11: Home

4.1K 171 7
                                    

"Please be safe"

Diego Dave Lievere

Kabanata 11: Pagbabalik

"Hon pinatawag tayo ng mga pulis. Baka may balita na kay Shaina," mabilis na balita ni Diego.

Agad na umaliwalas ang mukha ng asawa na si Mina at dali-daling tumayo sa kama. Kakagising lang nila ng umagang iyon ng makatanggap ng tawag si Diego na may balita na raw sa kanilang anak na limang taon ng nawawala.

"Te-teka Mina, alam kong masaya ka na may balita na pero pwede bang mag-ayos muna tayo? Nakapangtulog ka pa oh!" pigil ni Diego kay Mina. Napatingin naman si Mina sa damit saka niya lang na-realize na nakapangtulog nga lang siya.

"Pa-pasensya na," nahihiyang sabi ni Mina. Agad itong tumakbo ng banyo na siyang ikinatawa ni Diego.

Pero ilang sandali lang ay naging gloomy ulit ang itsura niya. 'Sana magandang balita. Ayoko ng makitang miserable ang asawa ko sa pagkawala ng anak namin. Ang laki na ng pinayat niya simula noong nawala si Shaina,' malungkot na turan ni Diego sa sarili. Ayaw niyang ipakita sa asawa na nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya itong umiiyak. Pero alam niyang siya ang pinagkakapitan ng asawa kaya kailangan niyang maging malakas.

Ayaw niyang maging selfish lalo na ngayong kailangan siya ng kanyang asawa. Kahit gusto niyang umiyak, magmukmok, at mangulila, isa siyang lalaki kaya kailangan niyang maging malakas. Para sa kanya, sa asawa niya, pati na sa asawa niya. Pinagdarasal niya na lang na ito na ang panahon kung kailan makakasama na nila ang nawalay na anak.

Wala pang tatlumpong minuto ay tapos ng mag-ayos ang asawa. Hindi katulad dati na kung mag-ayos ito ay inaabot ng 1½ oras o higit pa. Parang wala na itong ganang mabuhay. Iyon ang napapansin niya. Hindi naman pwedeng alukin niyang gumawa ulit sila ng anak. Magagalit lamang ang kanyang asawa sa kanya kapag narinig ito mula sa kanya.

Naiintindihan niya ang asawa lalo na't nasa stage pa rin ito ng pangungulila. Nag-iisang anak nila si Shaina. Hindi na kataka-takang mahal na mahal ng dalawa ang kanilang prinsesa.

Tahimik na bumiyahe ang dalawa si Diego ang nagda-drive dahil simula ng mawala si Shaina, malimit na lang kung magpa-drive ang dalawa. Naging maingat sila sa mga pinagkakatiwalaan. Naalala nila ang sinabi ng anak na 'wag magtiwala kahit kanino kung 'di sa kanya at sa magulang ni Diego.

Sinunod lang nila ito dahil may hinala sila na nasa paligid lang gumawa nito. Wala pa silang suspek kaya mas delikado.

Pagpunta nila sa pinakamalapit na presinto, sinalubong sila ng dalawang PO1 na madalas nilang kausap tungkol sa kaso ni Shaina. "Mabuti po at nandito na kayo," bati ng isa sa mga PO1.

Sumunod naman sila at doon nakita nila ang kanilang anak na nakatulala. May benda ang ulo nito at naka-cast ng tela ang kamay nito. May suot itong malaking t-shirt na kulay gray kasama ang isang lalaking naka-sleeves at may banig na sumbrero. May edad na ito at medyo katamtaman ang tangkad.

"Sila po ba ang magulang niya?" tanong ng matandang lalaki.

"Anak!" hindi mapigilang ni Mina ang sarili na yakapin ang matagal na nawalay na anak. Bumuhos ang emosyon ng kanyang Ina pero wala pa ring nagiging reaksyon si Shaina.

"Nakita ko siya sa bukid namin sa Tarlac. Duguan at sira-sira ang damit. Nilalagnat din siya noong mga panahon na iyon. Isang buwan na rin siyang nasa amin. Ang hula namin ay taga-Maynila siya dahil na rin sa uri ng damit na suot niya. 'Yung unang presinto na pinuntahan namin ay tinuro ang presintong ito para maibalik na namin siya," paliwanag ng matanda.

"Kapos kami sa pera kaya hindi namin siya mapatingin sa doktor. Hindi rin namin siya maka-usap nang maayos kaya nag-aalala ako sa batang iyan," dagdag pa ng matanda. Nagluluha na rin ang mata ni Diego pero pinipigilan niya lang ito. Nakaramdam ng awa para sa anak si Diego. Hindi niya lubos akalain na mararanasan ito ng anak sa murang edad.

"Maraming salamat, ibibigay po namin ang reward niyo. Sabihin niyo lang ‘yong address niyo," pigil iyak na sabi ni Diego.
"Hindi na iho, masaya kaming makatulong. Oh paano?
Kailangan na naming umalis," sabi ng matanda.

Umalis ang matanda ng hindi lumilingon kay Diego. Napangiti siya dahil may mga tao pa palang katulad nito. "Maraming salamat PO1 Sarmiento sa tulong," sabi ni Diego.

"Kapag nasa maayos ng kundisyon ang anak niyo Mr. Leivere, kailangan namin siyang kunan ng statement. Hindi biro ang nasa likod ng pagkawala ng anak niyo dahil kung hindi ay matagal na namin siyang nakita," sabi ng isang PO1.

Tumango naman si Diego sa pulis. Nagbigay sila ng statement para sa report nito saka sila umuwi. Hanggang sa biyahe ay yakap-yakap pa rin ni Mina ang anak. Hindi niya ito binibitawan kahit na hindi siya nito kinikibo. Wala ito masyadong nagiging galaw.

Tumawag ng doktor at Psychiatrist si Diego para ipatingin si Shaina. Mabilis nilang dinala sa ospital kung saan niya pinapunta ang dalawang pinatawag na doktor.

Sinugod muna nila sa Emergency Room si Shaina. Nanatili lang sila doon ng isang oras bago lumabas ang isa sa doktor.
"Base sa mga Initial Test na ginawa namin sa kanya, medyo malnourish ang kanyang katawan. May mga sugat siya sa likod na medyo pagaling na. Sa tingin namin ay latay ito ng latigo. Ipapa-x ray scan muna namin siya kung tama nga ang hinala naming may fracture siya sa kamay. Marami rin siyang peklat sa katawan at ang iba ay sa tingin namin matagal na. Sa ngayon gagawa kami ng iba pang test lalo na sa behaviour niya dahil malaki ang posibilidad na nakakaranas ngayong ng Traumatic Disorder ang anak niyo," paliwanag ng doktor.

Pagkatapos magsalita ng doktor ay biglang hinimatay si Mina. Nataranta naman ang doktor at dali-daling nagpatawag ng nurse para maipasok sa loob ng ER si Mina.

Nablangko ang utak ni Diego at hindi kaagad nakagalaw dahil sa nangyari. Natulala siya habang iniisip kung ano nga ba ang nagawa nila para maranasang ang mga ito. 'Please be safe,' yan na lang ang katagang nasabi ni Diego kasabay ng pagka-upo niya sa upuan.

Nailipat na ng kuwarto ang mag-ina ni Diego. Pinagsama na lang nila sa iisang kuwarto ang dalawa para mabantayan. "Wala akong kuwentang ama't asawa!" inis na sabi ni Diego sa sarili habang nakatingin sa dalawa na parehong natutulog.

"Kailangang kumain ng masusustansyang pagkain ang asawa mo. Malaki ang binawas ng kanyang timbang kaya bumaba ang immune system niya mas prone siya sa mga sakit. Alagaan mo ang asawa mo. Stable na rin siya at kaunting pahinga mare-regain niya rin ang energy niya."

"Masyado akong pabaya. Hindi ko natutukan si Mina habang hinahanap ko si Shaina. Nakaka-inis!" ginulo ni Diego ang ang buhok niya dajil sa frustration. Kung may makakakita sa kanya, baka isipin na nababaliw na siya.

Pero bigla siyang ngumiti ng mapadako ang tingin niya sa anak. "Welcome back anak," mahina niyang turan.

--*--

Di-e-go Dayb Le-vi-re = Diego Dave Lievere
Sha-i-na Desh-na Le-vi-re = Shaina Deshna Lievere
Al-mi-na Grays Le-vi-re = Almina Grace Lievere

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon