26: Failure

3K 131 16
                                    

"Pangalawang buhay?"

Alfredo Tanakashi

Kabanata 26: Bigo

"Good job everyone," saad ni Fred. Tinanggal niya ang kanyang face mask at gloves saka nilagay sa isang metal container. Tinanggal niya rin ang surgical Visor at Surgical Gloves niya saka iyon nilagay sa metal container. Pinaayos niya ang mga nagamit na PPE at surgical wastes sa mga tauhan niya. Bukod sa pagiging businessman, isang doktor si Alfredo. May lisensya siya upang mag-opera ng tao kung gugustuhin niya kaya isa sa mga pinapatakbo niyang establishimento ay ospital.

Ngayon, siya ang nag-handle ng operasyon para sa pamilya ni Shaina. Parang apo na ang turing niya kay Shaina. Kaya hindi niya rin maiwasang hindi mag-alala.

"Kamusta po si Queen, Master Fred?" Tanong ni Vin. Bumuntong hininga si Fred. "Although, natanggal na ang bala sa katawan niya, at napigilan ang internal bleeding, matagal pa bago siya gumaling. She need to take a rest for a while," saad ni Fred.

"Master, paano po yung pamilya ni Queen?" Tanong kaagad ni Vin. "Her Grandpa, Grandma, and her Mother didn't make it," malungkot na saad ni Fred. "Ang kanyang Ama ay maaaring hindi na makalakad pa, sunog ang kalahati ng katawan niya. Maaari namang madaan sa operation ng Dermatologist doctor pero ang paa niya, hindi ko alam. Masyadong nadurog ang buto niya sa paa, dahil na rin siguro sa tumalsik siya mula sa loob pagkatapos sumabog ang Van," dagdag pa ni Fred. Tiningnan niya ang natutulog na si Shaina sa loob ng Operation Room.

"Ang kinakatakot ko, baka makain siya ng emosyon niya na maging resulta sa mas malalang problema," dagdag pa ni Fred. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinapik niya ang balikat nito.

"Aalis na muna ako, kayo na munang bahala sa kanya," doon na nga umalis. Iimbistigahan niya ang pangyayaring ito, sa tingin niya ay may anomalyang naganap sa aksidenteng ito. Hindi lang ito simpleng ambush.

Iniisip din ni Fred kung may espiya ba sa kampo nila o wala. Disclose ang lahat ng private information ni Shaina sa loob ng Mafia Org nila. Kilala siya bilang Shadow, ang kanyang tagapagmana. Pero iilan lang ang nakaka-alam kung sino nga ba talaga siya.

Ginawa ito ni Fred para protektahan si Shaina. Pero hindi talaga mapipigilan ang ganitong bagay. Ngayon, iniisip niya kung sino nga ba talaga ang gustong pumatay kay Shaina pati ang pamilya nito at kung bakit siya nito gustong patayin? May tinatago ba ang Lievere na hindi alam ni Shaina?

Matagal na silang nag-iimbistiga kung sino ang nasa likod ng lahat, pero wala pa rin itong resulta. Sa tingin ni Fred, malaking tao ang nasa likod ng lahat ng ito.

--*--

Nagising si Shaina limang araw pagkatapos ng operasyon niya. Unang bumungad sa gilid niya ay si Samara at Vin na parehong tulog. Unang nagising si Samara at gulat na gulat dahil gising na siya.

"Sa-sandali tatawag ako ng doktor," paalis na sana si Sama pero mabilis siyang pinigilan ni Shaina gamit ang paghawak ng kanyang pulsuhan. "Na-nasaan ang pamilya ko?" Mahinang tanong ni Shaina.

"Shaina..." Nag-aalalang saad ni Samara.

"Ang Papa mo lang ang naka-survive sa pagsabog," mahinang saad ni Samara. Nanlaki ang mata ni Shaina dahil sa narinig. Nabitawan niya ang kamay ni Samara saka siya napayuko. "Tatawag lang ako ng doktor," saad ni Samara. Doon na nga ito umalis.

Habang si Shaina naman ay kumirot ang kanyang puso. Nanginginig ang kanyang kamay habang niyuyukom niya ang mga kamay. Tumutulo na ang luha niya pero wala siyang pakialam.

Napupuno ng pagdududa sa kanyang sarili si Shaina. Sa pangalawang pagkakataon, nabigo siya. Tila nauupos na kandila siya st nablangko ang kanyang utak. Gusto niyang pumatay. Pakiramdam niya, wala siyang kwenta. Bakit hindi niya napigilan ang nangyari? 

Ang ang gusto niyang patayin ay ang nasa likod ng pagkamatay ng pamilya niya. Pangalawa niya na itong buhay pero wala pa rin siyang nagawa, namatay pa rin ang mga piniprotektahan niya.

Pakiramdam niya wala siyang silbi. "Queen, ayos ka lang ba?" Tanong ni Vin. Hindi siya pinansin Shaina at nagpatuloy lang sa ganoong estado.

--*--

Pitong araw ang makalipas, at nalibing na ang kanyang Grandpa, Grandpa, at Ina. Hindi siya pumunta sa huling libing nito at hinayaan na si Alfredo ang gumawa ng lahat. Hindi niya matanggap na wala siyang nagawa para iligtas sila.

Blangko ang utak ni Shaina at nilalabas niya ang lahat ng galit sa Training Room. Ilang gamit na ang nasira niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Isang suntok pa ang pinakawalan niya sa punching bag saka ito biglang nabutas sa sobrang lakas ng suntok.

Dahil din sa suntok niyang iyon ay tumulo ang masaganang dugo sa kamay niya. Kahit may sugat ang kamay ay hindi niya na ito napansin. Doon ay nag-break down na naman ang kanya emosyon. Umiyak siya ng umiyak na kahit ang sarili niya ay sinasaktan na niya. Puno na ng sariling dugo ang kanyang katawan lalo na ang mga sugat natamo sa huling pakikipaglaban.

Bumuka ang sugat niya sa tiyan pero hindi niya pa rin ito pinapansin. Pakiramdam niya ay gusto niya ng mamatay. Marami ng dugo sa sahig na pinag-stay-an niya pero hindi pa rin siya gumagalaw. Hanggang sa bigla na lang siyang nakaramdam ng sampal sa kanyang mukha.

"Iyan ba ang tinuro ko sa'yo ha? Shaina? Ang maging mahina? Look at your self? Ang dami mong dugo sa katawan. Mauubusan ka na naman ng dugo!" Sermon ni Alfred.

"Mabuti na iyon, para mamatay ako," blangkong saad ni Shaina. Isang sampal muli ang natanggap ni Shaina mula kay Fred. Pero ngayon ay masalakas na ito kaya dumugo ang labi ni Shaina.

"May Ama ka pang lumalaban sa Hospital. Sa tingin mo matutuwa siya na ginaganyan mo ang sarili mo? Mag-isip ka nga, nasaan na 'yung Shaina na matapang? 'Yung walang inuurungan? 'Yung determinadong maging malakas?" Tanong ni Fred.

Tiningnan siya ni Shaina habang tumtulo ang kanyang luha. Tumayo si Shaina sa harap ni Fred kahit na nanghihina. "Wala kang alam! Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko! wala kang alam sa mga nasaksihan ko! At wala lang ideya kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay sa pangalawang pagkakataon!" Iyak na saad ni Shaina.

"Nagpalakas ako para sa kanila. Nagsakripisyo ako na hindi sila makita sa loob ng 5 taon ara maprotektahan sila. Naging masama akong tao dahil ayoko silang mawala sa akin. Pero bakit ganoon? Malakas na ako pero hindi ko pa rin sila naprotektahan. Pangalawa ko na itong buhay pero wala pa rin akong nagawa para iligtas sila!" Nag-burst out na si Shaina at hindi na alam kung ano ang mga sinasabi niya. Wala na nga sa kundisyon ang utak ni Shaina.

"Pangalawang buhay?" Tanong ni Fred kay Shaina. Kaso, imbis na masagot ito ni Shaina ay bigla na lang siyang nawalan ng malay.

Sinalo siya ni Fred at binuhat para mabilis na dalhin sa lab ng HQ. Patitigilan niya na muna ang pagdurugo ng mga dati nitong sugat. "Vin, imbestigahan mo kung nasangkot ba sa aksidente si Shaina bago kami nagkakilala," saad ni Fred bago ito pumasok sa loob ng lab para maayos ang sugat nito.

"Anong ibig sabihin mong sabihin sa pangalawa mong buhay? Matagal na tayong magkakilala pero isa ka pa ring misteryo para sa akin," piping saad sa isip ni Fred.

"Sana malagpasan mo ang pagsubok na ito sa'yo. May tiwala ako sayo," ngiting saad ni Fred.

--*--

Ctto: https://www.theapprenticedoctor.com/the-protective-clothing-surgeons-wear/

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon