Kabanata 2:
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata napangiwi pa ako nang maramdaman kong masakit ang braso at balakang ko kahit hindi pa ako gumagalaw.
Tumambad sa akin ang puting paligid.
Patay na ako? Wow. Kahit pala masama ugali ko sa langit pa rin ako mapupunta.
"Gising na ho pala kayo."
Kaagad dumapo ang aking tingin sa nagsalita sa gilid at napakunot ang aking noo nang makitang isang babaeng naka-nurse na damit iyon.
Dahan-dahan akong umupo. Nasa ospital ako? Sino nagdala sa akin dito?
"I-Ilang oras na akong tulog, Miss?" tanong ko sa kanya.
"Anim po," aniya. May chine-check sa gilid ko. Tanging mga kurtina lang ang harang ko sa ibang pasyente.
Kaagad akong napabalikwas nang may naalala ako.
Kailangan ko ng umalis. Wala na nga akong pera tapos magbabayad pa ako rito. Badtrip naman. Kumunot ang aking noo nang maalala ang huli kong natatandaan bago mawalan ng malay, 'yong lalaking nagdala sa akin, nasa kanya ang bag ko.
"Miss, sino nagdala sa akin dito?" tanong ko habang ginagalaw-galaw ang balikat.
Buti naman at buo pa ako.
"Isang lalaki po," simpleng sagot niya, sinisipat ang isang aparato sa gilid.
"Anong pangalan? Alam mo ba? Baka na sa kanya ang bag ko." Paano kung snatcher pala iyon at tinangay na ang bag ko?
Napanguso ang Nurse kaya napakunot ang aking noo.
"Hindi ko po alam. Kanina pa namin tinatanong kung anong pangalan niya pero hindi naman nagsasalita," anito.
Napakurap-kurap ako nang ituro niya sa akin ang isang gawi bago umalis.
Napatingin ako kung saan ang tinuro niya. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakahiga sa mga pinagtabi-tabing upuan tapos nakabaluktot siya habang yakap-yakap ang aking bag animong ayaw niya itong pakawalan.
Lumapit ako sa kaniya kahit na kinakabahan ako.
Bahagyang napatabingi ang aking ulo nang mas malapitan ko siya. Mahaba ang kanyang buhok na sa tingin ko'y hanggang balikat na niya tapos may balbas at bigote siya pero hindi nakalagpas sa aking paningin ang matangos niyang ilong at mahabang pilik-mata.
Ang kanyang damit ay longsleeve na hindi ko alam kung matatawag ko pa bang puti dahil ang dungis na nito tapos ay nakaitim siyang pantalon na sira-sira na rin, wala siyang suot na sapatos o ano man na proteksyon sa kanyang paa kaya naman sobrang dumi na no'n at may sugat-sugat na rin.
Napalunok ako habang tinitingnan ko ang malaki niyang katawan na pilit pinagkasiya sa apat na upuan na pinagdikit-dikit.
"Ay huli ka balbon!" Napasigaw ako nang makita ko siyang nagmulat nang mata.
Kaagad akong napatayo nang tuwid habang siya ay dahan-dahan namang umupo habang kinukusot pa ang kanyang mata. Bahagyang napaawang ang aking labi nang makita ang abo niyang mata at manipis na labi. Ang gwapo naman nito para sa isang pulubi? Bakit ang dumi niya? Baliw ba 'to?
Seryoso lang siya nakatingala sa akin habang yakap pa rin ang aking bag. Nakakaintimida ang paraan ng pagtingin niya, para bang kaya niyang basahin ang nasa isip ko.
"Ikaw ba nagdala sa akin dito?" tanong ko sa kanya, ginawa ko pang mahinahin ang boses ko para hindi siya matakot, baka kasi bigla siyang tumakbo, 'yong bag ko.
BINABASA MO ANG
Back to Six
Genel KurguThey met accidentally. Literal na aksidente iyon at simula no'n ay hindi na tinigilan ng gwapong lalaki si Denzy. Kung saan siya pumunta ay nandoon din ito, kung anong gagawin niya ay gagawin din nito. Kahit anong pilit na taboy niya rito ay hindi i...