13:Strategy

3.7K 188 5
                                    

"Messing with my comrade means endless tour to hell."

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 13: Stratehiya

Two days ago…

Hawak-hawak niya ang puno ng dugo na katana sa kaliwang kamay at may isang bala ng baril sa kanang kamay. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa lugar na puno ng bangkay. Walang ibang pumatay sa mga ito kung 'di siya.

Mag-isa niyang sinugod ang kuta ng kalaban na pumatay sa tauhan niya. Kinagabihan iyon ng araw na nakuha niya ang lahat ng impormasyong kailangan niya. Kailangan niyang maglabas ng galit. Galit para sa nangyari sa kanyang tauhan at galit para sa kanyang sarili.

Naging mahina na naman siya. Hindi na naman niya nailigtas ang mga taong mahalaga sa kanya. Ano pang silbi ng training niya kung ito siya, mahina pa rin.

Hindi niya palalampasin ang pagkakamali niyang ito at gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang mga tauhan niyang nalagas gaya ng ginagawa niya ngayon.

For the past 4 years sa kanya pinasa ni Fred ang posisyon nitong leader ng Mafia na kinabibilangan nila. Walang anak at asawa si Alfredo kaya si Shaina ang magmamana ng lahat ng ari-arian niya kapag namatay siya. Malaki ang pasasalamat niya kay Fred. Minulat siya nito sa reyalidad ng buhay at ginawa siyang independent woman. This is the best version of her in her two lives. Stronger, bolder, and more cunning.

Nagkalat sa katawan ni Shaina ang mga dugo ng kalaban niya. Patuloy lang siyang naglalakad kahit na minsan ay nakakatapak pa siya ng bahagi ng katawan. Wala namang problema dito dahil hindi naman siya naka-heels.

Madilim ang paligid pero dahil may night vision contact lense ni Shaina, naaaninag niya ang buong paligid. Narating niya ang dulo ng lugar. Tinadyakan niya nang malakas ang pintong nakita at doon bumungad ang pinakaleader ng grupo. Gulat na gulat ang itsura nito kaya napangisi si Shaina.

Sa isang iglap butas na ang noo nito ng hindi man lang nakakapagsalita. "Messing with my comrade means endless tour to hell," ngising sabi ni Shaina.
Binalik na niya ang katana sa likod niya at naglagay muli ng bala sa baril na hawak niya. Lumabas na siya ng kuwartong iyon at naghanap ng maaaring silaban. Isang warehouse ang lugar at marami itong drum agad niyang chineck ang laman nito para malaman kung anong laman.

Napangisi siya ng ma-realize na isa itong gasolina.  Lumapit siya sa exit ng warehouse at pinagbabaril ang mga drum. Mabilis na kumalat ang gasolina at doon ay binaril niya ang nag-leak na parte nito. Sa isang iglap ay nagkaroon ng apoy ang paligid.

Mabilis siyang lumabas ng warehouse at nagtapon ng granada sa loob. Malalaking hakbang ang ginawa niya para makalayo at sa isang iglap ay sumabog ang warehouse. Tumawa pa siya ng makita ang malaking pagsabog na hindi niya inalintana. Gumaan ang loob niyang naubos niya ang mga taong ito, taong pumatay sa kanyang mga tauhan.

Isa siyang demonyo kung kalaban ka niya, pero isa siyang anghel kung pinapahalagahan ka niya.

Agad niyang sinakyan ang kanyang motor at bumalik sa main HQ ng kanilang mafia. Iba pa ito sa opisina niya na nasa likod ng talon. Lahat ng nakakasalubong siya ay mabilis na bumabati o nagba-bow.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa kuwarto niya na ginamit niya noon pa ng magsimula siya sa training. Nilapag niya ang baril sa table at pumasok sa banyo. Mabilis na binuksan ang shower saka sumahod dito. Hindi na siya nag-abala pang hubadin ang suot dahil nililinisan niya rin ito. Hindi rin naman mababasa ang loob ng katawan niya dahil gawa sa makapal na plastik ang damit na iyon. Para itong rain coat pero ang kaibahan may tela ito sa loob.

