KABANATA 30

80.1K 3.9K 1.1K
                                    


Kabanata 30:

Hindi ko na alam kung paano ako nakapunta sa morgue ng ospital basta nakita ko na lang ang aking sarili na naglalakad papasok sa puting kwarto habang may nakahawak sa aking braso para alalayan akong hindi matumba.

Nanlalamig ang buo kong katawan. Nanunuyo ang aking lalamunan, pakiramdam ko ay lutang ako dahil sa natanggap kong balita.

"Pasok ho kayo, ito po," sabi ng isang Pulis sabay turo sa isang katawan na natatabunan ng puting tela habang nakahiga sa stainless na pahaba.

"Kaya mo ba?" Hindi ko binalingan ng tingin ang nagsalita sa aking gilid na may hawak ng aking braso kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

Si Damulag.

Tumango ako,  sumenyas si Damulag na buksan ang tela, napatakip ako ng bibig nang dahan-dahan buksan ng tauhan sa ospital ang telang puti.

Lumapit ako nang kaunti upang mas makita ko ang malamig na katawan kahit na nanginginig na ako, ilang segundo akong nakatingin dito halos hindi na makilala ang katawan.

Sunog iyon at may ilang laman pa sa mukha na humihiwalay na dahil siguro sa pagsabog.

Mariin akong napapikit bago napabuga ng malalim na hininga. "Hindi yan si Kier," mahinang bulong ko.

Para akong nabunutan ng tinik, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung nagkataon katawan ni Kier ang nakita ko. Kawawa naman ang mga anak niya kung nagkataon napaka bata ng mga ito.

"Sigurado ka ho ba Misis?" tanong ng isang Pulis.

Sinalubong ko ang tingin nila. "A-Alam ko ho ang katawan at mukha ni Kier. Hindi po siya 'to," madiin usal ko.

Ilang taon kong nakasama si Kier, alam ko.

"Sige po, pero magkakaruon pa rin po ng inbestigation para makasigurado tayo." Tumango na lang ako.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon si Kier, kahit pa nakita doon ang mga gamit niya. Kahit i-autopsy nila ang bangkay, malakas ang pakiramdam kong hindi iyon si Kier.

Tumalikod na ako, hindi pa rin ako binibitawan ni Damulag kaya bahagya kong binawi ang aking braso sa kanya bago siya tingnan.

"Kaya ko ng maglakad, salamat."

"Are you sure?"

Hindi ko na siya sinagot hanggang makalabas ako ng ospital doon ko nakita ang madaming body guard na nakaabang sa amin.

Tahimik ako habang nasa biyahe kami pauwi, may inutusan si Damulag para kumausap sa mga Pulis. Hindi ko na sila kinausap, wala ako sa tamang wisyo.

Oo nga't hindi si Kier ang bangkay na nakita sa loob ng sasakyan niyang halos hindi na makilala pero pala-isipan pa rin sa akin kung nasaan siya ngayon.

Kier is a good friend, my bestfriend. Sa dumaang taon ay nakasama ko siya sa mga problema ko. He's my problem absorber.

After my parents death, Kier asked me to stay with him. For my safety.

Nuong namatay si Nanay at Tatay dahil sa grupo ng mga lalaking pumasok sa apartment ko. Imbes na umuwi ako sa probinsya noon ay sila ang pumunta sa akin sa Manila saktong umalis ako at si Dem para bumili ng pagkain namin sa gabi.

Pagbalik ko sa apartment wala ng buhay ang magulang ko.

Wala na sila.

Para akong mababaliw no'n habang hawak ko ang duguang katawan ng magulang ko. Wala man lang nakarinig ng putok ng baril nang gabing iyon at wala rin witness.

Doon na nagdesisyon si Kier na kunin ako at si Dem.

Hindi ko alam paano nalaman ng mga lalaki na iyon ang tinitirhan ko. Isa lang din naman ang alam kong dahilan kung bakit may gagawa no'n sa akin dahil wala naman akong kaaway. Isa lang ang dahilan at iyon ay dahil ako ang nag-alaga kay Damulag. Hindi ko na alam kung ano pang kailangan nila sa akin.

We decided to hide my identity, Denzy Cruz is my real name pero Denzyeil Mauv na ang ginagamit ko ngayon.

Nagpakasal kami ni Kier, yes. I used him for my safety. He used me for his kids. Our marriage is fake. Lahat ng papeles ay planado. Wala talagang Denzyeil Mauv na nabubuhay.

Paano kami nakalusot? Connection.

Paano ako mahahanap ng mga naghahanap sa akin kung hindi na nila matract ang pangalan ko, parang pinaglaho namin si Denzy Cruz.

My relationship with Kier is purely platonic. No romantic feeling attached.

Napukaw ang pag-iisip ko huminto ang sasakyan.

"We're here," deklara ni Damulag bahagya ko siyang sinulyapan.

Doon ko lang napansin ang palad niyang nasa hita ko. What the—bakit nandyan 'yan?

Bahagya akong tumikhim bago lumabas.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa kanya pero hindi ko naman kayang magalit kay Damulag simula pa noon hanggang ngayon siya lang ang nakakapagpatibag ng harang sa puso ko.

Nang makababa ako at makapasok sa bahay ay naabutan kong buhat ni David si Sammy habang isinasayaw-sayaw ito. Si Dem naman ay nanunuod ng TV, wala man lang silang kaalam-alam sa nangyayari.

"Mama saan ka nagpunta?" punong kuryosidad na tanong ni Dem ng lumapit siya sa akin.

Masuyo kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Dem naaksidente kasi ang sinasakyan ni Daddy Kier mo. Ang akala ng mga Pulis si Daddy mo ang nasa loob kaya kinailangan kong pumunta doon," paliwanag ko sa kanya.

Matalinong bata si Dem hindi ko naman kailangan magsinungaling sa kaniya.

"Si Daddy po ba? Kasama na po ni Daddy si Mommy sa heaven?" tanong niya. Hindi naman lingid kay Dem na hindi talaga ako ang totoo niyang ina, sinasabi namin iyon sa kaniya.

Kita kong naiiyak siya kaya mabilis akong umaling.

"Hindi, of course hindi. Nawawala lang si Daddy mo pero hindi pa siya patay okay? Hahanapin natin si Daddy mo huwag kang mag-alala gagawa si Mama ng paraan." Pagpapalakas ko ng loob niya kahit na parang sa sarili ko dapat iyon sabihin.

Tumango siya at ngumiti. "Naniniwala ako sayo Mama," aniya.

Ngumiti ako sa kaniya at bumaling kay Damulag na hindi umaalis sa aking tabi.

"Makakauwi na kayo. Dadating maya-maya ang mga kasambahay dito. Pwede niyo na kaming iwan Damulag," sabi ko sa kaniya kumunot ang kaniyang noo.

Nakita kong nag-aalinlangan siya bago blanko ang mukhang lumapit sa akin.

"Cellphone mo?" aniya.

Kahit nagtataka ay kinuha ko ang cellphone ko ay ibinigay sa kaniya.

Mabilis ang daliring may tinype siya doon bago ibalik sa akin. Hindi ko alam kung imagination ko lang o talagang bahagya niyang pinisil ang kamay ko.

"Call me if you need me Denzy," malamig ang kaniyang boses pero may kakaiba sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin.

Tumango ako hanggang makaalis sila ay nakatulala ako.

Napatingin ako sa inilagay niya sa aking phone.

He saved his number.



09357654321
Damulag 🍆

**

SaviorKitty | Back To Six

Back to SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon