7: The Beginning

4.1K 216 12
                                    

"Let the Games begin"

-Shaina Deshna Leivere

Kabanata 7: Ang Simula

Pagpasok pa lang ng bahay ni Evonne ay nagsisigaw na siya at nagwala sa bahay nila. Kinalat niya ang mga gamit na makita niya mailabas lang ang galit. Hindi man lang siya nanghinayang sa mga sinira niya.

Paanong hindi, kada may nasisirang gamit sa kanilang bahay, mabilis lang itong napapaltan lalo na't ang taong nag-utos na ipapatay ang magulang ni Shaina ang sumusuporta sa kanya.

Kung tutuusin nga, hindi niya na kailangan ang pera ni Shaina para sa luho niya, may milyon-milyon din siya sa allowance niya. Sa labas, hindi sila mayaman dahil na rin sa sekretarya lang ang kanyang Ama. Pero dahil sa mga impormasyong binibigay nila Evonne at ng kanyang Ama, mula sa loob ng Lievere, malaki-laki ang nakukuha nilang pera.

May utang pang sampung milyon ang Ama niya kay Evonne. Limang milyon sa pagbabayad niya sa piloto ng Ina at Ama ni Shaina. Pero sa huli, hindi naman namatay ang dalawa kaya nagpa-hire siya ng gangster para ipapatay ang pilotong ito. Limang milyon din ang bayad.

Oo, sa murang edad na sampung taon, may kilala na siyang mga mamamatay tao. Hindi na kataka-taka iyon lalo na't masyado niyang mahal ang pera. Gagawin ng mag-ama na ito ang lahat para sa pera.

Basang-basa siya ng ulan dahil hindi siya sinundo ni Shaina at napilitan siyang maglakad. Wala rin siyang dalang pera na siyang mas ikinagalit niya. Hindi siya willing gastusin ang kanyang pera lalo na't may personal  bank naman siya, walang iba kung  hindi si Shaina.

Marami man siyang pera, kung may willing gumastos ng luho mo, bakit tatanggihan? 'yun ang nasa isip ni Evonne kada araw na ginagastos niya ang pera ni Shaina na akala mo sa kanya.

Mula pa noon, mas marami pa ang gastos ni Evonne kaysa kay Shaina na siyang may-ari ng pera kaya nasanay na siyang hindi magdala ng pera. Wala lang siyang ideya kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ni Shaina sa kanya.

Noon, kung ano man ang sabihin niya ay sinusunod nito. Kung ano ang gusto niyang hingiin, ibibigay nito. Ganito siya kalakas kay Shaina. Siya ang tinitingala ng lahat dahil mismo sa babae.

"Hindi ako papayag na mawalan siya ng tiwala sa akin. Kailangan kong gumawa ng paraan para bumalik ang dating tanga-tangang Shaina," sambit ni Evonne sa sarili.  "Kailangan ko siyang turuan ng leksyon," naiinis na dagdag pa niya.

Kinabukasan ay napilitan siyang bumili ng dress sa ukay-ukay kaya naiirita siya sa suot. Hindi siya sanay na magsuot ng ganoong uri ng damit. Simula kasi pagkabata ay damit na ni Shaina ang ginagamit niya na puro branded. Mas lalo tuloy siyang nagagalit sa babae.

Kinuha niya ang Louie Vuitton niyang bag at saka nagmadaling pumunta sa bahay ni Shaina para makisabay. Pagpasok pa lang niya ng bahay ay agad siyang sumakay sa likod ng kotse.

Ilang sandali ay dumating na ito na sumakay sa passenger seat. "Bakit 'di mo ako inantay kahapon? Hindi mo ba alam na naglakad ako mula sa school hanggang bahay? Wala akong dalang payong kaya basang-basa ako!" sigaw ni Evonne.

"Alam mo best! Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan kitang sunduin. Nag-insist lang ako dati noong mga bata pa tayo na sumabay ka sa amin. Hindi kami obligado na sunduin ka hindi ba?" ngiting sabi ni Shaina. Mas lalong gustong sumugod ni Evonne dahil sa inasal nito. Pero pinigilan niya pa rin ang sarili at nagpalit ng emosyon.

"Best! May nagawa ba akong hindi mo gusto?" Nagkunwari pang nag-aalala si Evonne kay Shaina. Kapag nawala kasi sa side niya ito ay goodbye popularity na siya.

"Wala naman best," ngiting sabi ni Shaina. Napahinga ng maluwag si Evonne dahil sa naging sagot. Hindi niya hahayaang mawala ang tiwala nito sa kanya.

"Kuya Danny! Alis na po tayo. Baka ma-late pa po kami," lumapit si Shaina at bumulong kay Mang Danny. "Nga po pala, sunduin niyo po ako ng 2 pm, uuwi po ako nang maaga," bulong ni Shaina. Agad namang tumango si Mang Danny kaya bumiyahe na sila.

--*--

"Boys alam niyo na ang gagawin," ngising sabi ni Evonne. Snack time ngayon kaya agad na niyang sinagawa ang plano para bumalik ang tiwala sa kanya ni Shaina.

Pinabugbog niya si Shaina sa mga lalaking may gusto sa kanya tapos tutulungan niya ito gamit ang pagpapatigil sa kanila. Pero syempre, tatagalan niya para makaganti siya sa mga ginawa nito kahapon at noong isang araw.

"Oh di'ba? Hitting two stone with one bird!" ngisi-ngising sambit ni Evonne. Napahalakhak siya sa naiisip niya. Puro pabor pa sa kanya ang mangyayari.

"Ms. Evonne, hindi po ba dapat hitting two birds with one stone po 'yon?" tanong noong isa sa mga lalaki. Sinamaan naman niya ng tingin ang lalaking nagsalita kaya namutla ito.

"Pareho lang 'yun!" sigaw ni Evonne sa lalaki. Hindi nagtagal ay agad na kumilos ang mga lalaki at hinanap si Shaina.

Nakita nila ito na nasa garden na nagbabasa. Agad naman silang nagsilapit dito at mabilis na hinablot ang librong binabasa nito. Akala nila iiyak kaagad si Shaina pero hindi niya ito ginawa.

"Ano itong binabasa mo?" pang-asar na tanong noong
isa.

"Uy! Novel pala ito? Hindi ko alam na mahilig ka pa lang magbasa," pang-asar na sambit ng isa pa sa nga lalaki.

"Akin na iyan!" matigas na sabi ni Shaina. "Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" nainis naman si Shaina kaya hinablot niya ang kamay ng may hawak sa libro niya at kinagat ang kamay nito. Nabitawan niya ang libro at umangil sa sakit.

"Hayop kang babae ka!" Inis na sabi ng lalaking kinagat niya saka siya sinampal ng pagkalakas-lakas.

Dahil doon ay nagsimula na siyang bugbugin ng mga lalaki. Pinilit niyang huwag umiyak pero hindi niya kaya. Masakit ang buong katawan niya sa sobrang pagkabugbog. Puro suntok, sipa, sampal ang inabot niya sa mga lalaking nakapaligid sa kanya. Ano nga ba ang laban niya sa limang lalaki?

Mahina pa siya. Pakiramdam niya napakawalang kwenta niya. Tiningnan niya ang paligid baka may tumulong sa kanya. Pero ang tangi niya lang nakita ay si Evonne na nakangisi. Nakatingin sa kanya na tuwang-tuwa pa.

Ilang minuto ang tinagal nito kasabay ng kanyang pagtulak sa mga ito. Tumayo siya at ginamit ang natitira niyang lakas para makaligtas. Tumakbo siya palayo sa abot ng kanyang makakaya. Kahit na mabagal siya at iika-ika ginawa niya ang lahat para makalayo.

Napangisi naman siya nang makita si Manny Danny na papalapit ka sa kanya. Ilang sandali lang ay may panyong tumakip sa bibig niya. Wala itong kemikal pero nagpanggap siyang nawalan nang malay. Naramdaman niya naglalakad ang mabilis ang may hawak sa kanya. Naririnig niya rin ang sigaw ni Mang Danny sa kanyang paligid pero hindi gumalaw at hinayaan lang ang may buhat sa kanya na dalhin siya sa kung saan.

Naramdaman niya ang malambot na bagay sa kanyang likuran at isang pagbagsak ng pinto ng van sa kanyang paligid.
Binuksan niya ang kanyang mata at tiningnan ang paligid.

"Bakit may pasa ka at sugat?" tanong ng lalaki sa gilid.

"May bumugbog sa akin," sagot ni Shaina.

"Gamutin na lang natin 'yan kapag dumating na tayo sa Head Quarters ni Lord Tanakashi," sagot noong driver.

"Matulog ka muna, matagal pa ang byahe natin," dagdag ng nasa gilid niya.

Ngumisi naman siya sa kaalamang lalakas na siya. "Tingnan na lang natin kung hanggang saan ang kakayanin mo ngayong wala na ako sa bahay at sa school. Let the game begin, bitch," mahina niyang sabi habang nakangisi.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon