KABANATA 36

84.5K 4.1K 2.5K
                                        


Kabanata 36:

"Sshhh. Mee. It's me, your baby Damulag."

Napakurap-kurap ako dahil sa sinabi ni Damulag. Tama ba ang narinig ko? Naaalala na ba talaga niya ako? Kailan? Paano?

Inaasahan ko na iyon base sa mga kilos niya kapag kami lang pero ang sarap pala sa pakiramdam na sabihin niya iyon mismo sa harapan ko.

Hindi ko alam pero tuluyan ng tumulo ang luha ko. Tears of joy na lang siguro para akong nabunutan ng tinik dahil sa narinig ko gusto ko sanang magtanong sa kanya pero sa sitwasyon namin ngayon ay mukhang hindi ako pwedeng makapagtanong.

"Who's there?"

"May tao ba diyan?"

Kumabog ang puso ko dahil naalala ko ang nakita ko kanina. My twin sister, Diane. She's alive, hindi ko alam kung paano.

Narinig ko ang kanilang mga yabag papalapit kung nasaan kami ni Damulag. Mas isiniksik ko ang sarili sa gilid habang si Damulag ay mas idikit ang katawan sakin.

"Ma'am Bianca nandyan po ba kayo? Ma'am! Hinahanap na po kayo ni Señorito Alpha," boses iyon ni David na medyo malayo pa.

"Shit, butler 'yon ni Alpha umalis ka na baka makita ka niya. Don't call me okay? I will call you kapag nasa Manila na ako." Nagmamadaling usal ni Bianca.

"Sige," boses iyon ng kakambal ko bago ako makarinig ng yabag palayo dahil sa buhangin.

Lumipas ang ilang segundo ay muli kong narinig ang boses ni David pero sa pagkakataong ito ay mas malapit na siya.

"Ma'am Bianca bakit po kayo nandito? Hinahanap na po kayo ni Señorito." Napakunot ko dahil sa sinabi ni David. Imposible iyon dahil nasa mismong harap ko si Damulag na tinatakpan ang aking bibig habang nakasilip.

"Oh, isn't it obvious? I'm looking for fresh air." Maarteng usal ni Bianca bago ko marinig ang kanyang paglayo.

"Paano magkakafresh air e toxic ka." Mahinang ani David.

"What did you say?"

"Hehe, wala Ma'am sabi ko mahamog na po, pumasok na ho tayo."

Pagkaraan ng ilang segundo ay inalis na ni Damulag ang pagkakatakip sa aking bibig kaya napabuga ako ng malalim ng hininga bago ako tumingin sa kanya.

"Are you hurt?" Kunot-noong tanong ni Damulag nang bumaba ang mukha niya sa akin.

Umiling ako tapos ay inangat ko ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi, bahagya pang nanginig ang aking palad. Baka kasi niloloko lang ako ng sarili kong imahenasyon baka naman hindi totoo itong Damulag na nasa aking harapan.

"Why are you crying, Mee? Nahigpitan ko ba ang pagkakatakip? Natakot ba kita? Galit ka ba?" puno ng pag-aalala ang kanyang boses habang taimtim na nakatingin sa akin.

Ngayon ko lang nakita ang ganyan emosyon sa kanyang mata simula nang makita ko siya ulit.

Sinapo niya ang aking magkabilang pisngi at gamit ang magkabilang hinlalaki ay pinunasan niya ang luhang nasa aking pisngi. Hinimas ko rin ang kanyang pisngi, ang kanyang makapal na kilay, sinundan ko ang linya ng kanyang mata, ang matangos niyang ilong bago ko padaanan ng aking hinlalaki ang kanyang manipis na labi.

Kahit madilim ay pinakatitigan ko siya nilakihan ko pa ang mata ko para mas makita ang gwapong lalaki sa aking harapan.

"Totoo ka ba? Ikaw talaga? Naaalala mo na ako Damulag?" nag-aalalang tanong ko habang hinuhuli ko ang kaniyang mata.

Dahan-dahan tumaas ang sulok ng kanyang labi pagkatapos ay niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"I missed you so damn much Mee. I can't pretend anymore, I can't fake everything anymore. Miss na miss na kita, ang tagal kong nagtitimpi na huwag kang yakapin. Na huwag kang kausapin pero minsan, minsan talaga hindi ko maiwasan kaya itinatakas kita. I can't take it anymore. Mababaliw na ako sa kakaisip sa'yo. Sa kakatingin sa'yo mula sa malayo. I'm so fucked up," mahinang aniya sa tainga ko.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon