Kabanata 42:It's been two weeks since Bianca arrested and put into psychiatric center.
Isang salita lamang ang pwedeng ilarawan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. 'Happy'
I never imagined na magiging masaya ako ng ganito, na walang pinagtataguan na hindi ka matatakot lumabas sa bahay na baka bigla na lang may bumaril sayo. Na hindi ka natatakot na baka hindi muna makita 'yung mga mahal mo sa buhay.
Diane and Kier are in the stage of getting to know each other, ang weird kasi may anak na sila tapos parang ngayon pa lang sila nagkakakilala talaga.
I'm happy for my twin and of course para na rin sa tukmol na si Kier. Deserve ng mga anak niya ang magkaruon ng maganda at kumpletong pamilya. Iyong may matatawag na Ina at Ama.
Sobramg saya ko sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Dem nang makita niya ang totoo niyang Mommy. Nakakatuwa rin dahil hindi tinuturing na iba ni Diane ang anak ni Kier kay Bianca kung paano niya alagaan si Dem ay gano'n din kay Sammy.
Hindi na ako nakatira sa bahay ni Kier, binibigyan ko ng pagkakataon mabawi ng kapatid ko ang mga panahon na wala siya sa piling ng anak niya at pansin ko naman ang mga titig sa kaniya ni Kier.
Mga malagkit na tingin na alam na alam ko lalo't gano'n ako pag pinagnanasahan ko si Damulag.
Speaking of Damulag, sa may penthouse niya ako tumutuloy. Simula no'n ay hindi na niya hinayaan tumira sa iba kahit ano pang sabi ko sa kaniya na pangit tingnan kasi wala naman kaming relasyon e.
Noong umpisa ay hindi kami tabing matulog pero nang mga nakaraang araw aba'y nagigising na lang ako na nakayakap na siya sa akin at nakasubsob sa dibdib ko o kaya sa leeg.
Si Achilles naman ay bumalik muna sa New york.
Napukaw ang aking pag-iisip ng makita ko ang tumatawag sa akin.
Agad ko iyon sinagot at napangiti ako nang makita si Berto sa screen. Nakauwi na siya sa Singapore pagkatapos ng pangyayari na iyon ay umuwi na siya sa pamilya niya.
"Magiging tatay na ulit ako Tenzy este Denzy! Buntis na ang asawa ko!!" Naiiyak na tumatawang balita niya sakin.
Pinatawad ko na si Berto para sa pagkakamali niya. Akala ko noon magiging mahirap, akala ko mahirap pero depende pala kung paano mo hahawakan ang sitwasyon.
"Congrats! Ninang ba ulit ako?" Natatawang aniko.
Alam kong masaya siya ito ang unang baby niya kahit pa tinuturing na niyang anak ang unang anak ng asawa niya sa pagkadalaga alam kong iba pa rin pagsarili mong anak.
Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Berto bago niya patayin ang tawag.
Nakangiting lumabas ako ng penthouse ni Damulag balak ko kasing pumunta kila Kier habang wala si Damulag para sana maka-bonding ang kapatid ko at ang mga bata.
At saka manghihingi ako ng payo kung ano bang magandang gamot dahil ilang ulit ng sumasakit ang ulo ko at dumudugo ang ilong ko.
Nasa labas na ako ng building at pasakay na sana ako sa aking kotse ng biglang may humintong van.
Nagpupumiglas ako lalo ng takpan ng lalaki ang ilong ko ng panyo bago ako maingat na ipasok sa van hanggang umandar ang van.
Hindi naman ako nahilo sa pinaamoy nila kaya kunot-nuong pinalibot ko ang tingin ko sa mga taong nasa Van.
"S-Sino kayo?" histerikal na tanong ko gusto kong maiyak at tumalon pero sa magkabilang gilid ko ay may lalaki.
"Don't cry miss. Napag-utusan lang kami," ani ng isang lalaki.

BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...