25: Unexpected

3.3K 146 10
                                        

"I'm afraid to what will be the reaction of Queen if she finds out what happen to her family,"

Vincent Lancaster

Kabanata 25: Hindi Inaasahan

Hinanda niya ang Van para mababawasan ang humahabol sa kanila. Nang malapit na ang isa sa mga kotse. Pina-andar ni Shaina ang Van at mabilis na tinabig ang isa. Pasimple naman niyang nilabas ang isang kamay at pasimpleng binaril ang dalawang gulong nito. Doon ay nagpagewang-gewang ang isa isang kotse hanggang sa bigla itong sumalpok ng malakas sa iaang puno. Mabilis ang takbo nito kaya mas malakas ang naging impact.

Inayos ni Shaina ang Van saka nag-drift ulit pabalik sa dating dereksyon saka mas inapakan ang gas. Nagsisigawan sa loob ng Van at nagsasalita sila ng kung ano-ano na hindi na maintindihan ni Shaina. Mabilis ang tibok ng puso niya at rumaragasa ang adrenaline rush sa kanyang buong katawan. Isa lang ang nakatatak sa kanyang isip. Ito ay ang maprotektahan ang kanyang mahal sa buhay.

Habang nagsisigawan sa Van, iniisip ni Shaina kung paano nalaman ng kalaban ang tungkol dito? Maingat siya kapag gumagawa ng illegal na bagay at sinisigurado niyang hindi siya mamumukhaan ng kahit sino.

Disclosed din ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ni Shaina. Ang ibig sabihin ba nito, gumagalaw na ang Master Mind sa pagkamatay noon ng magulang niya? Kung oo, paano sila nagkaroon ng impormasyon tungkol dito?

Pinamamanmanan ba sila? Kung oo, bakit walang trace? Mabilis siyang makaramdam ng presensya. Lalo na kung nasa 200 meter radius ka lang. Matalas ang senses ni Shaina at mabilis maka-adopt sa paligid kaya nagtataka siya ngayon.

"Dad, kayo ulit ang mag-drive, mahirap pa pala ito sa inaasahan ko," malamig na saad ni Shaina sa Ama. Sumunod naman si Diego sa anak habang si Shaina ay pumunta sa dulo ng Van at binuksan ang pinto doon. "Anak anong gagawin mo?" Sigaw ni Mina.

"I'll be okay Mom, just keep driving," saad ni Shaina. Binuksan niya ang bag na dala-dala saka nilabas ang isang Sniper Rifle nagulat kaagad ang lahat sa dala-dala niyang baril. Dumapa siya sa likod saka tiningnan ang kalaban gamit ang binoculars nito. Mabilis naman pinatamaan ni Shaina ang mga gulong ng kalaban kaya nagkabanggaan ang mga ito at may isa pang lumipad na kotse.

Sa pagbagsak ng kotseng iyon, ilang sandali lang ay sumabog na kaagad ang kotseng lumipad. Nagkagulo ang lahat ng kotse kaya mabilis na kinuha ni Shaina ang dalawang Kel-Tec PMR-30. Kumuha siya ng tatlong magazine ng nito.

Ang Kel-Tec PMR-30 ay isang Hand Gun na may bigat na 1.23 lb kapag may laman at .85 kapag hindi. Ang barrel length nito ay 7.9 inches, may taas na 5.8 inches at lapad na 1.3 inches. Kapag sanay ka na hindi na ito mabigat pa. Ang bala nito ay umaabot ng 370 m/s. Malakas ang tira nito kaya ito ang pinili ni Shaina. "Anak saan galing ang mga baril na iyan?" Gulat na tanong ni Diego. Gulat na gulat pa rin ito sa nangyayari lalo na ang makita ang kanyang munting prinsesa na may hawak na baril. Sinong hindi magpa-panic sa gano'ng lagay?

"I'll answer all your question after I finish them. Sa ngayon pakibaba po ako," ngiting sabi ni Shaina. "Pero anak delikado ang mga iyan. Marami sila kahit pa nasira ang sasakyan nila, mero'n pa ring buhay sa loob na'n paano ka?" Nag-aalalang tanong ni Mina.

"Please trust me," lahat sila ay walang choice lalo na't hindi rin sila makaka-alis basta-basta. Nag-umpisa na anv mga kalaban na palibutan sila. "Grandpa, I know you love Gun Shooting. Please protect them while I'm not around," tumango si Don Roman saka kinuha ang Sniper Rifle na gamit kanina doon na nga nila binaba si Shaina.

Pagkababa pa lang ni Shaina ay nagsimula na siyang paulanan ng bala. Mabilis din naman siyang gumanti at bawat isang kalaban, isang bala lang ang nagagamit niya.

Laging asintado sa noo ang mga kalaban kahitna hindi siya tumitingin. Kada may balang papunta sa kanya ay nagtatagp siya sa puno para hindi siya mataaman.

"Bakit hindi sila maubos-ubos?" Tanong ni Shaina sa sarili. Nag-reload ng magazine si Shaina dahil maubos na ang kanyang bala.

Masyado siyang focus sa mga kalaban kaya hindi niya nakikita na may dumarating pang reinforcement. Ang Grandpa naman ni Shaina ay nagpapa-ulan din ng bala. Dahil may nagtatangka sa kanila na pumatay. Hanggang sa ang isang reinforcement ay biglang naglabas ng bazooka.

Ngumisi ito saka pinalipad ang bomba nito papunta sa Van nila Shaina. Nanlaki ang mga mata ni Shaina pagkatapod niyang lumingon dahil sa malakas na pagsabog. Dahil din doon ay natamaan siya ng balang lumilipad sa braso.

Nangigil siya ngayon at mas lalong tumaas ang kanyang Adrenaline Rush. Tinawagan niya kaagad ang mga tauhan niya para i-track siya na sana kanina niya pa ginawa.

Walang pakundangang nagwala si Shaina dahil hindi niya inakala ang nangyari sa kanyang pamilya. Ang masaya sana nilang bonding, nauwi sa ganitong trahedya.

Nawalan ng kontrol sa kanyang emosyon si Shaina at pakiramdam niya ay magbe-break down na siya. Pinaputok niya lang ng pinaputok ang baril na hawak kahit minsay hindi n siya nakakatama.

Gusto niyang magalit sa sarili dahil sa kanya, nangyari ang lahat ng ito. Ilang sandali pa ay natamaan siya sa tiyan, sumunod sa likod, pati na sa paa niya at isa pang braso.

Doon na dumating ang reinforcement niya na kasama a Vin. "Queen! Hurry up and cover me," saad ni Vin. Mabilis naman siyang prinotektahan ng iba. "Queen! Anong nangyari?" Tanong ni Vin. Sumuka ng dugp si Shaina at halata sa itsura niya ang panghihina.

"Vin, save my family, they are in that Van. Kill the enemy for me," mahinang saad ni Shaina. Doon na siya nilamon ng dilim. At 'di na alam ang nangyari.

Sumunod sa utos Vin at pinatay nga ang lahat ng kalaban. Sinakay nila ito sa dala-dalang Van dahil sabay-sabay nila itong susunugin sa HQ. Nilinis nila ang daanan at hinayaan ang iba pang kotse na nagliliyab. Inapula naman nila ang apoy ng Van para kunin ang mga katawan na naroon. Maingat nilang sinakay ang katawan na nasa Van sa dala-dalang ambulansya na hindi nila inakalang magagamit.

"Vin, anong gagawin natin sa mga taong nasa ambulansya?" Tanong ng isa sa mga tauhan nila. "Dalhin niyo sila sa ospital ni Queen at balitaan niyo si Master tungkol sa nangyaring ito. Imbistigahan niyo rin ang insidenteng ito para malaman kung sino ang nasa likod ng ambush na ito," saad ni Vin.

Tiningnan niya ang katawan ni Shaina na ngayon ay nilalagay na sa stretcher. "Sigurado akong hindi palalampasin ni Queen ang pangyayaring ito lalo na't involve ang pamilya niya," napabuntong siya ng hininga at naglakad na papunta sa kotse.

Hindi nila hahayaang makita ng kalaban ang mga labi ng kasamahan nila. "I'm afraid to what will be the reaction of Queen if she finds out what happen to her family," malungkot na sabi ni Vin.

Umandar na kanilang sasakyan para bumalik sa HQ. Para na rin paghandaan ang magiging reaksyon ng kanilang pinuno.

--*--

Ctto: https://en.m.wikipedia.org/wiki/Kel-Tec_PMR-30

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon