17: Ally

3.7K 190 3
                                    

"Sorry to say, but for me, an enemy is an enemy. Only corpse can keep secrets,"

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 17: kakampi

Malapit na sa kanilang bahay si Shaina gamit lamang ang motor na ginamit papunta sa kanyang Grandpa. Alas-onse na ng gabi kaya tahimik na ang paligid lalo na't isa itong subdibisyon.

Pero agad na natigil ang kanyang pagmamaneho ng may makita siyang grupo ng mga kalalakihan na tumalon papunta sa loob ng isang bahay.

Napakunot ang noo niya ng makita ang simbolo na nasa likod ng jacket ng lahat ng miyembro ng mga lalaki. Biglang sumagi sa isip niya ang tattoo ni Drake sa dibdib nito. Madalas niyang makita na naka-topless lang si Drake bago sila ikasal kaya madalas niyang makita ang itsura nito.

Kinuha niya ang phone saka tumawag sa kanyang kanang kamay. "Prepare some Ambulance Car, track me and bring it here. I'll just clean some trash," malamig na utos niya sa kanyang tauhan.

Ipinarada niya ang motor malapit sa gilid ng bahay na pinasok ng mga lalaki. Agad siyang tumalon ng walang kahirap-hirap sa bakod nito saka dahan-dahang lumapit sa bahay. Pagkalanding sa loob ay inayos niya agad ang banda sa kanyang mukha.

"Ano bang kailangan niyo? Nakuha niyo na ang mga mahahalagang gamit at kayamanan namin kahapon. Bakit niyo pa sasaktan ang pamilya ko?" galit na sabi ng isang lalaki.

"Pasensyahan tayo, sagabal kayo sa boss namin kaya dapat lang kayong patahimikin," saad ng lalaki. Narinig niya na sumigaw ang mga tao sa loob hudyat na may nangyayaring kagulugan doon.

Nanlaki ang mata niya ng ma-recognize ang boses ng isa sa mga nasa loob, si Samara, ang babaeng makulit na gusto siyang maging kaibigan.

Hindi siya nagdalawang isip na tadyakan ang pinto ng bahay pero sadyang huli na siya dahil sa harap niya mismo, nakita niya kung paamo binaril ng lalaki ang babaeng yakap ni Samara.

"M-mom... D-dad... Huwag niyo akong iwan," umiiyak na ginigising ni Samara ang mga magulang. May mga talsik ng dugo sa pisngi ni Samara at nanginginig pa rin ito dahil sa nasaksihang pagpatay  sa kanyang Ina't Ama. Naalala ni Shaina mga panahong namatay ang kanyang magulang. Parehong-pareho siya nu'ng panahon na iyon. Galit, inis at pagkasuklam. Lalo na ng nalaman niyang pakana pala ito ng kanyang itinuring na kaibigan, kaya agad siyang kumilos sa kinatatayuan.

Kinuha niya ang kutsilyong pinantutok niya kanina sa grandpa niya kanina. Ito ang ginamit niya para malaslas ang leeg ng lalaking bumaril sa mag-asawa.

"Hide!" malamig na saad niya kay Samara. Dahil sa takot ay mabilis itong nagtago pero kita niya pa rin ang nangyayari.

May sumugod na isa pa sa kasamahan ng lalaking pinatay niya pero mabilis na umikot ang kanyang paa at tinamaan ang panga nito. Nakita niyang na-dislocate ang panga nito sa sobrang lakas ng impact.

May isa pang babaril sana sa kanya pero mabilis naman niyang hinablot ang lalaking sinipa at ito ang ginawa niyang shield. Nilaslas niyang muli ang leeg nito saka tinapon sa gilid.

Siya naman ang sumugod. Tumabling siya ng tatlong beses sa mabilis na paraan kasabay ng pagdampot niya sa baril na ginamit kanina ng lalaki sa pagpatay sa magulang ni Samara. Habang nasa ere ay pinapaputok niya ito ng dalawang beses at tumama ito sa ulo ng dalawa pa sa kalaban.

Nagpaputok ng sunod-sunod ang isa pa kaya agad siyang nagtago sa gilid ng isang poste. Walang tingin niyang pinaputok ang baril na hawak at sumakto ito sa leeg ng kalaban. "Only three," bilang niya. Tiningnan niya ang bala ng baril sa magasin ng makita niyang dalawang bala na lang ito.

Lumabas siya sa pinagtataguan saka binaril ang dalawa sa ulo at saka niya binato ang kutsilyong hawak niya na puno ng dugo sa binti nito. Agad niyang tinapon ang baril at damampot muli ng isa pang baril. Lumapit siya dito at saka ngumisi. "Kanino ka nagta-trabaho?" malamig niyang tanong.

"Ka-kahit papatayin mo ako, hindi ako magsasalita," utal na sabi ng lalaki.

"Okay then, let me rephrase my question, what is your groups name?" mas malamig na saad niya. "I might consider you to lived not like your comrades," dagdag pa niyang muli.

"Ra-Raven Mafia," sagot ng kalaban.

Ngumisi si Shaina at binaril ang noo nito. "Sorry to say, but for me, an enemy is an enemy. Only corpse can keep secrets," ngising saad niya. Walang alinlangan niya itong pinatay sa harapan ni Samara. Namutla pa ang dalaga pagkatapos masaksihan ang mga ginawa ni Shaina. Ang bago niyang kaklase, nakayang pumatay ng ganu'n-ganu'n lang? Siya na ba ang papatayin niya sa susunod? Mas lalong natakot si Samara para sa sarili. Ito na ata ang huli niyang araw.

Hindi man lang siya nakapagpaalam sa pinsan niya. Biglang nag-flashback ang lahat sa kanya mula pagkabata. Pati ang panghihinayang niyang hindi pagkakita sa mukha ng kanyang Idol.

Sana magkaroon pa siya ng pagkakataon o kahit kaunting oras lang. Masyado pa siyang bata para mamatay. Ayaw niyang mamamatay ngayon sa harap ng bangkay ng kanyang magulang.

Napuno na naman ng dugo ang suit niya na siyang kinaiinis niya. Agad niyang hinanap gamit ang night vision contact lens niya si Samara at pinuntahan ang pinagtataguan nito. Kitang-kita niya ang panginginig nito dahil sa mga nasaksihan.

Mabilis na tinanggal niya ang banda sa kanyang mukha saka mas lumapit kay Samara. "You are already Safe," saad niya.

"Sha-Shaina..." nanginginig na sabi nito saka yumakap sa kanya. Nagsimula na siyang umiyak pagkatapos. "Pinatay nila ang magulang ko, wala silang awa! Binigay na namin sa kanila ang lahat pero pinatay pa rin nila sina Mom at Dad. Ang sama nila," utal-utal na saad niya. Sinisinok na rin siya dahil na rin sa matagal na pagkakaiyak.

"Such a cry baby!" saad naman niya. Hinagod niya ang likod nito para medyo kumalma.

"Shaina..." tawag muli ni Samara. "Please teach me how to be strong like you," mahinang saad ulit nito. "Ipaghihiganti ko sina Mom at Dad."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka pinunasan ang luha. "Gamitin mo ako bilang instrumento mo sa kahit ano. Basta maging malakas ako at maiganti ko ang magulang ko," determinadong saad nito sa kanya.

"Well, we only have the same enemy so I'll accept that. But, you need to do all the things that I want you to do," mahinahong saad niya. Tumango ng paulit-ulit si Samara bilang pagsang-ayon.

Umusbong ang galit sa katauhan ni Samara pagkatapos niyang masaksihan ang nangyari kanina. Ilang sandali pa ay may bumusina sa harap ng bahay nito. Agad naman siyang tumayo at siya na mismo ang nagbukas nang malaking gate. Biglang may pumasok na anim na malalaking ambulansya sa loob at lumabas ang ilang kalalakihan doon.

"Kunin niyo ang dalawang matanda sa loob. Tingnan niyo kung kaya niyo pang i-revive samantala ‘yong ibang bangkay ay i-dispose niyo agad sa cremation ng mafia. Siguraduhin niyong walang bangkay na paglalamayan ang pamilya nila," malamig na sambit niya sa mga dumating nag-bow naman ang mga ito at nagsialis.

"Would you like to come with me?" tanong naman niya kay Samara. Tumango ito at sumunod sa kanya. Binigyan niya ito ng helmet saka sumakay na sa kanyang motor.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon