Kabanata 19:"Disco ano po?"
"Dissociative amnesia."
Napatingin ako kay Damulag na mahimbing na natutulog bago ibalik ang tingin sa Doctor.
"Pwedeng paki-explain Doc?"
Isinara ng Doctor ang folder bago magsalita ulit. "Hindi kasi isa lang ang amnesia may iba't- ibang uri rin ito.
Dissociative amnesia is not the same as simple amnesia, which involves a loss of information from memory, na madalas na resulta ng sakit o kaya naman injury. With dissociative amnesia, the memories still exist but are deeply buried within the person's mind and cannot be recalled."Kunot-noo ako habang ipinapaliwanag iyon ng Doctor sakin.
"Doc. ano naman pong dahilan kung bakit nagkakaruon ng ganyan amnesia?"
"Dissociative amnesia occurs when a person blocks out certain information, kadalasan ay dahil sa traumatic event or stress na napagdaanan ng pasyente. Nagsasanhi iyon para mahirapan siyang maalala ang mga importanteng inpormasyon tungkol sa kanya. Base sa ginawa nating test kanina ay hindi niya maalala halos buong buhay niya."
"May tatlong klase kasi ang Dissociative Amnesia. Ang localized, hindi maaalala ang isang pangyayari lang, this is the most common type. The second one is Selective, unable to remember a specific aspect of an event or some events within a period of time and the last one ito ang pinaka rare sa lahat ang generalized. Complete loss of identity and life history."
"Sa sitwasyon niya halos lahat binura niya at natira lang ay pag-iisip niya bilang bata. Sinabi mo rin na tinatawag ka niyang Mommy. May dahilan din iyon o konektado iyon sa nangyari sa kaniya noon o bago siya mawalan ng ala-ala."
Hindi ako nagsalita habang nakikinig sa paliwanag ng Doctor napahigpit ang hawak ko sa damit ko sa ilalim ng mesa.
Hindi ko lubos maisip na gano'n ka-grabe ang pinagdaan ni Damulag para makalimutan niya ang nakaraan niya. Naiisip ko pa lang na nasa kalagayan niya ako na gigising isang araw ay wala na akong maalala at kasama baka talagang mabaliw ako non.
"Doc minsan ho napapansin kong parang hindi naman siya isip bata. Hindi ko po alam, minsan po 'yong kilos niya pangmatanda."
Tumango-tango naman ang Doctor.
"Kagaya ng ano?"
"Kagaya po nang niligtas niya ako."
"May mga oras kasi na kahit hindi nakakaalala ang utak ay nagkukusa ang katawan. There is a lack of conscious self-knowledge which affects even simple self-knowledge, such as who they are but kapag may mga events na natri-triggered ang sarili nila wala sa sariling nagagawa nila ang mga bagay na kaya nilang gawin bago sila mawalan ng ala-ala."
Napatango-tango ako, kaya pala minsan ay nagugulat na lang ako sa mga galawan ni Damulag.
Siguro nga hindi nakakaalala ang utak niya pero unconcious na nagagawa naman niya ang mga bagay na angkop sa kanyang edad.
"Doc may pag-asa pa po bang gumaling siya? May ipapainom po ba dapat o ano po bang treatments ang dapat gawin sa ganyan kaso?"
"Because dissociative amnesia is defined by its lack of physical damage to the brain, treatment by physical methods is difficult," aniya.
Napakamot naman ako ng ulo e paano pala gagamutin kung gano'n?
"May dalawang paraan din ang treatment sa mga taong nakakaranas ng ganyan amnesia."
"Ano po 'yon? Pinapakaba niyo naman po ako Doc e, tuloy-tuloy niyo na po." Tipid na ngumiti lang ang Doctor bago ulit magsalita.
"Supportive environment treatment by helping people feel safe and secure-for example, tulungan ang pasyente para hindi na makaranas ng ano pang traumatization. If people have no apparent urgent reason to recover the memory of a painful event, this supportive treatment may be all that is needed."
"Pangalawa, Doctors use hypnosis and drug-facilitated interviews to reduce the anxiety."
"Drugs po?"
"It's like a honest drugs. Magsasabi ang pasyente ng mga impormasyon tungkol sa nakaraan niya."
Napatango-tango ako dahil sa sinabi niya. May gano'n pala? Iniisip ko pa lang mukhang mahal na ang pagpapagamot sa ganyang kaso wala naman akong gano'n kalaking pera.
"Sige po Doc thank you po."
***
PAGKATAPOS namin mag-usap ng Doctor ay iniwan na ako nito kaya naman pumunta na ako kay Damulag para gisingin siya para makauwi na kami.
Umupo ako sa gilid ng kanyang kama bago ko haplusin ang kanyang buhok. Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan niya sa nakaraan para makalimot siya ng ganito. Siguro ay sobrang takot o trauma ang napagdaanan niya.
"Damulag gising na."
Niyugyog ko ng kaunti ang balikat niya hindi naman nagtagal ay dumilat na siya.
"Mee," aniya tapos ay naglalambing na yumakap sa leeg ko kaya napasubsob din ako sa unan niya sa bandang leeg niya.
"Uuwi na tayo." Ang higpit ng pagkakayakap niya sakin.
Binitawan niya naman ako, pinagpahinga ko lang siya sandali bago kami umuwi. Nakaakbay siya sa akin habang palabas kami sa ospital. Paliko na sana kami palabas ng may makabungguan akong babae.
"Sorry," panghingi ko ng tawad.
Mabilis kong pinulot ang nahulog niyang pouch bago ko iabot sa kaniya para isaoli naabutan ko siyang nakatingin kay Damulag na nasa likod ko.
"Uhm, miss bag mo," pukaw ko sa kaniya.
Napakurap-kurap siya. Napakunot ang aking noo dahil parang pamilyar siya sa akin hindi ko nga lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"T-Thank you." Nagmamadali siyang umalis muntik pa nga siyang makabunggo ulit.
Nagkibit-balikat ako.
"Tara na nga," baling ko kay Damulag.
Nagsalubong ang aking kilay ng maabutan ko si Damulag na sinusundan ng tingin ang babaeng nakabungguan ko.
Tsk, babaero ata tong mokong na to.
"Hoy, type mo ba 'yon?" inis na aniko bahagyang pumitik sa harap niya.
Imbis na sumagot ay napahawak si Damulag sa kaniyang ulo. Kaya agad akong ginapang ng kaba nakita ko kung paano namutla ang kaniyang mukha.
"Ahhh! Aray!" sigaw niya.
"Hala!" naranta na ako.
Wala na akong nagawa kundi yakapin si Damulag nang unti-unti siyang napasalampak sa sahig habang sumisigaw.
"Damulag! Nandito ako! Nandito lang ako." Nanginig ang boses ko.
Parang may sumaksak ang puso ko ng maramdaman kong umiiyak na si Damulag habang nakasubsob sa balikat ko.
"Hindi ko sinasadya... I didn't mean to ki---" bulong niya bago mawalan ng malay.
SaviorKitty | Back To Six
BINABASA MO ANG
Back to Six
General FictionThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...