Kabanata 1:
Nagising ako sa sunod-sunod na kalampag sa pintuan ng aking apartment. Sinubukan kong takpan ng unan ang aking tainga ngunit mas lalong lumakas ang mga katok.
Inis na tinapunan ko ng tingin ang nakasaradong pintuan bago tumayo upang tingnan kung sino ang lapastangan na gumagahasa sa aking pintuan. Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses na ayokong marinig buwan-buwan.
"Hoy Denzy! Alam kong nandyan ka sa loob ng bahay! Aba't anong petsa na, hindi ka pa rin nakakabayad!" narinig kong sigaw ni Aling Merna mula sa labas kaya mariin akong napapikit.
Bumuntonghininga ako at saka ngumiti nang napakatamis bago dahan-dahan buksan ang pinto.
"Good morning Aling Merna," masiglang pahayag ko. Mas lumawak pa ang aking ngiti nang makita ang nakabusangot na mukha ng matabang balyena—este matabang babaeng may-ari ng apartment ko.
"Hoy! Huwag mo akong madaan-daan diyan sa pangiti-ngiti mo. Araw ng bayaran ngayon baka nakakalimutan mo," masungit na wika niya habang binubukas-sara pa ang palad sa aking harapan.
Unti-unting nauwi sa ngiwi ang ngiti sa aking labi.
Kainis! Pasalamat nga siya't nginingitian ko pa siya.
"Aling Merna, kahit isang linggo pa po, alam niyo naman na next week pa ang sweldo ko." Nakasimangot na sagot ko.
Inismidan niya ako..
"Siguraduhin mo lang, nako!" paninigurado niya tapos ay naglakad na palayo at sa kabilang apartment naman nangalampag ng pinto.
Palihim ko siyang inirapan.
"Makasingil naman akala mong late ako nagbabayad ngayon lang naman ako nahuli ng bayad," bulong ko bago isinara ang pinto.
Wala na, sira na ang umaga ko.
Hindi sa naiinis ako dahil sinisingil ako ni Aling Merna, dapat naman talaga iyon kasi nangungupahan ako. Ang kinakainis ko ay naningil na rin siya kagabi bago ako matulog tapos natulog lang ako pagkagising ko'y naniningil na naman.
Akala ata niya tumatae ako sa gabi ng pera habang tulog?
·𖥸·
Mabilis na naligo ako para sa aking trabaho. Pagkalabas ko sa aking apartment ay kaagad kong natanaw si Berto na isa sa nagpepedikab sa aming lugar. Ang kanyang tingin ay nasa aking pintuan kaya kaagad nagtama ang aming mata. Ngiting-ngiti siya sa akin kaya napatitig ako sa kanya.Mas lumawak ang kanyang ngiti.
"Tenzy, nagagapuan ka na ba takin? Batit ganyan ka makatsingin?" tanong niya habang may ngisi sa labi habang kumikinang ang nakaluwang mata dahil sa kapayatan.
Napalunok ako dahil sa pagpipigil ng tawa dahil sa pagsasalita niya. Alam kong mali pero natatawa lang talaga ako sa pagkabulol niya, kahit pa siguro araw-araw kami magkausap ay natutuwa pa rin ako lalo sa kayabangan niya.
Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makita ang dalawang ngipin niya sa harapan, isa sa itaas at isa sa ibaba. One sit apart sila.
Laging ganito ang eksena namin Berto alam niya kasi kung anong oras ang aking pasok kaya nag-aabang siya upang masakyan ko siya hanggang labasan.
"Tsakay ka na." Nangingiting aniya.
Napangiwi ako bago tipid na ngumiti at sumakay sa kanyang pedikab. Minsan nga ay pinagtataguan ko na siya dahil naiilang na ako sa pagpaparamdam niya sa akin.
"Tabi mo takin pede tsayo lumabat," aniya habang nagbibike. Huminga ako nang malalim dahil ayoko siyang barahin.
Umagang-umaga Denzy, dapat good vibes lang.
"Berto, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi ako makikipag boyfriend ngayon. Pwede tayong lumabas as a friend. Ayoko naman na umasa ka kaya sinasabi ko ito sa'yo," naasiwang wika ko't kinagat ang ibabang labi tapos tumingin ako sa mga tambay sa lugar namin upang iwasan ang mga pasulyap-sulyap niya sa akin.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang napanguso. Isipin mo maitim na lalake tapos payat tapos bungal na nakanguso. Hay nako nagiging judgemental na ako.
"Tige labat na lang tsayo mintan at a prend," aniya kaya nakangiting tumango ako. Okay naman sa 'kin iyon, medyo nahihirapan lang talaga ako siyang kausap.
Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa paradahan ng jeep. Kumaway pa si Berto sa akin tumango ako saka ay nagmamadali sumakay sa jeep.
Napapikit ako nang malanghap ko ang amoy ni Manong sa akin tabi.
Nanapak 'yong amoy niya.
Napalunok ako at pasimpleng tinakpan ang ilong ko para hindi malanghap ang maanghit na amoy niya. Pakiramdam ko ay nahihilo na ako hindi pa man kami umaandar dahil pinupuno pa.
Umaga pa lang pero parang pauwi na ang amoy niya.
"Bayad na! Oh! Bayad na!" sigaw niya.
Dahil lutang ako sa amoy niya at pakiramdam ko ay high na ako sa anghit niya ay basta dumukot ako sa aking bag at iniabot sa kanya.
"Anong gagawin ko sa rexona?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang naiabot ko.
Napalunok ako. Punyeta bakit 'yung naka-sachet na rexona? Lagi kasi ako may dalang ganito pati toothbrush sa trabaho.
Kaagad kong binalik sa bag ko iyon. Nakakahiya.
"Ah—hehehe wala po kasi akong barya sampo rin naman po ito baka pwede na?" pagdadahilan ko tapos nag-iwas tingin, kumapa ulit ako sa wallet at nagkunwaring nagulat. "Ay ito pala may sampo ako."
Natahimik na ako at nagkunwaring abala sa aking phone. Nang malapit na ako sa bake shop at ilang kanto na lang ay itinago ko na iyon.
"May aso!" sigaw ko nang biglang may tumawid, napa-preno kaagad si Manong pero dahil medyo mabilis kami ay papunta kami sa nakabig niya sa gilid, malapit sa kanal.
Napasinghap ako sa gulat.
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nahulog na sa labas ng jeep tapos ay nakasubsob na ako sa kanal at nagkakagulo na ang mga tao.
"A-Aray!" daing ko habang hinahawakan ko ang balakang ko dahil parang nabali ata ang pigi ko.
Naririnig ko nagkakagulo ang tao basta ang alam ko ay amoy ako burak dahil na shoot ako sa kanal.
"T-Tulong! Tulong!" sigaw ko.
Maya-maya'y may naramdaman akong bumuhat sa akin na matigas na braso, mahigpit ang kapit nito sa akin.
Pero imbes na pa-bridal ang buhat niya ay nakatuwad ako sa kanyang balikat, ginawa pa akong sako. Hindi na ako nakapagreklamo, ang isip ko ay tumutuon na lang sa sakit ng katawan ko.
Kahit nanghihina ay pinilit kong magsalita kahit hilong-hilo na ako.
"Y-Yung bag ko kunin m-mo!" usal ko.
Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang isang baritong boses na galing sa may buhat sa akin.
"Yes, mommy."
-----•••-----
𝐒𝐚𝐯𝐢𝐨𝐫𝐊𝐢𝐭𝐭𝐲 | 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐓𝐨 𝐒𝐢𝐱
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...