"I- I'm Sandrake Villafuerte, may I know yours?"
Sandrake Villafuerte
Kabanata 18: Drake
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Evonne pagkatapos niyang umuwi sa bahay. Nalaman kasi ng Ama ang nangyari sa school nila Evonne. Ngayong naka-expose na ang pagpapanggap ni Evonne bilang Lievere, mahihirapan na siyang ibalik ang tiwala ni Shaina kay Evonne. Ang pinakamasamang maaaring mangyari ay mawalan din ng tiwala sa kanila ang mga magulang ni Shaina.
Mahihirapan silang kumuha ng impormasyong kailangan nila.
"Wala ka talagang kuwenta!" sigaw ng kanyang Ama. Mas napaiyak naman si Evonne dahil sa ginawa ng kanyang Ama. Kakagaling niya lang sa pagkapahiya dahil kay Shaina at ngayon naman sa harap ng Ama. Mas lalo lang lumaki ang galit niya kay Shaina. Kasalanan niya ang lahat ng ito, kung hindi niya in-expose na isa siyang Francisco at hindi Lievere, maayos pa ang lahat. Sa kanya dapat ang lahat ng kasikatang matatamo ni Shaina pagkatapos ng lahat.
"Hindi ka kasi nag-iingat! Masyado mong inabuso si Shaina kaya nakahalata na siya. Hindi ka talaga nag-iisip!" sigaw muli ng kanyang ama. Kaya mas lalong tumindi ang galit niya sa babae.
"Uncle, hayaan niyo na 'yang si Evonne. Ako naman ang gagalaw," ngising sabi ng isang lalaking kararating lang.
"Drake, ikaw pala," ngiting saad ng Ama ni Evonne.
"Ako ng bahala kay Shaina. Ngayon Evonne, mag-isip ka ng paraan para maibalik mo ang tiwala niya sa 'yo. Isa pa, tumawag si Master, may bagong impormasyong hawak ang Raven Mafia para mapabagsak ang mga Lievere, nagbigay din ng babala si Master na mag-ingat kay Shaina Deshna Lievere. Hindi sinabi ni Master kung bakit pero mag-ingat daw tayo sa kanya," ngiting sabi nito kay Evonne.
Nagningning naman ang mata ni Evonne dahil na rin sa pinakitang kabaitan ni Drake. Ang Ama naman ni Evonne ay nagtaka sa sinabi ni Drake. Mag-ingat sa isang 15 years old na babae? Anong magagawa ng 15 years old na bata laban sa kanila?
Marami pa itong kakaining bigas bago ito maging kalebel nila sa pagiging manipulator. Nangyari man ang nangyari sa school kanina nila Evonne, hindi siya naniniwalang expose na ang mga kabulstugang ginawa nila sa kumpanya at kay Shaina.
--*--
Katatapos lang ng kanilang Mid-Term Exam. Natapos niya lang ito ng wala pang isang oras kaya naman agad siyang nakalabas nang maaga.
May appointment pa sila sa Police Station ngayon. Isa pa ay kakamustahin niya rin si Samara na iniwan niya muna sa kanilang Head Quarters. Kung willing itong sumunod sa gusto niya ay magagamit niya rin ito bilang Chess Piece para sa mga plano niya.
Walang pakialam si Shaina kung sakali mang mamatay ito o kaya naman may mangyaring masama sa kanya, ang mahalaga ay maayos niya ang lahat ng plano para maisakatuparan niya ang hinahangad.
Tiningnan niya muna ang cellphone niya kung may tumawag ba o wala pero nang mapansin ang petsa ay napangisi naman siya.
Ito ang araw na makikilala niya si Drake, ‘yong una nilang pagkikita ay may magnanakaw na tumangay ng bag niya kung saan naroroon ang mga gamit niya. Hinabol ito ni Shaina at doon nangyari ang pagbangga ni Drake sa kanya. Sinakay siya nito sa kanyang kotse habang siya ang nagbibigay ng first aid kit, hinahabol ng driver nila ang magnanakaw. Sa huli, nahuli nila ito at sinugod nila si Shaina sa ospital, the rest are all history.
Mabilis itong nahuli ni Drake kaya simula noon tinuring niyang Life Savior si Drake. Kung siya pa rin ang dating Shaina, talagang kapani-paniwala ang ganoong pagkikita. Pero ngayon? Nah! May matandang mayaman sa unahan niya na may maraming alahas at hawak pa ang laptop nito.
Sumunod naman ay babaeng may Chanel bag na halata namang mas may halaga ito kaysa sa bag niya. Kung siya ang mangnanakaw, mas magkaka-interest siya sa dalawang ito kumpara sa gamit niya.
Masyado lang siyang tanga noon at hindi napansin ang mga bagay na ito. Kaya para sa kanya, plinano ito ni Drake para mapalapit sa kanya.
Ilang sandali pa ay may isang lalaking may sombrero ang tumabi sa kanya sa waiting shed. Alam na rin ni Shaina na ito ang magnanakaw kaya alerto siya sa gagawing plano. Bago pa tumabi ang magnanakaw, nailipat na niya ang lahat ng gamit ng bag sa paper bag na dala niya. Hinayaan niya ito hanggang sa hinablot nito ang bag niya."Hija, hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong ng matanda. "May huhuli na doon," ngiti niyang sabi. "Eh? Paano ka nakakasiguro? Saka wala bang mahalagang gamit doon?" tanong naman ng babaeng katabi niya.
"Nasa paper bag na lahat," saad niya. Doon ay dumating ang kanyang sundo. Nilagay niya ang paper bag sa likod ng kotse saka sumakay. "Mang Danny umikot ka papuntang likod ng school," utos niya.
Mabilis namang kumilos ‘to at sinunod ang sinabi niya. Doon ay nakasalubong nila ang lalaking tumatakbo kasabay ng isa pang lalaki. "Banggain mo ‘yang lalaking tumatakbo sa unahan," utos muli niya.
"Pe-pero Ms Shaina," nag-aalalangan na sabi ni Mang Danny. "Magtiwala kayo Mang Danny," ngiti niyang sabi. Binangga nga nito ang lalaking tumatakbo pero mahina lang kaya ito natumba.
Marami namang nakakita at pinagtsismisan ang kotse na nakabangga dito. Lumabas si Shaina ng may malamig na titig kaya nanahimik ang buong paligid.
Pinuntahan niya ang lalaki saka kinuha ang bag. "Next time, choose wisely. Ang lakas ng loob mong magnakaw ng bag. What do you think of me? Mang Danny, pakipasok ‘yan sa kotse at talian isusurender natin 'yan sa pulisya," mabilis namang sumunod si Mang Danny kay Shaina. Biglang may isang lalaking nagpakita sa kanya at hinarang siya.
"Ops! Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil hinabol ko ang magnanakaw?" tanong nito.
"Do I ask you to do it?" malamig niyang sabi.
"Kahit na ba Miss, nag-effort akong habulin ang magnanakaw para lang mabalik sa ‘yo ang bag," katwiran nito.
"Mister even if you insisted to help, I still don't even bother to look for this bag, it just happen that my way is here and I encounter that thief," saad niya.
Binuksan niya ang bag at pinakita ang loob nito. Nanlaki ang mata ng lalaki nang makitang wala itong laman. "You see? Nothing important item had been stolen to this bag. He just stole the bag and nothing else so why would I bother to look for it?" malamig niyang saad. Halatang napahiya ito sa harap niya. Napangisi na lang siya sa isip habang pinagmasdan ang kaharap niya ngayon.
"I- I'm Sandrake Villafuerte, may I know yours?" tanong ni Drake.
"I don't talk to Stranger. And I don't even care to your name. Next time don't bother me," saad niya saka pumasok. "Mang Danny, ituloy niyo na diyan papasok. Para makadiretso na tayo sa presinto. Tatawagan ko na lang sila mom," saad niya.
Mula sa rear mirror, sinamaan ng tingin ni Shaina ang magnanakaw kaya agad na naging visible ang pamumutla nito. Walang ideya ang magnanakaw sa pinasok niya kaya ngayon, talagang makukulong siya."That guy..." panimula niya. "He send you to stole my belongings right? He offers you a lot of money, what if I'll give you a job?" ngising tanong ng magnanakaw.
"A-anong trabaho?" tanong nito.
"You'll know later," malamig at nakakatakot na saad ni Shaina. Kahit si Mang Danny ay nangilabot din sa hinahatid na aura niya.
Sa kabilang banda ay sinisisi pa rin ni Mang Danny ang sarili pagkatapos ng nangyari noong nakaraang limang taon. Iniisip niya, paano kaya kung dumating siya ng mas maaga? May magbabago kaya?
--*--
This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets
BINABASA MO ANG
Wrifia [FIN]
AcciónReirth Series #1 She's every man's dream, and ladies wanted to be like her. She's the one everyone looked up to-- she's beyond perfect Everyone loved her craft, they loved the every bit of emotion that her stories made them feel. They praised her, w...