KABANATA 21

76.7K 4K 2.2K
                                    


Kabanata 21:

"Gooooood morning baby!" masiglang sigaw ko upang gisingin si Damulag.

Tapos ay kiniliti ko siya kaya napaigtad siyang bumangon. Natawa ako nang mahulog siya sa kama tapos ay nakasimangot na tumingin sa akin.

"Mee!" may pagkairitang aniya.

Sinapo ko ang kaniyang mukha bago halikan ang tungki ng kaniyang ilong. "Good Morning baby. Tanghali na po mahal na hari kaya gising na aalis tayo." Nakangising aniko.

Tiningnan niya ako nang may pagtataka ang mukha animong nakakita siya ng maligno.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Natatawang sabi ko bago tumayo, tumayo rin siya habang sinusundan ako ng tingin.

"You're weird Mee., aniya tipid na ngumiti ako bago naglalambing na niyakap siya sa beywang niya hanggang dibdib lang niya ako kaya nakatingala ako sa kaniya.

"Weird ba? Love mo naman ako hindi ba?" tanong ko sa kaniya.

"Yes Mee, I love you," mabilis na sagot niya na may kasama pang pagtango.

Ngumiti lang ako bago tumalikod. "Tara pagluluto kita ng kahit anong gusto mo tapos aalis tayo mamaya pupunta tayo kahit saan mo gusto," masayang pahayag ko.

Natatawa ako dahil kung tingnan niya ako ay parang may mali sa inaasta ko. Ilang sandali niya akong pinaka titigan bago tumango.

"Do you have work?" Kunot-noong tanong niya.

"Mmm. Aabsent muna ako. Basta! Huwag ka ng magtanong magbo-bonding tayo ngayon araw. Okay? Ano gusto mong almusal?"

"I want a coffee that you made and pancakes." Nakangiting sabi niya tumango ako bago guluhin ang kanyang buhok.

Mabilis na natapos kaming kumain ng umagahan, wala akong ibang ginawa kung hindi subuan siya gano'n din siya sakin. Natutuwa ako dahil gano'n siya kaganang kumain noong una ay maselan si Damulag sa mga hinahain ko sa kanya pero ngayon ay kahit ano ay kinakain na niya.

"Ligo na tayo?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong maghugas ng plato.

"Tayo? We will take a shower together?" hindi makapaniwalang aniya.

Oo, noong una pinapaliguan ko siya saka kapag minsan na nagmamadali kami kasi alam kong kapag pinabayaan ko siyang mag-isang maligo ay tatagal pa. Hindi pa kami nagsasabay maligo ni Damulag kaya alam kong nabibigla 'to.

"Hahaha. Oo ayaw mo?" agad siyang umiling kaya napatawa ako.

Malalaking hakbang na pumunta siya sa banyo at nagmamadaling naghubad ng damit. Damn! Napaka hot.

Alam kong kabaliwan itong mga ginagawa ko pero wala naman akong paki.

Natawa ako ng makita si Damulag na naghuhubad na nagmamadali. "Mee, let's go. I'm ready!" sigaw niya.

"Eto na po kamahalan!" sigaw ko bago hubarin ang damit ko pati short tanging bra at panty na lang ang suot ko.

Hindi na ito ang unang beses na nakita ako ni Damulag na ganito. Kadalasan kasi pag naliligo ako ay bigla na lang siyang papasok sa banyo para mangulit.

Natatawang tumapat ako sa shower. Hinawakan ko ang kamay ni Damulag at iniabot ko ang sabon sa kaniya.

"Sabunan mo si Mee tapos ikaw naman," aniko.

Ilang sandali siyang hindi gumalaw bago niya simulan sabunin ang likod ko ilang sandali lang mukhang nag-eenjoy na siya dahil kahit kili-kili ko ay sinasabon na niya. Gano'n din naman ang ginawa ko sa kanya.

Hanggang matapos kami, walang malisyo ligo lang talaga kahit naman may pagkamanyakis ako e alam ko naman isip bata 'to. Hindi ko pwedeng pagsamantalahan.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon