4: Changes

4.4K 235 137
                                    

"Your motto sucks!"

Shaina Deshna Leivere

Kabanata 4: Ang mga pagbabago

Isang linggo pagkatapos umalis ang mga magulang ni Shaina. Pinaghintay nila ‘yong piloto ng isang oras pagkatapos ay pinalipad nila ito mag-isa.

Gaya ng naging usapan nito sa telepono ay nag-crash nga talaga ang eroplano at nakaligtas ito. Pagkatanggap ni Diego ng balitang nakaligtas ang piloto ay tinawagan niya ang abogado niya para sampahan ito ng kaso.

Ngayon ay dinidinig na sa korte ang kaso nito at nagpatuloy naman sa ginagawa nila sila Diego at Mina.

Si Shaina naman ay nagsimula ng pumasok sa school. Nasa katapusan na ng taon at ngayon ay sisiguraduhin niyang tataas ang taon niya sa High School.

Simula ng pumasok siya ay lagi na siyang nagpa-participate sa mga activity at mga recitation.

Evonne was her best friend and everyone knows that. But the thing is, Evonne was the famous and she is the nobody. Maraming nagsasabi sa kanya na ginagamit lang niya si Evonne para sumikat.

Si Evonne ang magaling, matalino, at ang tingin ng lahat ay perfect. Pero ang totoo? Ginagamit lang ni Evonne ang mga gamit ni Shaina pati na ang kayamanan nito. Siya ang madalas na humahawak ng ATM Card na dapat sana ay kay Shaina. Maraming nangbu-bully sa kanya noon pero hindi siya tinutulungan ni Evonne.

Siya namang si tanga, payag lang ng payag. Simula noon sa una niyang buhay si Evonne lang ang 'kaibigan' niya. Walang lumalapit sa kanya maliban dito. Hindi rin naman siya halos kinakausap ni Evonne kapag nasa school kasi marami siyang kaibigan.

‘Yun ang nangyari sa buhay niya noon na ngayon ay babaguhin niya. Lilipat siya ng taon para mawala sa paningin niya si Evonne.

Siya ang kinokopyahan nito noon, sa kanya pinagagawa ang assignment nila. Siya ang gumagawa ng paraan para sa problema ni Evonne. Ngayon, na alam na niya kung bakit ganyan ito, panahon na para baguhin ang imahe niya sa school na ito.

Bakit nga ba hindi niya nakita ang mga ito? Para bang binebenta niya ang sarili pagkatapos, tinutulungan niya pa ang nagbenta sa kanya sa pagbibilang ng pera. Gaano ba siya kadesperado noon? Gano'n ba siya katanga para magbulag-bulagan?

Harap-harapan na siyang niloloko ng kanya Best Friend. Mas maganda sigurong sabihing Ex-Best Friend.

Iniisip niya kung bakit at naalala ang paraan ng pakikipag-usap ni Evonne sa kanya. Isang sweet talker si Evonne at magaling magsinungaling. Hindi niya maalala kung kailan siya naghinala sa mga kilos nito noon.

Harap-harapan siyang magsinungaling at hindi man lang pumipikit habang nagsasalita. Tama rin pala na kasama sa Theater Art Club si Evonne. Sobrang husay kasi nitong umarte.

"Best! Ikaw ng bahala dyan sa assignment ko ha! Hindi ko kasi maasikaso, alam mo namang marami akong ginagawa," utos ni Evonne.

"Pasensya na best! Hindi ako nakinig kanina, baka hindi ko ito ma-perfect. Lutang kasi ako eh!" sagot naman ni Shaina. Nanggagalaiti naman si Evonne pero maintain pa rin ang masayang mukha sa kanya.

"Okay lang ‘yan. Matalino ka naman eh. Magagawan mo ‘yan ng paraan," ngiting sabi ni Evonne.

'Plastik ng ngiti mo girl. Masyadong pilit!' sambit ni Shaina sa isip. Hindi niya alam kung dahil ba sa galit niya kay Evonne na nakikita niyang napakapeke ng ngiti nito, o talagang peke ito ngumiti noon palang. Hindi  niya lang napapansin.

Kinuha niya ang notebook ni Evonne saka binuksan sa huling pahina pagkatapos ay may isinulat.

"Huwag mo akong sisisihin kapag bumagsak ka. Ikaw ang may gusto nito," ngumiting parang aso si Shaina kay Evonne pero hindi naman ito pinansin.

"Talaga? Thank you best!" Masayang sabi ni Evonne ng may pahalik at payakap effect pa.

"Aalis na ako best!" sabi ni Evonne saka umalis. Gamit pa nito yung magandang dress ni Shaina kahit pa ang sapatos, accessories, bag, at make up nito. Wala itong ginamit na pag-aari niya. Ang yabang pa ng paraan ng paglalakad nito.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Evonne. Nagpagawa ka na nga ng assignment ay nanguha ka pa ng gamit ko. Kung noon, pumapayag ako p'wes ngayon pasensyahan tayo," ngumisi si Shaina saka tinawag ang isa sa mga butler.

Inutos niya na buksan ang Secret Room sa kanyang kuwarto at ilagay lahat ng mamahalin niyang gamit doon. Pinapaltan niya ito ng mga pants, at iba't ibang uri ng t-shirt, mga rubber at flat shoes. Pinalagay niya doon ang mga gamit kung saan siya komportable.

"Magagamit ko rin kayo," sabi ni Shaina habang unti-unting ipinasara ang Secret Room. Ngayon siya na lang ang may access sa mga gamit niya.

"Your motto sucks!" ngising sabi ni Shaina.

Umalis na ang butler niya kaya agad niyang ni-lock ang pinto. Nagtungo siya sa harap ng salamin saka tiningnan ang sarili. Lumiit ang kanyang buong katawan pero hindi pa rin maitatangging maganda siya.
Ngumisi siya sa harap ng salamin saka ito pinagmasdang nang maayos.

"Ikaw, Shaina Deshna Leivere, hindi ka pa puwedeng mamatay sa pagtungtong mo ng 25 years old. Huwag mong ulitin ang pagkalamali mo noon. Huwag kang magtitiwala basta-basta. Maraming kalaban sa paligid mo," sabi niya sa sarili.

Ngumisi siyang muli ng ma-realize na hindi appropriate ang mga lumalabas sa bibig niya para sa isang ten years old.

"Kailangan ko pa palang i-recall ang ugali ko noong ten ako. Nadadala ko ang ugali ko bilang isang 25 years old. Kailangan kong maging maingat sa mga hakbang ko," sabi pang muli ni Shaina.

Pinuntahan niya ang Study Table saka sinagutan ang assignment niya at ni Evonne. Ang problema nga lang, minali niya ang lahat ng sagot ni Evonne habang ang sa kanya ay sigurado siyang perfect. Paanong hindi? Eh halos natataandaan niya pa ang mga nangyari noong elementary days niya.

Good thing na mero'n siyang photographic memory kaya madali lang para sa kanya ang mga sagot dito. Kinalahati niya lang ang gawa kay Evonne habang ang sa kanya ay nakatago na.

Kinagabihan, ay dumating sa mansion nila si Evonne habang may hawak itong mga shopping bags.

'Feeling mayaman,' sambit ni Shaina sa isip niya.

"Best sorry ngayon lang ako, nag-shopping din kasi kami eh. Ginamit ko rin pala yung ATM mo. Sorry din mukhang naubos ko ang laman," ngiting sabi ni Evonne

"200k ang laman niyan tapos naubos mo lang sa isang araw?" takang tanong ni Shaina.

"Paano 'yan? Sa susunod na linggo ba ang balik nila dad. Doon pa ulit ako magkakaroon ng allowance," malungkot na sabi ni Shaina. May simangot effect pa ito.

"Wala na akong allowance best. Libre mo ako bukas," ngiting sabi niya. Biglang namutla si Evonne sa kadahilang wala siyang maipagyayabang bukas. Siguradong may magpapalibre sa kanya dahil ang akala ng school ay mayaman siya at galante.

"Ba-bakit hindi mo tawagan si Tito? Manghingi ka ng pera sa kanya," namumutlang sabi ni Evonne.

"Naisip mo na rin 'yang best kanina pa. Kaso kasi tinanong ako ni Dad kung magkano ang gagastusin ko sa buong 2 weeks. Ang sabi ko 200k lang since hindi naman ako ganoon kagastos! Sigurado pa ako na may matititara pa roon," paliwanag ni Shaina. Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya.

'Mukha ka talagang pera, Evonne!' sambit muli ni
Shaina sa isip.
--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon