na kumakain at laging puyat. Sa kalagitnaan ng kuwento, nabulag ang babae kaya nagsisi ito sa kanyang pag-abuso sa kanyang mata. Dahil dito, na-realize niya ang kahalagahan ng kanyang mata at ng perang nagastos niya. Maraming struggles pa ang hinarap ng bida bago nito narating dulo. At para kay Samara, ito ang favorite niyang kwento kasunod ng Wrifia na unang naging kwento ng kanyang Idol.
Sa huli ay nagpatayo ng isang school para sa mga may disability ang bida kasama ang kanyang minamahal. Nabasa niya ito dahil na-curious siya sa baging pagbabago ng pinsan.
Bawat salita, bawat letra, ultimo maliit na detalye madadala ka. Malakas ang emosyong nakapaloob sa kuwento. Kayang-kaya mong ma-imagine ang bawat scene na para bang nanonood ka ng sine. Isa sa pinakasikat na author sa buong Pilipinas si SS. Kaso sa loob ng limang taon nitong pagbibigay ng magandang kwento, walang nakaka-alam kung sino ito.
Isang author na walang specialty na genre. Lahat kaya niyang sulatin at kaya niyang gawing makatotohanan. Ultimo edad nito ay walang nakaka-alam.
Maraming hula na si SS daw ay 30+ na dahil na rin sa paraan ng pagsusulat nito.
"Kuya Leonel Andrei Lura! Di ka naman nakikinig eh," maktol ni Samara. Napatawa naman si Leonel dahil binanggit na naman niya ang buong pangalan nito.
"Oo na titigil na ako Ms. Samara Rain Kei," ngising sabi nito Napanguso naman si Samara kaya hinila ni Leonel ang nguso nito.
"Wag kang ngumuso, mukha kang pato!" asar na sabi Leonel.
"Hmp!" inis na sabi ni Samara.
"Ano ba ‘yong sinabi mo?" tanong ni Leonel.
"Ang sabi ko nakita ko na ‘yong na-release na libro ni Ms. SS ngayong buwan," sagot ni Samara.
"Okay! Bayaran na nating iyan," ngiting sabi ni Leonel. Kada buwan ay may isang novel na pina-publish ang Publishing Company na may hawak kay SS. Wala itong palya simula ng unang malabas ang pinakasikat nitong akda na Wrifia. Apat na taon na ang lumipas ng mailabas ito pero hanggang ngayon, nangunguna pa rin ito sa listahan ng pinakasikat na novel sa buong bansa.
Mayroon itong 5 translated version na mismong si SS ang gumawa. Ito ang English, Korean, Japanese, Russian, at French Version. Hindi lang sa Pilipinas kilala ang Wrifia kung'di pati sa ibang bansa kaya kinikilala talaga si SS bilang pride ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...