Kabanata 6:Nagpalinga-linga ako sa labas ng apartment bago ko sinenyasan si Damulag na lumabas doon. Hindi pwedeng makita siyang galing sa bahay ko dahil ang magagaling kong kapit-bahay ay matatabil ang dila.
Siguradong kapag may lumabas na lalaki sa bahay ko ay iba na ang ibabalita ng mga iyan.
Kesyo, buntis ako.
Napairap ako sa hangin ng sumakay kami sa jeep ni Damulag ay kumandong ito sa akin.
Putcha! Natawa 'yong mga kasabay namin.
"Maupo ka, magbabayad naman tayo," utos ko sa kaniya na agad niyang ginawa, bahagya akong yumuko dahil sa pamumula ng mukha ko.
Mas maaga akong umalis sa bahay ngayon dahil ayokong sumakay kay Berto paniguradong magtatanong na naman ng kung ano-ano iyon at sasakit ang ulo ko kakaintindi sa kaniya.
Napatingin ako kay Damulag nang kumapit siya sa braso ko. Sobrang laki ng kamay niya at braso pero kung makakapit sa akin ay wagas, halos mabali ang braso ko.
Naalala ko nagpahugas siya ng puwet katabi, wala akong nagawa dahil hindi raw siya marunong. Nung tinanong ko siya puro iling lang siya habang nakatitig sa kamay niyang mabula dahil habang tumatae pala ay pinaglaruan ang sabon.
"Ngayon ka lang ba nakasakay sa jeep?" pansin ko kay Damulag ng parang nahihilo siya.
Tinapik ko ang balikat ko at nginusuan siyang umulo roon. Hindi ko alam kung naiintindihan din niya iyon kasi nakatitig lang siya sa akin kaya ako na mismo ang humilig sa ulo niya sa akin.
Nahigit ko ang hininga at napatuwid ng upo nang imbes na sumandal siya sa balikat ko ay isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg. Habol ko ang hininga habang nasa gano'n kaming posisyon naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso.
Kumalma na siya.
"Y-You smell good, Mee."
Hindi ko alam pero hindi ako nailang bagkus ay napangiti pa ako.
Tinasaan ko ng kilay ang mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin kay Damulag. Mga hitad!
Mga nakasando pa! Kaitim na man ng mga kili-kili.
Sinalubong ko ang tingin nila.
"Ngayon lang kayo nakakita ng gwapo? O ngayon lang kayo nakakita ng naglalampungan sa jeep?" taas kilay na tanong ko sa sakanila.
Hindi sila nakasagot hanggang pumara sila. Nag-iwas tingin sila kaya hindi ko na pinansin.
Hindi nagtagal ay bumaba na kami sa harap ng bake shop na pinagta-trabahuhan ko. Hindi ko naman gustong isama itong lalaki na ito kaso baka naman masunog niya ang bahay kung iiwan ko siya roon.
"I don't like that thing." Napatingin ako kay Damulag nang magsalita siya, kitang-kita ko ang kunot ng kaniyang noo at nakangusong bibig.
Naitikom ko naman ang akin dahil bahagya akong napanganga sa itsura niya. Ang gwapo talaga!
"Huh?" ang bilis kasi mag-english. Lintek na pulubi 'to.
"S-Smell like an onion. A u-under-arm odor, Mee." Parang batang paliwanag niya kahit ako ay nagugulat sa pagsasalita niya, parang kahit siya ay hindi alam bakit siya nag-english.
Kinagat ko ang ibabang labi.
"Putok tawag do'n. Iyon 'yong taong walang ligo-ligo basta palit lang ng damit, arte mo mas mabaho ka pa nga roon kahapon," aniko tapos tinaasan siya ng kilay. "Dapat matuto kang magtagalog dahil hindi kita kakausapin kung puro ka english," aniko.
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...