"Ahhhh! Tulong!"
Samara Rain Kie
Kabanata 32: Portal
Pahiyang-pahiya si Evonne nang tawagin ni Lorenz ang pangalan niya. Sigurado siya din na naka-iwan siya ng masamang impresyon sa Idol niya na si SS. Hindi niya napigilan ang sarili at saka tumakbo papalabas ng restaurant. Binayaran nga ni Shaina ang meal nila. Wala rin naman siyang pakialam sa pera.
Limpak-limpak ang pera ni Shaina. Mula sa pera niya bilang Lievere, sa natatanggap niyang pera mula sa mga misyon sa Mafia Org, sa kumpanyang pinatayo na, pati sa mga librong bawat buwan niyang inilalabas. Kada segundo, milyon-milyon ang pumapasok sa bank account niya, kaya hindi na kataka-taka na kahit magbayad siya ng libre sa mga kasamahan niya, hindi pa rin ubos ang pera niya.
Mayroon siyang 4 na main bank account. Napupunta dito ang lahat ng kinikita niya segu-segundo. At 6 na sub-account kung saan bawat isang card may lamang 1 Million US Dollar. Kapag umabot na lang sa 100,000 USD, saka niya lang lalagyan ng panibagong karga upang maging 1M ulit.
Kahit siya ang owner ng restaurant na ito ay nagbabayad pa rin siya ng kinakain. Sadyang marami naman talaga siyang pera kaya ayos lang. Hahabulin sana ni Leonel si Evonne pero mabilis siyang napigilan ni Samara na nakatayo na sa likod niya. Gusto niyang iligtas sa mga kamay ni Evonne ang pinsan lalo na't nakita niya kung anong kayang gawin ni Evonne. Nakita niya nga kung paano nagtulungan ang dalawa para patayin si Shaina.
"Bitawan mo nga ako, Samara susundan ko lang si Evonne," nagpupumiglas si Leonel sa kanya pero sa hindi malalaman-lamang dahilan, hindi niya kayang makawala kay Samara. Hinila ni Samara so Leonel palabas at sumunod lang doon si Shaina dahil gusto niyang marinig ang pag-uusapan ng magpinsan.
"Bakit ba?" Inis na sabi ni Leonel. "Kuya Leonel, hindi mo ba nakikita? Pineperahan ka lang ni Evonne. Hindi siya inosente katulad ng iniisip mo, nakaya niya ngang ipabugbog ang best friend niya five years ago. Hindi mo alam kung gaano kasama yung babaeng iyon. Desperada siya sa pera kuya. Kinaibigan niya nga lang si Shaina dahil mayaman ito. Magkano na ang nagastos mo para lang sa pagsha-shopping? Hulaan ko, lagpas na sa 500,000 o baka naman mas malaki pa sa isang milyon?" Galit na tanong ni Samara sa kanya. Napa-iwas naman ng tingin si Leonel dahil tama ang sinabi ng pinsan.
Isang buwan pa lang ang lumipad ng kausapin niya si Evonne. Araw-araw itong nagsha-shopping dahil malungkot daw siya at ito lang daw ang makakapagpasaya. At dahil gusto niya si Evonne. Sige lang siya ng sige.
Sa loob ng isang buwan na iyon ay 1.2m na ang nagastos niya para lang sa pagsha-shopping ni Evonne. Madalas kasi na sa mga mamahaling boutique bumibili si Evonne. Sa bawat boutique na iyon, lagpas sa lima ang binibili nito. Minsan nga ginagawa pa siyang chaperone pero dahil nga gusto niya ito, hinahayaan niya lang. Napapansin na siya ng crush niya kaya okay lang ang lahat sa kanya. Gusto niya rin namang sumaya si Evonne. Malungkot ito dahil 'trinaydor' siya ng best friend niya.
"Kuya! 'Wag mong hayaang mabulag ka ng pagkagusto mo sa kanya. Isa pa, kriminal ang babaeng iyan. Pinaniwala niya ang buong Campus na isa siyang Lievere kahit anak lang naman siya ng secretary ng Ama ni Shaina. Magnanakaw rin ang Ama niya! Nagnanakaw sila ng pera sa Lievere Corporation. Di'ba? Like Father Like Daughter," pagkasabi noon ni Samara ay nagulat na lang siya ng makaramdam ng sakit sa pisngi niya.
Naramdaman niya mismo ang malakas na pagkakasampal ni Leonel kay Samara. Nanlalaki ang mata ni Samara dahil sa hindi niya inakalang masasampal siya ng pinaka-close niyang pinsan.
Hinarap niyq ng may galit na mukha si Leonel. "I-I'm sorry!" Hindi rin makapaniwalang saad ni Leonel.
"Sinampal mo ako para lang sa walang kwentang babae?" Naiiyak na sabi ni Samara. "Simula ng sumama ka diyan kay Shaina, naging basto-" hindi natuloy ni Leonel ang sasabihin ng maramdaman niya ang kamay ni Samara. Sinampal siya ni Samara ng dalawang beses. Sa sobrang lakas ay pumutok ang labi ni Leonel.
"Simula ng sumama ka sa Evonne na iyan. Naging bulag ka na sa tama at mali. Hindi mo nakikita ang mga kasamaang ginagawa ni Evonne. Sarado iyang isip mo sa paligid mo. Kahit pa itanong mo sa buong Campus kung ilang Nerd ang tinapaktapakan niya noon para lang gumawa ng Assignment niya, ilang mayayaman na pinapagastos niya sa luho niya, ilang mga lalaki na nakama na siya. Iyan ba ang inosente sa iyo? Wala ang ang pagka-inosente niya?" Tumawa habang umiiyak si Samara.
"Hindi ako makapaniwala sa iyo Kuya! Ang tanga mo, ang tanga-tanga mo. Pipili ka na lang ng babaeng mamahalin, masama pang tao," pagkatapos sabihin ni Samara ang lahat ng iyon ay tumakbo papalayo si Samara. Susundan niya sana pero may biglang nagsalita sa likod niya.
"'Wag mo siyang sundan, gusto niyang mapag-isa," saad ni Shainam lumapit siya kay Leonel ng walang emosyon ang mukha.
"Ikaw! Kasalanan mo kung bakit nagiging bastos si Samara sa akin!" Galit na sisi ni Leonel sa kanya.
"'Wag mo akong sisihin sa pambabastos sa iyo ni Samara. Isa pa hindi ikaw ang binabastos niya kun'di si Evonne," sagot ni Shaina.
"'Wag mong idamay sa galit mo kay Evonne si Samara at Evonne. Walang ginagawang masama si Evonne sa iyo," giit ni Leonel.
"Sinong nagsabing wala? Si Evonne? Nagpapaniwala ka sa mga salita ng babaeng iyon. Bakit 'di ka magpa-survey kung mabait nga ba ang babaeng iyan o hindi? Sa campus ka mag-conduct ng maniwala ka sa amin na masamang tao nga siya? Kung ako nga lang ang masusunod matagal na siyang kulong kahit menor de edad iyan," walang emosyong saad ni Shaina.
Nilabas ni Shaina ang isang Flash drive saka binigay kay Leonel. Tinanggap naman ni Leonel ng may pagpapataka si Shaina. "Panoorin mo, baka sakaling matauhan ka kung anong klaseng babae iyang nagugustuhan mo. Kung hindi ka pa rin matauhan sa mga makikita mo diyan, malala ka na," ngising saad ni Shaina. Tumakbo siya ng matulin saka tiningnan ang GPS kung nasaan si Samara. Mabilis niyang tinungo ang lugar kung nasaan si Samara.
Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba. Mas binilisan niya ang pagtakbo na para bang ito na ang huli niyang araw. Papunta pa lang siya sa lugar kung nasaan si Samara ng makarinig siya ng malakas na sigaw.
Mas nanlamig at kinabahan Shaina ng malamang boses ni Samara ang sumisigaw na iyon. Pagka-liko niya ay isang matinding hangin ang sumalubong sa kanya. Napaka-abnormal ng hangin na ito dahil bukod sa sobrang lakas, umiihip ito sa dalawang dereksyon. Sinuong ni Shaina ang hanging iyon kahit na tinutulak siya nito papalayo. "Ahhhh! Tulong!" Sigaw muli ni Samara. Kitang-kita ni Shaina ang malaking bilog na kulay green ang nabubuo sa likod ni Samara.
Hanggang sa lumaki ito ng lumaki. Alam na ni Shaina na isa itong portal. Kahit hindi na kaya ng katawan niya ay sinuong niya pa rin ang hangin.
Pero kitang-kita niya kung paano nilamon ng Green na portal si Samara ng wala siyang nagagawa.
--*--
Bye-bye na SamaraKieThis also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
ActionReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...