KABANATA 4

93.2K 5.1K 2.4K
                                    


Kabanata 4:

"Huwag kang uupo sa sofa madudumihan 'yan. Tumayo ka lang diyan, hintayin mo ako rito. Damulag, maliwanag ba?" sabi ko sa lalaki na inuwi ko sa apartment ko.

Kanina ng yakapin niya ako nang mahigpit ay agad ko rin siyang tinulak dahil hindi ko kinaya ang amoy niyang pamatay.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Kung tama bang iuwi ko siya rito pero hindi ko talaga siya kayang iwan sa bayan. Kung kaya ko lang ay ginawa ko na, pakiramdam ko ay hindi ako papatulugin ng kunsensya ko kung nagkataon.

Madilim na sa labas at umuulan pa.

Kumuha ako ng pinakamalaki kong t-shirt na puti na sa tingin ko ay kasya naman sa kanya. Kinuha ko rin ang jersey short na malaki na ibinigay sa akin ni Berto nang nanalo sila sa paliga sa lugar na ito. Sa tingin ko ay kasya na ito kay Damulag kahit medyo maliit ito sa kanya kasi matangkad siya, baka kapos sa ilalim.

Habang nasa kwarto ay naisip ko na kung saan ko maglalagay ng magagamit ko pang-self defense, siguro kutsilyo o mga babasagin pinggan.

Tagalang babasagin ko iyon sa ulo niya kapag may ginawa siyang masama.

Bumalik ako sa kaniya at katulad ng sinabi ko ay nakatayo lang siya sa harap ng nakasarang pinto at nagmamasid lamang doon habang pinaglalaruan ang paa nitong madumi.

Napanguso ako.

"Damulag maligo ka muna," tawag pansin ko sa kaniya.

Napatingin siya sa akin tapos ay napatabingi ang kaniyang ulo parang pilit iniintindi kung ano ang aking sinabi.

Napabuntonghininga ako bago humakbang papalapit sa kaniya, hinawakan ko siya sa braso dahil apura sipat niya sa maliit kong apartment animong pinag-aaralan bawat sulok nito.

Wala naman siyang mananakaw rito.

"Sabi ko maligo ka na muna." Hinila ko na siya papunta sa banyo ro'n.

Maliit lang iyon, may bowl, gripo at shower kasyang-kasya lang para sa isang tao. Wala siyang imik nang pumasok kami sa loob, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang maghubad siya.

"M-Maligo ka na, dito lang ako sa labas," mabilis kong sabi saka lumabas na.

Ilang minuto akong nakatayo roon pero wala akong naririnig na buhos ng tubig o ano man kaya sinilip ko siya. Napatampal ako sa aking noo nang makitang nakatayo lang siya roon habang nakatingin sa pinto animong hinihintay ako.

Inis na pumasok ulit ako. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? H-Hindi ka marunong maligo?"

Nakagat ko ang aking ibabang labi habang tinitingala siya na tahimik lang na nagmamasid sa masikip kong banyo.

Huminga ako ng malalim.

"M-Maghubad ka maliligo ka muna," sabi ko tapos ay pumunta ako sa maliit na lababo ko para kunin ang pangshave ko roon. Well, alam niyo na kung saan ko 'yon ginagamit.

Humarap ako sa kaniya pero nakatingin lang siya sa shower, nandoon ang buong atensyon niya.

"Maliligo ka na, naiintindihan mo ba ako? Sabi ko maliligo ka, ahm... you need to clean your body gets mo? Huwag mo ako masiyadong pag-englishin dahil lalagnatin ako," sabi ko at hinawakan siya sa braso.

"Mommy, shower," iyon lang ang nasabi niya pagkatapos kong maglitanya kaya napakamot ako ng batok.

"Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka," bulong ko.

Nakatingin lang siya sa akin tumalikod ako para kunin ang maliit na upuan tapos ay bumalik ako para umupo siya habang pinapaliguan ko dahil masiyado siyang matangkad at siguradong hindi ko siya maaabot.

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon