"I may haven't all of this but it's all useless. I don't feel any happiness"
Shaina Deshna Leivere
Kabanata 10: Sinister Scribe
4 Years Later…
"May bago na namang librong labas si SS."
"Waaahh! Bibili ako n'an. Kahit mahal. Kailangan kong makompleto ang books niya."
"Tama ka bes. Naku mag-iipon na ako."
Ilan lamang iyan sa naririnig ng babae sa isang swing. Tulala itong nakatingin sa langit na makulimlim. Parang wala itong pakialam kung uulan ba o hindi. Sa ganitong panahon, dapat nagsasaya siya. Kakalabas langng bago niyang libro kani-kanina lang. Tinutukan niya itong mabuti at wala namang naging problema.
Inugoy niya nang kaunti ang swing gamit ang kanyang mga paa. Ilang sandali pa ay tiningnan niya ang buong paligid. Kahit makulimlim ang langit ay marami pa ring mga bata ang naglalaro, naghahabulan, at kung minsan pa ay nagkukwentuhan. Mayroon ding mga dalaga't binata na nasa paligid naka-upo, kumakain, nagse-cellphone.
Lahat ay masaya sa paligid niya maliban sa kanya na walang emosyon ang mukha. Napabuntong muli siya ng hininga na kanina niya pa paulit-ulit na ginagawa. Naalala niya ang kanyang pamilya. Kamusta na kaya sila? Wala siyang kuneksyon sa mga ito pero alam niyang maayos lang ito.
Ilang sandali pa ay unti-unti ng pumatak ang ulan hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang mga ito. Nagsitakbuhan ang lahat maliban sa kanya na tumingala ulit at dinama ang bawat patak nito.
Hindi na niya namalayan ang oras hanggang sa tumunog ang kanyang phone na basang-basa na rin. Nakalagay ito sa isang resealable na plastik kaya hindi siya nag-aalala mabasa ito. Kanina niya pa alam na uulan pero isinawalang bahala niya ito basta nakaayos na ang phone niya.
Maraming mahahalagang dokumento ang cellphone niya. May back up man, marami pa ring kapaki-pakinabang dito lalo na't costumize ang cellphone niya nq siya mismo ang nagkumpuni.
"What?" malamig niyang bati sa caller.
"Qu-queen..." Malalim na salita ng isang lalaki sa kabilang linya. Tila ba nanghihina na ito sa boses pa lamang. Doon pa lang, alam na ni Shaina na may nangyaring masama.
Agad niyang pinatay ang tawag at tumakbo sa motor na gamit niya nang pumunta siya rito at saka pinaharurot ng mabilis.
Wala itong pakialam kahit madulas ang daanan dahil sa mga tubig na galing sa ulan. Patuloy lamang nitong pinapaandar nang mabilis ang kanyang motor. Isa siyang skilled rider kaya hindi na ito kataka-taka.
Ilang sandali pa ay narating na niya ang kanyang destinasyon. Isa itong patay na gubat sa bukana malapit sa Pampanga. Pero may itinatagong ganda sa likod ng kapangitan nito. Mayroon doong talon na may napakalinis na tubig. Halos kita mo na ang ilalim sa sobrang linaw. Ngunit dahil malakas ang ulan ay malakas din ang agos ng tubig mula sa talong
Isa itong Private Property na pagmamay-ari mismo ni Shaina. Walang pakialam na pinarada ang motor sa gilid. Nakita niya na natumba na lang ang motor pero hindi na siya nag-abala pa para itayo iyon. Masira man ito, marami pa naman siyang motor. Mas mahalaga ang buhay ng mga tauhan niya. Maaari itong paltan pero ang buhay ng tao, hindi.
Patakbo siyang umakyat siya sa batong hagdan sa gilid ng talon at pumasok sa gilid noon. May pinindot siyang bato at kasabay noon ay ang pagbukas ng isang bahagi ng bato. Agad siyang pumasok at nakita doon ang isang lalaking duguan.
"Pa-patawad Queen, bi-inigo ko kayo. A-ko na lang ang na-tirang buhay sa gru-pong pina-dala niyo. Na-ambush po kami, pata-wad Queen, pata-wad," nanghihinang sambit nang kanyang tauhan. Ito na ang huli niyang salita bago pa ito malagutan ng hininga. Napuno ng galit ang puso ni Shaina, sisiguraduhin niyang magsisisi silang kinalaban nila si Shaina.
Napayukom na lang siya ng kamay at nanlilisik ang kanyang mga mata.
'Nalagasan na naman ako ng tauhan,' inis na sabi niya sa sarili. Tiningnan niya ang pulso ng tauhan at nalamang hindi na ito tumitibok. Tumawag siya ng tauhan niya para mabigyan ng magandang libing ang namatay niyang tauhan.
'They will pay for this,' piping sambit niya sa sarili.
Nang dahil sa aksidente ay agad silang sinugod sa ospital. Halos hindi na rin magkandamayaw ang mga doktor nang makita na ang may-ari ng hospital ang isa sa mga isinugod. Agad nilang tinawagan ang mga magulang ng kanilang boss.
Napabuntong-hininga na lamang siya at tinitigan ang isang linyang na nasa pinakadulo ng kanyang sinulat. Hindi siya makapag-focus sa nobelang sinusulat niya dahil sa nangyari kanina.
Inikot niya ang swivel chair patalikod at pinagmasdan ang kanyang paligid.
Napakalinis ng lugar at naka-ayos ang mga libro na nakasalansan sa shelf sa kanan. Ang mga trophies niya at medals ay nasa kaliwa. Sa gilid naman ng pinto ay nakalagay ang isang glass at kita doon ang hilera ng mga folder na may lamang mga papel. May malaking kurtina naman sa kanyang likod na tinatakpan ang malaking bintana. Sa isang gilid naman ay may pinto na papalabas sa balkunahe. Tapat ang isang pinto na pasukan naman para sa kanyang kwarto.
Makikita mo ang karangyaan ng buong paligid. Maaliwalas ang buong lugar dahil kakatapos lamang ng ulan. Kulay kahel ang nangingibabaw na pintura ng buong kuwarto at may halo itong mapusyaw na lila at puti.
Nasa gitna ang kanyang lamesa kaya kitang-kita rito ang buong paligid niya. 'I may have all of this but it's all useless. I don't feel any happiness,' piping sambit niya sa sarili. 'Can my money buy a parents? I missed them so much. Can it buy me a happiness? No, money is fucking useless. I can't even have what I want,' dagdag niya pa.
Tumayo siya at tinungo ang malaking bintana at inurong ng kaunti ang kurtina. Makikita mo ang isang magandang tanawin. Isa itong malawak na lupain. Mayroon kang makikitang kagubatan at talon. May parte rin ng lupaing ito na purong hardin lamang.
"Maybe it is time to go back and face my reality," kinuha niya ang cellphone sa bulsa habang patuloy lamang tinitingnan ang tanawin sa labas. Nag-dial siya ng hindi tinitingnan ang pinipindot sa screen. Pero tila kabisado nito ang kanyang phone dahil lahat ng pinipindot niya ay tama. Tinawagan ang isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan.
"Queen..." malugod na bati ng tauhan nito sa kabilang
linya."Prepare two teams," mapanganib niyang sambit.
Nagngingit-ngit ang kaloob-looban niya nang dahil sa nangyari sa kanyang mga tauhan. Gusto niyang pulbusin ang mga ito ng pinong-pino hanggang sa hindi na ito makilala.
"Find all the information about the group who sent my colleague to the death. Even the small details. I want it after 2 hours," dagdag niya pa habang ang kanyang kamay ay yumuyukom.
"Right away Queen," sagot nang nasa kabilang linya. Mabilis namang niyang pinatay ang tawag at tiningnan ang oras. Nakita niyang alas-diyes impunto pa lang ang oras. Mabilis niyang ibinalik ang phone sa bulsa at dali-daling binalik sa pagkaka-ayos ang mga kurtina.
Humarap muli siya sa lamesa niya at napangisi na lang sa nakita.
Shaina Deshna Lievere
Sinister Scribe"Yeah right I am a Dangerous Writer," walang sabi-sabi ay kinuha niya ang kanyang coat at baril na costumized saka nagmadaling umalis.
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
AcciónReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...