Ang tubig na nalalaglag sa ibaba ay nagkukulay pula. Kahit pa ang katana ay nalinisan na rin. Pagkatapos niyang malinisan ang damit ay hinubad niya ito at isinampay. Saka dumiretso sa bathtub at naligo.

"Queen, pinatawag niyo raw ako?" tanong ni Vin. Ang kanang kamay ni Shaina. Nakita niya ito na nasa kama at malamig na nakatingin sa kanya.

"Balian mo ako ng buto sa kaliwang kamay," malamig na utos ni Shaina sa kanya. Nanlaki naman ang mata ni Vin at hindi alam kung tama ba ang narinig.

"P-po?" Takang-tanong ni Vin. "Sabi ko, balian mo ako ng buto sa kaliwang kamay," mas malamig na utos ni Shaina.
"Pe-pero," nagdadalawang isip na sabi ni Vin.

"Do it or I'll do it to you? Choose!" Mas nakakapanindig-balahibong tanong ni Shaina. Napalunok naman sa takot si Vin at mabilis na lumapit sa kanya. Hinablot niya ang kaliwang kamay nito at pinuwersang mabali.

Walang narinig na sigaw si Vin pero ng tiningnan niya si Shaina ay nagdurugo na ang labi nito. "Qu-queen, ang labi niyo dumudugo," takot na sabi ni Vin. Oo nga't magaling siyang makipaglaban, pero ang harapin ang isang Shaina Deshna Lievere o mas kilala bilang Shadow ay hindi na nakakapagtakang matakot ka.

Tinuturing na pinakamalakas na miyembro ng Mafia nila si Shaina kaya walang naging tutol ng kinoronahan siya bilang Queen ng Night Lock Mafia.

"Kunin mo ang latigo ay ihampas mo sa likod ko," sunod na utos ni Shaina. Kinuha niya ang panyo at nilagay sa bibig niya at dumapa. "Lakasan mo..." dagdag pa nito. Walang nagawa si Vin kung 'di sundin ang Superior niya.

Buong lakas niyang hinampas ang likod ni Shaina ng sampung beses bago siya nito pinatigil. "Qu-queen!" malakas na sigaw ni Vin. Dinaluhan niya ito para makatayo na. Ngayon ay mas dumami ang dugo sa bibig niya. Mas nagulat si Vin ng biglang hinampas ni Shaina ang ulo sa headboard ng kanyang kama.

"Queen! Ano bang nangyayari sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Vin. "Kunin mo ang first aid kit ko sa banyo at linisin mo lahat ng sugat ko," utos muli ni Shaina. Napanganga naman si Vin sa utos nito.

'Ang weird ni Queen. Sinugatan ang sarili tapos magpa palagay ng gamot. Ano ba talagang nasa isip niya? Ang hirap niya talagang basahin,' napakamot na lang ng ulo siya at nagtungo sa banyo.

"I'm coming home… Mom… Dad… Be careful," nakangiting sambit ni Shaina sa sarili.

"Kapag bumalik ako sa school ay magte-take na ako ng Acceleration sa Grade 13. Hindi kasi ako nakapag-take ng acceleration test bago ako umalis ng Maynila," pagka-usap niya sa sarili.

Mas matanda si Evonne sa kanya ng 2 taon pero nasa iisang Year Level lang sila dahil na rin sa ibinagsak ni Evonne ang dalawang Year niya sa isang school.

Pinapasok naman siya sa school ni Shaina ng ama nito para magkasama silang dalawa. May full scholarship na roon si Evonne na mismong si Diego ang nagbayad. Noong una medyo hiya-hiya pa si Evonne pero pagkatapos ng isang taon ay naging magastos na ito.

Dahil sa iniisip ni Shaina ang tungkol sa Acceleration ay naalala na naman niya ‘yong araw na pinabugbog siya ni Evonne.

'Mas maganda siguro kung kalabanin ko na siya, puwede ko naman siyang pasundan sa mga tauhan ko eh. Hindi ko na kailangang magpanggap na kaibigan ko ang traydor na 'yun,' pag-iisip ni Shaina.

Ilang sandali pa ay nakaramdam siya ng hapdi sa sugat niya sa kamay. Doon niya lang nalaman na dinadaluhan na pala ng gamot ang sugat niya ni Vin.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon